Chapter 10

4.8K 167 16
                                    

Jema








"Excellent job Mrs. Wong! Okay class, you've been clapping for a while now. Aren't your hands swollen already? Obviously, you are all eyes with today's reporter, I expect that you have listened to her report as well. Be ready for a quiz next meeting. Class dismissed!"

Haay salamat!

Pangatlong linggo ko na ngayon sa pagbabalik aral. So far ay okay naman. Nung una nangangapa pa ako. Pero nasasanay na rin ako sa routine.

Yung subject na malilipat sana ng 4:30-6:00 ay di natuloy. Buti na lang kasi mahihirapan talaga ako.

Nagbabaon na rin ako ng sandwich para sa break. Tuwing lunch ay nagpapadeliver si Deanna at dun kami kumakain ni Lea sa ilalim ng puno ng sampalok.

Yun nga lang di na ako makapagpaalam sa mga anak ko pag paalis ako ng umaga. Humahabol kasi sila.

Ganon pala yun, kahit tulog sila pag naamoy nila ako, alam agad nilang aalis ako. Biglang nagigising, bumabangon at umiiyak.

Haaay, naumpisahan ko na to eh. Sandali lang naman ako nawawala sa bahay every day at nasa bahay naman ako tuwing weekends eh. Kahit mahirap, tatapusin ko to at siyempre gagawin ang best ko.

Ganun kasi ako. Gagawin ko na lang din edi gagalingan ko na diba. Nakailang quizzes na rin ako sa iba't ibang subject at so far ay okay naman ang mga score ko. Nagrereview kasi ako talaga lalo na pag may numerong involved.

Tinutulungan naman ako lagi ng asawa ko. Katulad nitong report ko about personality development. Sa kanya ako nagpraktis.

Kaya madaming nuances ko ang nacorrect niya. Nakakabilib ang asawa ko! Nung una pinakita niya sa akin kung paano pag siya ang magrereport nun. Napakaconfident niya. Kaya ginaya ko lang din siya nung actual ko na.

Yung mga tanong, nasagot ko rin ng maayos kasi mas malala pa dun yung mga tinanong ni Deanna eh. Nung nagpapraktis kami daig ko pa yung nasa top 5 ng Miss Universe. Nakasimangot pa yung asawa ko pag di nagugustuhan yung sagot ko.

Asar na asar ako sa kanya nung pinahirapan niya ako nung 'dress rehearsal' namin. Pero sulit yun lahat kasi napa-'excellent' si Sir.

Hmmm...

Ano kayang magandang premyo ni Love?

Regalo?
Ano pa bang wala sa kanya? Lahat naman nabibili niya eh.

Babe time?
Halos araw-araw naman nakakagawa ng paraan si Ninja Wong eh.

Date?
Sobrang istrikto niya nga lalo ngayon eh. Dumami pa lalo ang guards ko. May nakabantay na din ngayon sa bawat building na puntahan ko.

Ewan ko kung pansin ng mga kaklase ko pero tuwing naglalakad ako dito sa school ay may mga taong sumusunod sa akin. Hindi naman dikit na dikit pero nakakailang pa rin.

May mga radyo na rin sila ngayon. Nakakabit ang earbud sa isang tenga nila.

Naalala ko nung unang linggo ko sa university. Sabihin ba naman ni Deanna na tumigil na ako. Wag na lang daw ako pumasok sa regular school. Try niya daw ienrol ako sa home study.

Diba ang saya niya?

Pagkatapos akong i-convince na mag-aral sasabihin tumigil ako agad? Kung kelan na-internalize ko na at tinanggap ang hamon na to sa buhay ko. Kung kelan umepekto na sa akin yung mga sinabi niya para mapapayag akong mag-aral?

Nagalit ako talaga sa kanya!

Ano ko? Barbie doll? Bibihisan ng kung ano lang ang trip niya? At papalitan ang damit kung kelan niya gustuhin?

Love Team Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon