CHAPTER 6

42 2 0
                                    

Tanya's pov:

Pagkauwi ko galing school ay pumasok agad ako sa kwarto at humiga.

"prinoprotektahan niya ako?  From what?  Sa mga jokes at tawa ni Jake?  Crazy. " sabi ko sa sarili ko na hindi makapaniwala. 

'TOK!  TOK!  TOK! ' rinig kong katok sa pinto. 

"walang tao" sabi ko habang nakapikit. 

Narinig ko naman ang tawanan sa labas ng pinto kaya inis ko yung binuksan. " what's funny? Tsk" pagtataray ko. 

"walang tao pero may sumagot, HAHAHAHAHHAHA nice! " tuwang-tuwa na sabi ni scarlet.

"a-ayos lang yan Tan-tanya HAHAHAHAHHA" dina halos makapag salita si Gino at namumula na ito sa kakatawa.

"if wala kayong sasabihing matino go away,  wala ako sa mood makipag kulitan sainyo. " pagsusungit ko.

  "ay oo na,  andito kami para isama ka, pupunta kami sa park dun makakapagrelax ka kasi tahimik lang.. Ano tara?" pang aaya sakin ni scarlet.. 

"sigeee" masigla kung sagot at dali daling nagbihis.

'Di ko alam pero gusto ko 'yung ginagawa namin ngayon, nagpapahinga sa park sila Scarlet at Gino at masayang nagkwekwentuhan habang ako naman ay nakahiga sa tela na nilatag nila. 

Kapag gantong sitwasyon mukha akong third wheel -,- .

'Di ko na lang pinansin at nahiga na lang ako,  ikot dito ikot dun, 'di ako mapakali dahil tinatamaan ng sikat ng araw ang mukha ko, takte!

" seeing nature releases my stress" masaya kung sabi. 

" I agree" sabat nila. 

"hmm" bigla akong napabalikwas ng bangun ng marinig ko ang pamilyar na boses na 'yun,  'di ako nagkamali, si Matthew nga. 

"anong ginagawa mo dito? " tanong ko. 

" naglalakad lakad lang ako ng makita ko kayo, so napagdesisyonan kung dumaan muna, do you have violent reactions with that? " tanong niya sakin, remember Tanya boss mo pa din yan .

"wala ho" sabi ko na sinagot niya lang ng tango. "ano palang pinag uusapan niyo? " tanong nya..

KYAHHH!!!  CHISMOSO!!!  TURN OFF CHARRR!  bwelta ng utak ko.

"wala naman about lang sa pagrerelax" sagot ni Gino.

  " I see" sabat ni Matt.

"hiiii!!! " nagulat kami sa pamilyar na boses ng sumigaw.. 

"oy Jake!  Hahaha! Saan ka galing?" tanong ni Gino. 

" d'yan lang, nakita ko kayo kaya nilapitan ko na kayo hehe" sabi niya Sabay kamot-kamot sa ulo niya. 

"may jowa naba kayo? "tanong niya sabay upo sa tabi ko.

  "bakit mo naman natanong? " balik na tanong ni scarlet. 

"wala lang, curious lang " nakangiti nyang sabi.

  "wala" sagot naming tatlo. 

"for real?!  Gwapo at magaganda naman kayo pero bakit wala? " tanong niya.

  "kasi bawal.. " sabi ni  Scarlet na kinalito ni Jake. 

"bawal? " tanong niya.  " study first kasi hehe" palusot ni Gino.  "yeah, study first " gatong ko. 

" ahhh" tugon niya. " pero kapag ba may nangligaw sayo Tanya, papayag ka ba? " tanong niya na kinabigla ko at seryosong napatitig sa kanya.

  " 'Di ko alam, bakit? " tanong ko. 

"wala naman, hehe, balak sana kitang ligawan" sabi niya na kinabigla namin..

Nabuga pa ni Scarlet ang ininom niya na muntik ng mabilaukan. 

"ha? " pag-uulit ko. 

"hakdog, joke lang HAHAHA" sabi niya..

Para akong nabunutan ng tinik sa sinabi niya na joke lang daw....  If that's joke was meant to be true,  I'm sorry Jake, but I can't give my heart to you.

:< athenadens

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now