Simula

50.9K 1.2K 170
                                    

Simula:

Tirik na tirik ang araw at ang singaw nito ang dahilan ng mga butil ng pawis sa aking noo. Pinagmamasdan ko ng mabuti ang bawat signage na nadaanan ng bus na sakay ko sa takot na baka lumagpas ako sa lugar na pupuntahan ko. Hindi ako pamilyar sa tanawin sa labas na puro mga sasakyan, naglalakihang mga establisyamento at mga malalawak na kalsada.

Halos manibago ako sa hangin na nalalanghap ko sa bintana ng bus. Malayong malayo sa malamig at malinis na simoy ng hangin sa Dumaguete. Nakatingin lang ako sa labas ng makarinig ako ng ilang bulungan sa mga kalalakihang nasa harap ko. Puno ang bus at maraming tao sa Maynila kaya ganoon na lang ang karami tao na nakatayo sa loob nito.

"Shit baka mahalata tayo wag kang magulo!" rinig kong reklamo ng isang lalaki at nakarinig ako ng sunod sunod na halakhakan.

"Ano hindi mo ba kakausapin at ako na lang ang kakausap!" sabi naman ng isa at hindi ko maiwasang lumingon sa kanila at nagtama ang tingin namin ng tatlong lalaki. Agad akong nagiwas ng tingin dahil mukhang kanina pa sila nakatingin. Huminga ako ng malalim at medyo napaayos ng upo ng makita ang pangalan ng lugar na babaan ko.

Mabilis ang andar ng bus kaya bigla akong nagpanik.

"Tigil! Manong dito na lang!" malakas kong sigaw at kusang napalingon sa akin ang lahat ng pasahero maging ang tatlong kalalakihan. Agad akong tumayo at nagmamadaling lumakad sa labasan.

"Miss sandali lang hindi dito ang babaan." sabi ng driver na medyo nagtataka pa sa akin.

"Pero Manong, doon po ako baba. Pakihinto na po." saad ko pero hindi niya ako pinakinggan at binilisan pa ang pagpapatakbo at dahil hindi naman ako nakahawak ay muntik pa akong matumba kung hindi lang may humawak sa bewang ko.

Malakas ang kalabog ng puso ko dahil sa takot na matumba. Nakarinig ako ng halakhakan at napatingin ako sa isang lalaki na nagiinit ang pisngi habang nakahawak sa bewang ko. May narinig akong sumipol at agad akong umayos ng tayo at agad humiwalay sa lalaki na napapakamot sa ulo.

"Sorry Miss." nahihiya niyang sabi pero hindi ko na siya sinagot ng marinig ang sinabi ng Driver.

"Dito na Miss." at huminto ang bus at nagmamadali akong bumaba habang mahigpit na yakap ang duffel bag at may isa pang bag na nasa likod ko. Pagkababa, ramdam na ramdam ko ang halos pagbali ng ulo ng ilan ng makita ako.

Nailang ako sa ilang lalaki roon na parang iba pa ang tingin at makahulugan kaya mabilis akong naglakad. Nataranta pa ako ng mapansin na ang ilan ay sumunod sa akin. Nataranta ako kaya binilisan ko ang paglalakad. Halos matakot pa ako sa mga sasakyan na ang bibilis umandar sa gilid ko.

Nagpapasalamat ako na hindi ko na nakita ang mga sumusunod sa akin. Nilabas ko ang papel mula maliit na bulsa sa pantalon ko at binasa muli ang pangalan na nakasulat roon at medyo malayo ang lalakarin dahil sa layo ng nilagpasan ng Bus.

"Buena Logos." basa ko sa street na nakalagay sa isang signage at may nakita akong nagtitinda ng fishball kaya doon ako lumapit para magtanong.

"Miss, kilala niyo po ba si Ate Lucianna? Sikat daw po siya na may-ari na naglalakihan na mga tindahan ng damit rito?" tanong ko sa babaeng tindera at napatingin pa doon ang ilang lalaking estudyante na kumakain ng fishball. Kitang kita ko ang pag-awang ng labi nila at agad na nagsikuhan at nagbulungan.

Napatingin naman sa akin ang tindera na kunot ang noo at kitang kita ko ang pagtingin niya sa itsura ko.

"Kilala ko Miss, kaso medyo malayo pa yun rito eh. Kailangan mong sumakay ng tricycle dahil hindi kakayanin kung lalakarin. Sabihin mo lamang na kila Lucia at alam na ng driver." sabi ng Tindera at may paghanga pa na nakatingin sa akin na hindi ko alam kung para saan. Napatango tango naman ako sa sinabi niya.

Sweet Vengeance of Misery (Misery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon