Chapter 7

5K 173 21
                                    

Jema







First Day ng first sem ngayon.

Kinakabahan ako!

Wooh!

Nung nagenrol ako, sinabi sa akin na hindi na daw ikecredit yung mga units na kinuha ko sa Adamson.

Magsasampung taon na kasi simula nung tumigil ako. Hindi na daw yun pwede. Kaya maguumpisa talaga ako na regular first year student.






Iniwan ko si Deanna na tulog na tulog pa sa kuwarto.

Sa mga sariling kuwarto na nila natulog ang mga bata. Sinamahan sila dun ng mga nanny nila.

Mauuna kasi akong umalis kay Love. 7:00am ang unang subject ko. Baka kasi mapasarap ang tulog niya at mahulog sa kama ang mga anak namin nang di niya namamalayan.

Kanina pang alas singko ako gising. Hinanda ko muna yung breakfast nila Deanna at yung mga bata naman ay hanggang sa lunch.

Nakaready na lahat at iinitin na lang ni Deti pag gising nila Deanna.

Nakaligo na rin ako. Isinuot ko na yung uniform ko.

Ibinili ako ni Deanna ng mga parang cycling shorts at camisole top. Lahat kulay white. Suot ko daw yun para hindi ako masilipan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin.

Kinuha ko na yung school shoes ko. One inch heeled black shoes.

Required kasi na may heels. Di ko alam kung bakit. Si Deanna ang pumili nito. Mapapagod daw ako sa paglalakad sa school pag masyadong mataas.

Ayoko din naman ng mataas. Kung puwede ngang flats lang eh.

Hinalikan ko si Deanna at lumabas na ko ng kuwarto.

Di ko na siya gigisingin, sayang kasi yung ilang oras na itutulog pa niya.

Pumunta ako sa kuwarto ng mga bata at hinalikan din sila.

Tapos bumaba na ako.

Chineck ko yung laman ng bag ko.

Cellphone?

Kanino to?

Ini-on ko at nakita kong family picture namin. Wala rin siyang passcode. Pagswipe ko ay naka-on na.

Tiningnan ko yung messages. Isa lang ang laman ng inbox.





You have received 1000 peso load.



Okay, prepaid siya.

Ang nasa contacts ay number ni Deanna, number ng family namin, number ni Deti, ni Lea, at ni Kuya Alvin yung head ng mga guards.

Bakit may ganito?

Tiningnan ko yung gallery. Mga pictures namin nila Deanna.

At may isang video.












"Good morning Love! Naisip ko na baka di mo na ko gigisingin so ginawa ko na lang tong video. So I bought this phone for school use. The professors will ask for your number for the announcements kasi. And yung mga classmates mo din, magkakaroon kayo ng group sa messenger for the upcoming  activities.

Para dun ang phone na to. Naisend ko na rin yung number nito sa mga contacts na nilagay ko. Our immediate family knows your schedule too para di ka nila iistorbohin pag may klase ka.







First time ko to sasabihin ha...

Ehem ehem...




Aral ng mabuti Love! See you later!

Love Team Book 2Where stories live. Discover now