Chapter 12

4.3K 189 19
                                    

Jema









"Love, lika na. Praktis na tayo..."

😂😂😂

Linggo ngayon. Kahapon ay nakatatlong session kami ng basic jiu-jitsu.

Alas diyes na pero tulog pa ang asawa ko.























Hindi ko sinabi kay Deanna pero nagiisip ako kung paano ako titigilan nila Alexis.

Sa totoo lang naging mabuti kaming magkaibigan ni Ate Allona. Kinasal siya sa taong pinili ng magulang niya para sa kaniya pero natutunan naman niyang mahalin si Kuya Robert. At ngayon nga ay binata na siguro yung anak nila.

Wala akong inilihim sa kanya. Alam niyang di ko mahal si Alexis nung una. Nang tumagal kami ay nasanay na lang siguro ako na may boyfriend ako kahit di ko lagi nakakasama. Kaya sinabi ko na lang din noon kay Ate Allona na mahal ko na rin si Alexis.






Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon niya sa akin kung sakaling magkakausap nga kami.

Tungkol sa sinabi ni Deanna na gagawin ko kung nakausap nga ako nung inutusan nila, kung hindi pa siguro kami kasal o wala pa kaming anak baka gawin ko nga iyon.

Pero iba na. Nagigising ako at kumikilos sa araw-araw para sa kanilang tatlo. Lahat ng ginagawa ko ay para sa kanila.

Kaya ito lang ang magagawa ko sa ngayon. Ang mag-ingat at maging handa kung sakaling may gawin sila.






Kanina pa ako gising. Ang totoo niyan ay may surprise ako kay Deanna.

Kagabi ay tumawag si Mommy para hiramin ang mga anak namin. Namimiss na raw nila ang kambal.

Kaya naisip ko na ilalaan ko ang araw na to para kay Deanna.

Sinabi ko kina Mommy at Daddy ang balak ko kaya hindi ito alam ng asawa ko.

Kaninang alas sais pa lang ay sinundo na sila nila Daddy para doon sa villa magstay buong araw.

Alam ko na kung saan nagmana si Deanna. Grabe si Daddy sa pagsundo sa kambal. Bukod sa guards ay may mga pulis pa silang kasama. Para daw safe talagang masusundo at maihahatid mamaya ang mga anak namin.









Inutusan ko kahapon si Deti na bumili ng mga kakailanganin ko.

Hinanda ko na yung bathroom para sa home spa surprise ko kay Deanna.

Nagpabili pa ko ng bed na para dito. Magagamit naman namin yun ulit kaya okay lang.

Siguradong ipapaulit to ni Deanna sa akin.

Alam kong napagod ko siya ng bongga kahapon.

Kaya kailangan kong bumawi.












"Love, gumising ka na kasi. Di ko pa nga nape-perfect yung five basic positions eh. Si Lea na lang ba ang kapartner ko?"

Sabi ko sa kanya. 😜













Alam kong gising na siya kasi dumapa na at nagtakip ng unan sa ulo niya.

Kinuha ko yung phone ko.












"Hello Le----"




"Subukan mo!"

Bumango siya agad at tumayo. Inaagaw niya ang cellphone ko pero napangiwi siya nung nastretch yung braso niya.











Love Team Book 2Where stories live. Discover now