Chapter 25

5K 192 85
                                    

Jema









"Hi guys! Kanina pa ba kayo?"

Tanong ko sa mga high school friends ko. Si Deanna kasi ang bagal kumilos eh! Ihahatid lang naman ako.

Well, hindi siya nanalo. Sabi ko ma-a-out of place lang siya at matutulog na ang mga bata ng alas nuwebe kaya hindi puwedeng parehas kami aalis.

Wala kaming kasamang nanny kaya baka di mapatulog nila Mama si Dzen at Ken sa tamang oras.









"Kakarating lang din namin. Grabe Jema! Hustisya naman! Kambal ang nilabas mo at ako isa lang pero ang sexy mo pa din!"

Sabi ni 'Katok'. Jessica din pangalan niya kaya ganun tawag ko sa kanya. Short for 'katokayo'. Pero dahil nabaliw siya sa pag-ibig nung high school kami, siya na lang yung tinatawag ng ganon ng buong tropa.




"Mag-exercise ka kasi."

Sabi ko sa kanya.

Kung ano kasing pinayat nung high school days namin eh siya namang kinalusog ngayon.











"Paano? Eh seaman ang asawa ko!"

Gaga talaga! Hindi naman yun ang ibig kong sabihin!

Tawanan tuloy agad ang buong tropa.

Yun nga ba yung dahilan kaya di ako tumataba? Napaisip din ako ah.

Panay ang picture nila kaya di pa kami nakakapagkuwentuhan ng maayos.

Nasa isang restobar kami sa kapitolyo. Nasa katabing barangay lang ang lugar namin kaya malapit-lapit lang.

Sagot ni Tonio tong isang private room.

Wine at juice lang naman ang iinumin namin. Pagkain ang madami. Si Katok yata ang pinag-order nila eh.









"Marriage suits you Jema. You look lovelier. Even more beautiful than when you were in showbiz."

Si Antonio yun. Siya yung nagiisa naming tropang lalaki.

Nginitian ko lang siya. Kahit hindi masyadong maganda yung huling pag-uusap namin.

Pagtapos kasi ng Grade 11 namin, lagi kami nakatambay kina Charlotte. Summer vacation nun kaya malaya kaming nakakatambay maghapon. Tapos nagsi-siesta kami dun minsan.

One time nagising ako na napakalapit ng mukha niya sa akin. Hahalikan niya ko dapat pero nagising ako kaya  sinampal ko siya.

Nagkagulo pa kami nun kasi yung ibang tropa sang-ayon na ligawan niya ako, pero yung iba ayaw kasi wala dapat taluhan kasi nga friends lang dapat kami.

Nagkagulo sila na hindi man lang ako tinanong kung gusto ko ba siya.

Kasi hindi talaga. Tropa lang talaga tingin ko sa kanya kahit ano pa siya.

Komportable ako sa kanya. Minsan nga sa kanya ko pinapaayos ang strap ng bra ko eh. O kaya isa siya sa tinatanong ko kung may tagos ba ko pag may period ako.






"Galit ka pa ba sa akin?"

Anudaw?







"Grabe ka sa akin! Siyempre hindi na! Tagal na nun noh."

Halos buong Grade 12 yata ay di kami nagpansinan. Ako lang pala, di ko na siya gaanong pinapansin. Buo pa rin ang barkada pero naiilang na ko sa kanya. Nung graduation lang kami nagkausap ng maayos.

Love Team Book 2Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora