Chapter 21

4.4K 185 37
                                    

Jema








Haaay! Home sweet home.

Nakakamiss din tong bahay namin!

Simula kasi nung nanganak ako, di na kami nakakapagbakasyon dito. Di na rin kami dito nagpapasko.

Ang hirap kasing umalis pag may anak ka na. Kambal pa yung sa akin.

Ang dami masyadong preparasyon.

Tapos baka mahawa pa ng kung anong sakit sa airport.

Dun ako natatakot talaga eh. Baka mamaya may foreigner o bakikbayan na may bitbit na virus tapos mahawahan pa ang mga anak ko.

Ngayon kahit paano ay malalaki na sila. Hindi na ganun kabigat ang mga dala namin.

Ako ang humila sa stroller ng mga bata. Si Deanna sa mga luggage.

Malayo pa lang sem break ay nagbilin na ako na unti-untiin nang linisin ang kuwarto ko.

Nung araw na kinausap namin si Alexis at nagkita kami nila Mama at Papa, napagusapan na namin to. Pinaayos ko na to kina Mama.

Pinagawa kong katulad ng sa bahay namin sa Cebu. Dalawang matress na magkadikit. Pero doon ay kama talaga yun na pinagdikit.

Yung dito ay pinaalis ko ang bedframe at pinalagay nga lang sa sahig.

Nagpagawa si Mama ng bedsheet para dito.

Pinalagyan ni Mama ng Rubber Mat ang sahig ng buong kuwarto.

Yung mga display ko ng mga awards ay inayos na rin.

Inalis nila dito sa kuwarto at inilagay sa labas, nasa hallway na papunta dito sa kuwarto ko.

Ang dami ko palang kailangang linisin dito. Yung mga basura ko pa noong showbiz days ko.

Yung mga gamit na inalis nila sa bedroom ay nilagay dito sa walk-in closet ko.

Pati yung mga gamit ko sa condo ay pinatambak ko rin kasi dito.

Ngayon ay wala halos lakaran dito sa closet room.

As in di ako makagalaw sa sobrang dami ng kalat. Papamigay ko na lang tong mga damit, bags at sapatos na to kaya mahaba-habang linisan to.

Nasa living room sa baba ang mga bata. Si Deanna ay lumabas kanina papuntang garden bitbit ang laptop niya. Kahit kasi di siya pumapasok ay nakatutok pa rin siya sa mga nangyayari sa office.

Nagpabili na ko kay Mama ng ilang balot ng trash bags para dito.

Hmmm...

Saan kaya ako maguumpisa?

Alas onse na pala!

Mamaya na lang kaya ako magumpisa after lunch?











Jhoanna M. calling...

Bakit tumatawag to?








"Hello..."





"Waaah!!!"







Putragis yan...

Sumakit ang eardrum ko dun ah.

Niloudspeaker ko na lang.









"Ano ba yan Jho! Makatili naman!"









"Beshie! Kami na ni Lea!!!"





Agad-agad?

Ang bilis ni Jho ah.

Love Team Book 2Where stories live. Discover now