Kabanata 37

17.8K 529 26
                                    

Kabanata 37: Everything

Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa kanya matapos niya iyong sabihin. Suminghap ako at ramdam ko ang saglit na nginig na dumaan sa buo kong katawan pagkatapos marinig iyon mula sa kanya. Pinagpatuloy ko ang ginagawang paglabas ng pagkain sa paper bag at katahimikan ang bumalot sa amin.

Bumalot ang masarap na amoy ng pagkain nang ilagay ko iyon sa mini table at iniharap kay Kaspiel. Naghila ako ng upuan sa tapat ng kama niya. Marahan kong binuksan ang mga pagkain at binigyan siya ng spoon and fork.

"Kumain ka na ba?" tanong niya at hindi ko alam kung bakit nag-aalinlangan akong sagutin iyon pero umiling lang ako.

"I will just eat a sandwich and a spaghetti. Ayos na iyon sa akin." mahinahon kong saad at binuksan ang sandwich para sana kagatin na ng mahinto dahil nakatingin lang sa akin si Kaspiel.

"Ganyan lang kaunti ang kinakain mo kaya sobrang payat mo na." sabi niya. Agad namang namilog ang mga mata ko at napatingin sa sarili. My brows furrowed. Hindi ako ganoon kapayat at may kaunting laman pa naman ang sarili. Masyido lang talagang grabe ang description niya.

"Hindi ako payat!" I defended and he just smirk.

"Hindi kita hahayaan na kumain lang ng ganiyan kaunti. Sobrang dami nito hindi ko rin mauubos. Masasayang lang." aniya at tumaas naman ang kilay ko.

"Sinadya ko talagang bumili ng ganiyang karami. I even thought it's still not enough because of your lean muscle. Baka kulangin pa iyan sayo kaya ayos na talaga ako rito." sabi ko at natigilan nang marinig siyang humalakhak.

"Lean muscles huh? Are you checking my body?" he ask and my eyes widen. I softly muttered a soft damn it after realizing a compliment accidentally slipped on my mouth.

"Its easy to notice even w-without checking your b-body." saad ko at hindi alam kong bakit nanginig ang labi bigla. Tumikhim na lang ako at inayos ang boses. Sinimulan ko ng kagatan ang sandwich at nakatingin lang naman sa akin si Kaspiel at hindi kumakain.

"Anong problema mo? Bakit hindi ka kumain?"

"I can't eat seeing you with only sandwich and spaghetti."

"Don't mind me, I'm fine. I'm used to this breakfast."

"But its not fine with me, c'mon join me here." saad niya at binuksan ang isang ulam roon na agad akong natakham dahil sa amoy na kumawala. Nilagay ni Kaspiel ang kanin sa paper plate at tinapat sa akin iyon pati ang ulam.

"I'm fine. Iisa lang ang kutsara at tinidor na nariyan kaya hindi rin ako makakain." saad ko at tumaas lang ang kilay niya.

"Then were going to share." simple niyang saad at agad naman akong napasinghap.

"A-Ano?"

"What? As if I have some virus  and you'll have it if were going to use a same spoon and fork."

"That's ridiculous! I don't want to use your spoon and fork and taste your..." hindi ko naituloy ang sasabihin at napapikit.

"Don't overact like you're not yet tasting my lips. We even do more than that." saad niya at humina ang boses sa huling pangungusap. My eyes widen on his words and I feel my world stop. Mabilis kong nilunok ang nginguya at ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko.

Ramdam ko rin ang pagkalabog ng puso ko na hindi ko binigyan ng atensiyon.

"That's already in the past. Stop mentioning the past things." mahina kong saad at natahimik naman si Kaspiel. Binigay lang sa akin ang kutsara at tinidor. Inis akong lumingon sa kanya.

Sweet Vengeance of Misery (Misery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon