CHAPTER X

8.9K 361 73
                                    

CHAPTER X

AILYN

Pagkatapos ng tanghalian namin ay pumunta na kami sa silid alaran namin. Pinauna na kami ni Syra dahil may kukunin siya sa library.

Ilang saglit na hindi pa dumadating si Syra ay nakita kong tumayo si Justin na katabi lang din ni Liam.

"I'll just go to the toilet." Saad nito at madaling lumabas.

"Nagtatae ba 'yun?" Saad ni Lyra.

"Maybe." Saad ni Reya.

Kanina ko pa din siya napapansin na hindi mapakali simula nang magtanghalian kami. Lagi siyang nagsasalamin sa tubig at inaayos ang buhok. At pagdadating naman si Syra ay parang lagi siyang natatameme at hindi nagsasalita.

Ilang saglit lang ay magkasama na si Syra at Justin. May dala si Justin na limang makakapal na libro at si Syra naman ay yakap ang isang makapal na libro.

Nilapag ito ni Justin sa upuan ni Syra. Hindi ko rinig ang usapan nila dahil medyo malayo ang pwesto ni Syra sa pwesto ko. May sinabi si Syra at ikinangiti ito ni Justin.

Bumalik si Justin sa upuan niya ng casual at may malaking ngiti sa mukha nito.

Binulungan ito ni Liam at parang naestatwa siya sa binulong ni Liam.

Tinapik ko si Liam."Ano 'yon?" Tanong ko.

"Wala. This is just between us boys."

Sumige nalang ako sa sinabi niya. Dumating ang guro namin sa oras na ito. Ito yung oras na kailangan namin gamitin ang magia namin. Para daw mas lumakas pa ito.

Makikipag-sama kami sa isang klase di tulad nuong kahapon na kami lang. Nakalaban ko si Reya at masasabi kong sobrang lakas niya pero sa huli ako ang nanalo.

"You'll be joining with the Advance class. You're on a higher level class, but don't underestimate them. Change into your clothes and get to the field." Saad ni Sir Pious.

Nagpalit na kami ng damit namin. Pumunta kami sa malawak na lugar sa likod ng paaralan. Pagdating namin doon ay may higit trenta ka tao doon.

Siguro ito yung klase na kasabay namin ngayon.

Bente kaming lahat at halos sa amin ay minamaliit at ang iba ay hinahangaan.

"Elite class, meet the advance class." Saad ni Sir Pious.

Yumukod kami ng kakaunti bilang pagbati at ganoon din sila ng batiin kami. Pag-angat namin ay halos lahat ng babae ay ang sama ng tingin sa akin.

Anong ginawa ko?

At napansin ko na lahat ng lalaki sakanila ay nakatingin sa akin. Nakaramdam ako ng kakaibang magia sa likod ko na parang ikina lingon ng mga lalaki sa ibang klase sa iba't-ibang direksyon.

Lumingon ako sa likod at si Liam lang pala. Ngumiti ito sa akin. Ibinalik ko ang tingin ko sa mga guro na nasa harapan namin.

"Today, we'll be learning each others strength and weaknesses." Saad ng guro sa advance class.

"This will be useful if you're going to be a mage knight or a court mage." Saad ni Sir Pious.

"By leraning what we did today is to defeat your enemies by learning their weakpoints and weaknesses or you can take advantage of their strength by turning it to a weakness." Saad ng guro sa kabilang klase.

Primeria AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon