Chapter 22

4.4K 188 82
                                    

Deanna








Jema's right. Maraming tao dito na magaalaga sa mga anak namin.

May mga relatives siya na nandito. Sabi ni Mama ay may schedule daw ang mga kamag-anak at mga close friends nila sa pagpunta dito.

Para daw hindi masyadong marami ang tao dito at makatulong na rin sa pag-aalaga.

May screening na nagaganap sa maindoor pa lang ng bahay.

Kung si Jema ay maselan sa mga anak namin ay mas malala ang nanay niya.

May rules na nakapaskil sa tabi ng pinto.




_________________________

1. No ligo, no entry.

2. No toothbrush, no entry.

3. No deodorant, no entry.

4. Mahaba at madumi ang kuko, no entry.

5. May lagnat, sipon, ubo o kung anu-ano pang sakit, hindi clinic o ospital ang bahay na to. Mali ka ng papasukin.

P.S.

Kung may sakit kang malala at nahawahan mo ang mga apo ko, hindi ka sa sakit mo mamamatay.

6. Dapat naperfect niyo lahat to. Hindi ito exam na may pasang awa, lalo yung unang tatlo.

Maniwala ka, aamuyin kita.

6. Huwag na subukang magpanggap, aalingasaw ka rin.

Nagsinungaling ka na, mapapahiya ka pa.

_________________________





Infairness,

May mga nakalusot. May mga kasama kaming naglunch kanina.

Nakikipagkuwentuhan pa si Jema sa kanila. Hinihintay ko lang siya para sabay na kaming umakyat sa kuwarto.

Mamayang hapon ay pupunta dito ang mga ate niya. Si Mafe ay dito pa din nakatira kasi di pa siya nag-aasawa.

Magba-bonding daw ang Galanza sisters. Paano kaya sila pag nagsama-sama?

Riot kaya?

Si Mama pa lang ay parang limang tao na ang nagiingay eh.

Sa mga times na nakasama ko sila ay mababait naman sila sa akin.

Maingay ang pamilya ni Jema pero masayahin at mabubuting tao.

As far as I know, my wife is the most silent among them all. Sabi ni Papa ay si Jema lang ang nagmana sa pagiging tahimik niya.

Pero parang hindi rin. Sa kanila lang siguro, kasi pag galit si Jema ay nagpi-flip top din eh. Tapos yung kamay daig pa ang spiker sa volleyball pag nanghampas eh, nakakatakot kaya.












Binago nila ang ayos ng bahay para sa mga anak namin, naglagay sila ng mga glass cabinet para hindi mabuksan at hindi malaglaruan ng mga bata ang mga display.

Yung center table dito sa living room ay nilagay nila sa gilid. Rubber mat ang ipinalit nila at may mga laruan na dito.












"Love, lika na."

Umakyat na kami ni Jema sa kuwarto.

Siguro naman may charge na ang mga cellphone niya.

Dinampot ko agad yung pinakalumang model.









"Ihuli mo yan."

Love Team Book 2Where stories live. Discover now