Kabanata 12

16.7K 612 27
                                    

Kabanata 12: First Meet

"Thiarah sign this first and we can enter the Hospital." tawag sa akin ni Martin. Napatikhim ako at umayos ng tayo at saka pumunta sa puwesto niya. Nagbigay espasyo naman siya sa akin para mapalitan ko siya. My heart pounded like a mad man because of presence beside me. I tilted my head, acting like I'm reading the paper before signing it when the truth is I just calming myself to ease the tension and my trembling hands.

Huminga ako ng malalim at saka inangat ang kamay para pirmahan na iyon. Tatlong segundo lang, pero iyon na ata ang pinakamahirap na pagpapakalma sa buong buhay ko. Nang matapos ko iyon ay muli kong hinarap si Martin na nakatitig na pala ngayon sa katabi ko. Mukhang ngayon niya lang napansin.

Kitang kita ko ang pamumutla niya at ang mahinang panginginig ng mga labi. Para bang nag-aalangan at biglang kinabahan. Pasimple akong napailing at binuka na ang bibig para kuhanin ang atensyon niya.

"Shall we start gaining data's?" I ask Martin at mabilis naman siyang napabaling sa akin at mabilis na napatango tango.

"U-Uh. Y-Yeah c'mon let's start." aniya at nagpatiuna nang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya at binalewala na ang presensya ng isang tao roon sa reception.  I just focused my eyes on the hallway. We're walking and I never take a second glance on him. As if I let my pride eat when I turn my head. That will be the last thing I want to do.

I took a very deep sigh to ease the heavy feeling in my chest. Sa paglalakad pa lang namin sa hallway ay may nakasalubong ng kakilalamg Doktor si Martin. Mukhang kaibigan ng ama niya at iyon ang pagkakataon namin para gawin ang aming narrative report. Nagbigay siya ng ilamg sagot at impormasyon na kailangan namin. Nang matapos ay nirokomenda niya sa amin na pumunta sa Doctor's office dahil doon namin makukuha ang lahat ng sagot.

Nagpasalamat kami sa kanya pagkatapos at nagtungo na sa Doctor's Office. Dahil may ilang kakilala na si Martin ay may tumulong sa aming staff para magtungo roon at makahanap ng mga impormasyon. Sa tulong na rin noon ay nakuha namin lahat ng kailangan namin. Para agad namin iyong matapos sa loob lang ng isang oras.

Pagkalabas namin ng Doctor's Office ay pasado alas dos na. Habang naglalakad sa hallway doon na ako nakaramdam ng gutom.

"There's a canteen here. Gusto mo bang doon na kumain o sa labas?" tanong bigla ni Martin at napahinto naman ako sa paglalakad sa sinabi niya.

"Dito na lang siguro." simpleng sagot ko at dahan dahan naman siyang ngumiti sa akin at iginiya na ako patungong canteen.

"Alright. Tell me what you want to eat, I'll treat you." sabi niya ng makahanap ako ng upuan at gulat naman akong napabaling sa kanya. Akma ko ng kukuhanin ang wallet ko ng magsalita siya ng ganoon.

"N-Naku hindi na. Malaking bagay na nga iyong nagawa mo dito sa project natin. Masyado ng nakakahiya kung hahayaan pa kitang ilibre ako. Dapat nga ako ang gumagawa nun. Dahil sayo napadali ang gawain natin." saad ko at ngumiti sa kanya. Para hindi niya na ituloy ang balak niya pero umiling lang siya sa akin at iniwan na ako doon sa upuan ko. Pagkatapos ay nagtungo sa counter para bumili ng pagkain.

Natigilan ako at pinagmasdan na lang siyang naglalakad papalayo sa akin. I remember something and it's not good. Mabilis akong napailing iling at winala iyon sa isip ko at huminga na lang ng malalim. Walang nagawa kundi hintayin si Martin.

Minutes passed and Martin came back on our table with a lots of food. Awang ang labi ko na nakatingin sa pagkain na halos punuin ang lamesa namin. Napatingin ako sa kanya ag nahihiya siyang nag-iwas ng tingin sa akin.

"You can buy just one meal for me. Hindi ko kayang ubusin ang ganitong karaming pagkain baka masayang lang." maingat kong sabi dahil baka maoffend siya na siya na ang nang libre at ganito pa ang reaksyon ko. Hindi ko lang maiwasang mag-aalala dahil sa dami nito. Nakokonsensya ako bawat pagkain na hindi ko maubos dahil pakiramdam ko pinagkait ko iyon sa mga batang walang makain.

Sweet Vengeance of Misery (Misery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon