Chapter 18

4.2K 182 34
                                    

Jema








Yehey!

Sa wakas!

Umiiyak ako talaga!

Tears of joy dahil finally ay natapos na siya. Grabe yung hirap ko sa play na to!

Si Deanna nakita ko kanina sa backstage. Tumutulong siya sa mga tao dun.

Yung pagpunta niya dito ay medyo nakakabigla na eh. Dahil alam kong ayaw niya nitong pinagkakaabalahan ko.

Pero yung nakita ko siyang tumutulong dun, nakikibuhat at nakikihila nung mga props ay nakakagulat talaga.

Sa sobrang tuwa ko sa kanya kanina ay hinalikan ko siya sa lips nung isang beses na dumaan ako.

Isang beses lang siya sumilip sa stage.
Nung hahalik na si Prince Philip kay Aurora.

Napagusapan na namin yun ni
Raf-Raf noon pa. Walang halik na mangyayari.

Hindi naman siya nagreklamo. Kaharap namin si Lea nung sinabi ko yun eh.

Nilapit lang niya ang mukha niya sa akin. Bumilang ng limang segundo tapos okay na. Nagising na si Aurora.










At ngayon nga na tapos na yung play ay sobrang saya ko.

Nagsasalita ngayon yung mabait kong prof sa harap.

Ayoko nang pakinggan kasi nakakapanginig ng laman eh.

Pagtapos niya kaming iwanan sa ere ay ang dami niyang sinasabi. Akala mo nandito talaga siya nung mga panahon na kailangan namin siya eh.

Wala akong choice kundi gawin ang lahat para sa ikagaganda ng palabas na to. Sa totoo lang ay nagulat sila lahat sa kinalabasan. Minsan ko lang kasi itong gagawin. One time big time. Gusto ko lang magset ng good example.

At siyempre gusto kong ulitin ito ng susunod na batch na hindi lang  kasingganda, sana ay mahigitan pa nila.

Maraming nanood hindi lang mga estudyante dito, pati mga taga ibang school din. Halos mapuno ang auditorium. Hindi makapaniwala si Jho sa nakikita niyang dami ng tao.

Graduating na kasi siya. Last year niya na to sa Theater Club at dalawang taon din niyang hinawakan ang org na to.

Naipamana daw sa kanya ang posisyon na ganito na daw talaga ang club na to,

walang kuwenta.

Ito daw noon ang pinipiling club ng mga estudyante pag ayaw nilang maabala sila.

Yung tipong miyembro ka para masabi lang na sinunod mo ang rules.

Nanlumo talaga ako sa naabutan kong setup dito. Napakalaking tulong kasi sa kabataan kung mapapabilang sa totoong theater club.

Creativity, leadership at teamwork ang maiimprove sa pagkatao mo maliban sa skills sa acting, singing at dancing.

Parang pagaartista na rin to talaga eh. Aarte ka rin lang bakit hindi mo pa ibibigay ang best mo diba?










Sa wakas ay ibinigay niya na ang mic sa Theater Club president.

Umiiyak ba talaga si Jho?











"Maraming salamat po sa lahat ng nandito ngayon. Hindi ko akalain na mangyayari to. Salamat at bago po ako makagraduate ay naramdaman ko to. Ang makapagperform at palakpakan ng maraming tao.........."

Haay, si Jhoanna.

Nung una inis to sa akin eh. Akala niya kasi nagyayabang lang ako nung sinabi ko na ganito ang gusto kong mangyari.

Love Team Book 2Where stories live. Discover now