Pahabol

7K 159 26
                                    

Deanna





"Iyon pala ang dahilan kung bakit tahimik ka? Di ka makapili. Alam mo, yung nangyari kasi sa love story namin ni Deanna, para siyang kidlat na dumating sa mundo ko, well hinanap niya ako ulit after a few years pero, nung time na yun kasi, pinipilit ko yung sarili ko na maniwala na si Alexis na talaga, part siya ng mundo ko na alam mo yun, stereotype? Yung tipong wala na, ito na ang nakasanayan ko, ang mga babae, pag dumating sa tamang edad, magpapakasal. Tapos magpapamilya. Ganun. Pero nagbago lahat yun dahil kay Deanna. Kaya alam ko, makakapili ka rin sa dalawa. Wag mo muna pilitin magdesiyon ngayon.
Basta yung kapatid ko, wag mo sasaktan masyado ha. Kung dumating yung time na maisip mo na siya ang gusto mo, makipaghiwalay ka ng maayos kay Jho. At pag nangyari yun, wag mo sanang lolokohin kapatid ko. Pero kung si Jho talaga, sabihin mo ng maayos kay Mafe."

Haaay Jemalyn!

Pati pagiging Love Guru kinuha mo na rin ah.




"Thank you Maam sa pakikinig. Salamat po at di ka galit sa akin kahit na, you know, nalaman mong nagkagusto ko sayo."

Wait what?

Parang gusto kong ipukpok itong wine na binigay sa akin ng isa sa stockholder ah.

Kundi lang to mahal eh!

Half of me wants to approach them and give Lea a punch in the face.

Pero nanalo yung pagiging tsismosang kapitbahay ko.

Gusto kong malaman ang sagot ni Jessica!




"Alam mo Lea, hindi sa pagmamayabang noh, nung nasa peak ako ng career ko sa showbiz, sobrang dami kong suitor. As in."

Hindi sa pagmamayabang...

Ang yabang mo uy!



"Hindi na bago sa akin ang hangaan ako. Kahit nga sa school may mga professor ako na nagpaparamdam hanggang ngayon eh."

Putangina sino yung mga yun?

How dare them!

Mapapalampas ko ang mga past na suitors ng asawa ko.

Pero yung present and future?

Tutugisin ko sila!





"But my heart is only one, at kay Deanna lang to. Hindi ko sinadya na mahalin siya ng todo at maging faithful sa kanya ng ilang taon. Kahit nung mga panahon na balewala lang ako sa kanya. Pero ito na yun eh. Binigay ko na sa kanya ang lahat. At wala akong tinira para sa sarili ko. Puso, katawan, kaluluwa, kanya lahat. Kahit siguro kamatayan hindi mababago yun."

And I love you too very much my wife!

Yiehhh!!!

I'm so kilig!




"How I wish nga na malaman ko na kung si Mafe or Jho ba talaga. Ayoko rin ng nahihirapan sila. Alam mo yun Maam? Yung parang ang kapal ng mukha ko? To let two women hanging because of me. They both deserved to be loved. At parang di ako karapat-dapat sa kanila."

Haaay Lea, Papi problems pala, dapat sa akin ka nagconfide.

Anung malay ng Maam mo diyan.

Ako dapat kasi I had my glory days kaya.

I remember I confessed to my wife that I had a few flings before.

I was kind of 'feeling pogi' then.

Naku naku naku!

If my wife finds that out, yung kung paano ako naglaro noon, baka maputulan ako ng...




Love Team Book 2Where stories live. Discover now