Chapter 5

4.6K 159 21
                                    

Jema







"Ang taba ko na ba?"

Tanong ko kay Ivo habang sinusukatan niya ako.

Nandito ko ngayon sa shop niya. Igagawa niya ako ng daily uniform. Nakita ko dun sa picture na kulay puti iyon na parang pangnurse.







"Bastos ka ah. Sa'kin mo pa talaga tinanong yan?"

Sabi niya. Ganito kasi kami magbiruan nito eh.

Parehas kaming galing sa hirap.

Pag sila Deanna ang kasama ko, pormal kami mag-usap.

Pero pag kami lang dalawa, nagbabalahuraan kami.

Una ko siyang nakilala sa birthday ng isang customer din niya at family friend nila Deanna. Kashare namin siya ng table.

Nung una pormal kami mag-usap. Tapos narinig ko siyang nagmura. Akala ko ako yung minumura niya kasi kami lang ang natira sa table. May kausap kasi nun si Deanna sa kabilang lamesa.

Pagtingin ko sa kanya ay may kausap pala sa phone.

Natawa ako tapos ngumiti din siya. Nagkakuwentuhan na kami.

Pag kaharap namin ang mayayaman, nagpapaka-pormal din kami.

Pero pag kaming dalawa lang, daig pa namin yung nagchichikahan sa palengke.

Nag-click kaming dalawa, parehas kasi kaming jologs.







"Eh kung ayaw mo edi diyan ko na lang tatanungin sa leeg sa loob ng double chin mo."

Hahaha

Ganito kami magbiruan nito.

Malaki kasi siya. As in obese. Pero lagi ko siyang tinutukso dahil lagi siyang may scarf sa leeg niya.

Akalo ko dati style niya lang yung scarf. Yun pala tinatago niya yung part na yun.









"Sexy ka pa din Jema. Hindi ka mapagkakamalang 29. Magaling si Boss D mag-alaga. Baka nga mas mukha ka pang bata sa mga magiging classmate mo eh. Wag mo nang pakielaman ang leeg ko, di ka naman inaano eh."

Sabi niya sa akin.

Nambola pa to.

Tinawanan ko lang siya.

Parehas naming namimiss yung pakikipagusap ng normal lang.








Yung minsan gusto ko yung walang etiquette na iniisip. Nung nag-artista ako di ako gaanong dumadalo sa mga party. Mas gusto ko magmukmok sa bahay dahil di ako sanay makipagsosyalan.

Basta puwede makalusot ay nag-a-alibi ako. Dapat pala noon pa lang sinanay ko na yung sarili ko.








Ganun din pala ang mapapangasawa ko... 🙄










Wala pang alas diyes ay pauwi na kami ni Lea sa bahay.








"Daan tayo sa mall ha. Bibili lang ako sandali ng mga gagamitin ko pagpasok sa school."

Sabi ko kay Lea pagkaalis namin sa parking lot ng shop.

Bibili ako ng school shoes, pad paper, at ballpen.

Iyon lang muna kasi di ko alam kung ano pa ang kakailanganin ko.









Imbes na sagutin ako ay may tinawagan siya sa phone niya.










Love Team Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon