Chapter 27

4.8K 180 38
                                    

Jema









Maayos naman ang gising ko kaninang umaga.

Wala rin topak si Dzen kaya medyo payapa ang umaga ko.

Yung babae ko kasi, minsan may trip yun pagkagising. Nakasimangot ng bongga. Tapos pag nagkamali ka ng bati sa kanya ay iiyak na. Kailangan mo talaga suyuin para tumahan.

Sabi ni Mommy, ganun din daw si Deanna nung bata pa.

May saltik sa umaga.

Pero pag nauto agad ay okay naman.




Kanina after nung wedding ceremony, habang nagpipicture taking ay ang daming sinasabi ni Tonio.

Nagpaparinig siya about divorce. Alam kasi niya na sa US kami kinasal ni Deanna.

Sa asar ko sa kanya, sabi ko ika-cut ko na uli ang communication namin after ng kasal.

Sabi ko ayoko nang makita pa ang pagmumukha niya after ng okasyon na yun.

Tapos biglang bawi, sabi niya nagbibiro lang daw siya.

Simula nun di ko na siya pinansin.

Iniwasan na lang din niya ko.

Tapos sa reception nalibang na sana ako kasi ang dami kong kakilala na ngayon ko lang ulit nakita.

Kamustahan at konting kuwentuhan.









Tapos biglang may nagtimbre sa akin na may higad na lumapit kay Deanna.

Alam ko ang kalibre ng babae na yun.

High school days pa lang ay ganun na siya.



Haliparot...



Yung mga katulad niya ang pinakaayaw ko sa lahat. Yung mga ginagamit ang mukha at katawan para magkapera.

Bata pa lang kami ay ganun na siya.

Yung naging jowa niya na nanligaw sa akin, may kaya kasi sa buhay yun.

Ganun ang mga nilalandi niya para nga naman di mabubuntis.

Haay nako...

Siya lang talaga ang tao na nakakapagpalabas ng evil side ko.

Lagi niya kong pinaparinggan noon, yung parang ako pa yung may gusto sa jowa niya. Di ko na nga lang pinapansin eh.

Hanggang sa hinamon ako.

Edi lahat ng gigil ko sa kanya inilabas ko.


😏😏😏









Tapos didikitan niya ang asawa ko?

Baka gusto niya ubusin ko ng tuluyan ang mga ngipin niya!

Si Charlotte ang humanap sa akin kanina. Sinabi nga sa akin na kinakausap niya ang asawa ko.

Kung nagkataon na magkatabi sila? Lilipad talaga sila pareho.

Buti na lang behave si Deanna.







Umakyat agad ako sa kuwarto pagkauwi sa bahay.

Nagpalit agad ako ng damit at nagpunta sa kuwarto nila Mama.

Nakipaglaro muna ako sa mga anak namin. Si Mama ay lumabas agad pagdating ko. Bababa lang daw siya sandali.

Pero alas siyete na siya bumalik.

Love Team Book 2Where stories live. Discover now