Kabanata 18

16.4K 540 34
                                    

Kabanata 18: Problem

Ayoko namang mapansin nila na titig na titig ako sa panibagong lalaking dumating. Kaya nang umupo siya ay tinuon ko na lang ang tingin sa mga mata kong nasa kandungan ko ngayon. I'm trying to lost my glare on him, and calm myself. Hindi naman puwedeng magpakita ako ng galit ngayon dito kahit na nanginginig na ang buo kong kalamnan.

Huminga ako ng malalim at inabot ang malamig na baso ng tubig sa tabi ko at dahan dahan iyong ininom. Muntik pa akong masamid nang sumulyap sa gawi ko si Frederico. Mabuti na lang at napigilan ko at agad binaba ang baso pagkatapos.

"Are you okay?" napabaling ako sa katabi ko at nakitang nakatuon na pala sa akin ngayon si Kaspiel. Sandali akong natigilan at ngumiti sa kanya kalaunan.

"I'm fine." simple kong sagot at kahit mukhang nagtataka ay tumango na lang siya. Dumating ang order at hindi na kami nakapagusap ni Kaspiel dahil abala siyang lagyan ng pagkain ang pinggan ko. Ramdam ko ang tuon ng iba sa amin at nag-iinit ang pisngi ko dahil sa binibigay nilang atensyon.

"Do you want more sauce?" marahan niyang tanong at tumuon sa akin.

"U-Uh, o-okay na yan. Baka hindi ko maubos." mahina kong saad.

"You need to eat more, you look very thin. I'll add more vegetables." aniya at kumuha sa isang malaking plato ng mga gulay at napasinghap naman ako ng mahina.

"H-Hindi ako masyadong kumakain ng gulay." bulong ko sa kanya at nababahala na baka hindi ko maubos ang laman ng plato ko. Nakakahiya naman na marami akong kinuha at hindk ko mauubos. Lalo na at mukhang hindi ako hahayang magbayad ni Kaspiel rito.

"You should follow your girl wants, Kaspiel. Thiarah look thin but in a sexy way. Saka tama lang kaya ang payat niya at hindi naman sobra. You know her shape is a very suited for a man's taste. Pang modelo ang katawan." ani ni Jonarissa na nanonood rin pala sa ginagawa ni Kaspiel sa plato ko.

Kita ko namang napahinto si Kaspiel sa akmang paglagay ng maraming pagkain sa plato ko.

"Psh, I don't care about shape, I just want her to be healthy." he scoffed and tilted his head. Natawa ang ilang kaibigan niya roon at napailing naman si Jonarissa. Kita kong umangat din ang sulok ng labi ni Frederico at mukhang hindi pa makapaniwala sa sinabi ni Kaspiel. Biglang nawala ang maganda kong pakiramdam dahil sa ngiti niya.

"Am I missing something here?" his baritone voice who I hate the most invade our table. Napatikhim ako ng mahina, sapat lang para ako ang makarinig dahil gusto ko talagang magsalita pero alam kong hindi pwede.

"Kaspiel just brought a girl here, officially!" si Ishan at uminom sa baso niya. Mukhang nagulat naman si Frederico sa balitang iyon.

"Oh, so this girl is your girlfriend?" gulat niyang sabi pero may saya sa tono. Napaismid ako sa isip.

"Not yet, Fred. I'm still pursuing her, but surely she will be mine officially, soon." he said cockily and a let out a rough chuckled. Nakaramdam ako ng marahang pag-iinit ng pisngi kahit na ramdam ko ngayon ang paninitig ni Frederico sa akin.

"You must not hurry Kaspiel and wait for a girl answer, politely."

"I know, I can wait for her eternally. I will be not like you, remember? " Kaspiel said and I don't know if he mean something in the end that make our table turn into silent. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba si Kaspiel sa tanong na iyon, pero ako yata ang pinakanaapektuhan noon.

Agad kong nakuha ang sinabi niya at kitang kita ko ang pagkatigil ni Frederico at nawala ang naglalarong ngiti sa labi. Natahimik din ang kaibigan niya na kanina ay nakangisi pa kay Kaspiel. Nanatili naman ang malamig na titig sa akin ni Lance, na hindi ko alam kung bakit ngayon ay nakatuon sa akin.

Sweet Vengeance of Misery (Misery Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon