Chapter 23

4.7K 187 58
                                    

Jema










"Ay! Naiyot na!!!"

Jusko!

Muntikan lumabas ang puso ko sa gulat!



"Deanna! Grabe ka naman! Talagang tumakbo ka ng mabilis para yumakap sa akin?"

Ang lakas pa rin ng kabog ng dibdib ko ah!

Nakatalikod pa naman ako sa pinto.









Teka?

Bakit parang baka kung umiyak to?

Saan ba to galing?











😊😊😊

Yung mga cellphone ko nga pala ang pinakialaman niya.

Humarap ako sa kanya.

Alam niya na kung gaano ako kabaliw sa kanya kahit noon pa.












"Tahan na."

Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko yung luha niya.

Lalo namang umiyak!

Nasa dibdib ko na ang mukha ni Deanna.

Alam kong iiyak siya talaga dun. Kaya nga pinahuli ko eh. Kung di niya ko sinunod at nauna yung ibang cellphone, lalo na yung phone ko nung bago naging kami ay hindi ganito ang magiging reaksyon niya.

Never kasi akong nagkuwento sa kanya about sa nagdaang mga taon after nung contest.

Nahihiya kasi ako!

Hindi ko alam kung paano ikukuwento na ilang taon akong hopia sa kanya.

Nangyayari naman talaga yun diba?

Yung wala kang ibang gusto kundi yung isang tao lang na di mo alam kung masusuklian ang pagmamahal mo?

Kahit kasi madami akong nakilala ay siya talaga ang hinanap ng puso ko.












"Love, aaminin ko, hindi kasing lalim nung pagmamahal mo sa akin yung naramdaman ko sayo noon. Pero mula noong nagkita tayo ulit at hanggang ngayon, my love for you grows stronger every day.

Maraming salamat sa pagmamahal mo sa akin ha. Wag kang magsasawa. Kahit may pagkapraning ako, kahit minsan di ko napapansin mga efforts mo, kahit minsan..."




Ano ba tong si Deanna!

Palala nang palala ang iyak niya ah!

Humihikbi na siya kaya hinahagod ko na yung likod niya.






"Love salamat talaga ha! Kahit ganun na pangit yung mga memories mo about sa dagat, pumayag ka pa rin na doon tayo ikasal. Dream wedding ko kasi yun eh! Dalawang beses pala kitang nasaktan!"

Haay, kahit natakot ako talaga nun na masasaktan ako ulit, na baka may mangyari na naman ay pumayag akong sa dagat magpakasal.

Bago kami nagkita ulit ay may kurot talaga sa akin ang mga dagat.

Isinantabi ko na lang yung nararamdaman ko kasi yung mga parents namin ang magkakagulo eh.

Kesa magka-World War 3 ay sumang ayon na ko kay Deanna sa gusto niyang beach wedding.

Pero aaminin ko, sobrang ganda nung kinalabasan ng kasal namin.

Habang kinakasal kami at habang pinapanood ko ang video nun ay dun ko narealize kung bakit ganun ang gusto niya.

Love Team Book 2Where stories live. Discover now