Chapter 32

4.4K 163 37
                                    

Jema







Naramdaman kong may naglalagay ng medyas sa mga paa ko.

Nakatulog pala ko dito sa mahabang upuan.

Alas sais na ng umaga.

Nandito kami ni Deanna sa ospital. Binabantayan namin si Papa.

Nang bumalik si Mafe kagabi ay dala na niya ang mga phone at wallet namin. Nagdala din siya ng mga damit na pamalit, pagkain, unan at kumot.

Gusto nga sanang magbantay ng bunso namin pero ayoko.

Kahit nga si Deanna pinapauwi ko rin para bantayan ang mga anak namin eh.

Kaso ayaw niya kong iwanan.

Speaking of, hindi pa natutulog tong asawa ko, kahit idlip.






😢😢😢







Di ko pa rin matanggap. May kumukurot sa puso ko tuwing pinagmamasdan ko si Papa.

May mga araw na nakakalimutan ko silang kamustahin. Ang sarap ng buhay ko dun sa Cebu.

Ang lutong ng mga halakhak ko.

Wala akong kamalay-malay na ganito na pala dito. Feeling ko tinraydor ko si Papa. Na nagagawa kong tumawa habang nasa Cebu tapos may nangyayari pala sa tatay ko.






"Love, umiiyak ka na naman."

Sabi ni Deanna sa akin.

Masakit pa rin eh!

Hindi ko naisip yung ganito! Na puwede akong mawalan ng magulang.

Alam ko naman na lahat tayo ay doon papunta. Pero ayoko ng iiwan ako!

Kung puwede lang, gusto ko sana ako yung unang mamamatay. Dahil hindi ko kaya ang sakit.

Hindi ako handa sa mga ganito.





Sabi ni Doc, mawawala ang epekto ng gamot pagkalipas ng 24 oras. Alas sais na ng umaga ngayon kaya ilang oras na lang iyon.

Sana mamayang hapon ay magkamalay na si Papa. Kailangan na niyang magising dahil magkakadamage daw ang brain niya pag tuluyan siyang na-coma.


😭😭😭






"Love naman eh! Stop crying na please!"

Sabi ni Deanna habang yakap-yakap ako.

Napapraning na ko! Grabe na ang pag-aalala ko.

Pinahiga niya ako ulit. Siya na daw muna bahala kay Papa.



















"Ate magtanghalian muna kayo bago umuwi. Kami muna ni Mama ang bahala dito."

Si Mafe yun. Usapan kasi namin to. Kami muna ni Deanna ang magbabantay tapos papalitan nila kami kinabukasan.

Nakatulog na naman pala ako nang hindi ko namamalayan.

May dala na silang panglunch. Nandoon daw kay Deanna.

Sa totoo lang di pa ko gutom.

Sino ba naman ang gaganahang kumain ng ganito?











"Ayoko. Kaya pa namin. Umuwi na kayo. Hindi ko iiwan si Papa."

Sabi ko kina Mama at Mafe.












Love Team Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon