CHAPTER 43

16 1 0
                                    

Narrator's pov:
    Agad na nagbihis si Matthew at pinuntahan ang kaibigang si Gino. Kakatukin nya na sana
kwarto ni Gino Castillo ng maalala nyang umalis pala ito kasi may date daw kuno sila ni Sharlene. " tsk " asik ng binata, naiingit sya kasi may date date pang nalalaman ang dalawa samantalang ito sya nasa hq nila kasi nasa Cavite si Tanya at mas worst pa ayaw ng parents nito sa kanya. Nagsimula nanamang maglakad ang binata at sa puntong ito papunta sya sa kwarto ni Scarlet.  " hey Scarlet " tawag nya dito ng walang sumagot sa katok nya.  Makalipas ang ilang segundo ay bumukas ang pinto at bumungad ang babaeng si Scarlet Rim na kinukusot-kusot pa ang mga mata.  " pa-pasensya na, naistorbo pa ata kita sa pagtulog mo. " anang binata.  " ano po ba ang kailangan nyo ?" kalmadong taong ng dalaga.  " I want you to tract down Tanya's location. " utos ng binata na kinatigil ni Scarlet sa pagkukusot sa mata.  " nawawala si Tanya?! " gulat nyang tanong.  " hi-hindi, nasa Cavite sya ngayon kasama ang parents nya. Gu-gusto ko lang malaman kung saan mismo sya naroroon ngayon. " pag amin ng binata na tila nahihiya pa. Natawa naman si Scarlet sa inasta ni Matthew.  "sige ho, tawagan nyo ulit sya. " utos ni Scarlet na sinunod naman ni Matthew, pero lumipas na ang tatlong ring ay wala pa ding sumasagot. Kinakabahan na si Matthew at napansin iyon ng dalaga kaya tinapik nya ito sa balikat.  " I can track down her phone number. " anang dalaga at agad na ginawa ang sinabi, lakad dito lakad doon ang ginawa ni Matthew habang busy sa pagtitipa sa laptop si Scarlet. " gotcha! " masayang sigaw ni Scarlet at agad namang lumapit si Matthew at sabay nilang tinitigan ang lokasyon ni Tanya.  Pinicturan ng binata ang location at akmang aalis na ng tawagin sya ni Scarlet.  " pupuntahan muna sya? " tanong ni Scarlet na sinagot lang ng tango ni Matthew.  " kapag kailangan mo ng tulong andito lang kami " paalala ng dalaga.  " salamat, alam kong maasahan ko kayong mga kagrupo ko " tugon ng binata at nakipag kamay kay Scarlet. 

   Sa kabilang banda naman ay naghahanda na para sa dinner sina Tanya, ang kanyang ina naman ay nagluto ng 6 na putahe ng ulam na kasing dami ng pagkain sa may birthday party.  " mom, may birthday ho ba? " tanong nya sa ina ng di nya na malabanan ang kuryusidad.  " hahaha, wala dear. Gusto ko lang iwelcome ang bisita natin " sagot ng kanyang ina habang abala sa pag-aayos sa mesa.  Hindi na nagsalita pa si Tanya at nag ayos nalang ng mga kutsara at tinidor ng biglang mag vibrate ang kanyang cellphone kaya napatigil sya sa ginagawa.  " mom, dad. Punta po muna ako sa kwarto ko saglit, doon po muna ako. " paalam nya, kabado itong tumitig sa parents nya.  Sinilip ng kanyang ama ang relo nito at tsaka tumingin sa ina nya.  " sige, pero kapag dumating na ang bisita natin, ipapatawag na kita kay manang " sagot ng kanyang ama na kinangiti nya. Bumalik sa pag aayos ang mag asawa habang mabilis pero tahimik namang naglakad papunta sa kwarto nya si Tanya at ng silipin nya ang cellphone nya naka 2 rings na sa Matthew kaya dali-dali nyang dinial ang number nito.  " Tanya? " tawag nito.  " oo, ako 'to " sagot nya.  " akala ko may nangyari na sayo, dika kasi sumasagot ehh " nagtatampong wika ng binata.  " nag paalam pa kasi kina daddy at mommy.  " imporma nya dito na di naman na sinundan ng tanong ni Matthew.  " buksan mo ang bintana mo " utos ng lalaki. Kunot noong tinitigan ni Tanya ang bintana ng kwarto nya at dahan-dahan itong binuksan.  Nilibot nya ang paningin sa labas ng bintana.  " okay nabuksan ko na " sabi nya sa kabilang linya.  " mas lalo ka atang gumanda " anang lalaki na kinakunot ng noo nya.  " ano bang pinagsasabi mo? " natatawang tanong nya pero di pa rin nawawala ang kunot sa noo nito.  " 'wag kang magkukunot ng noo, dapat kapag tumatawa ka walang kunot sa noo mo " sita ng binata sa kanya, sa sinabi ng lalaki ay muling pinalibot ni Tanya ang paningin nya sa labas, malakas ang kalabog ng dibdib nya at tingin nya nasa tabi-tabi lang ang binata.  " nasaan ka Matthew? " tanong nito habang nakatingin pa din sa labas.  "andito ako, sa ilalim ng puno " sagot nito, agad na tinignan ni Tanya ang puno na nasa tapat mismo ng bintana nya kaya napangiti sya.  " antayin mo ako jan, aakyat ako " sabi ng binata tsaka pinatay ang tawag.  " pano naman kaya yun aakyat dito ehh may kataasan 'to, di tala--- " hindi natapos ng dalaga ang sasabihin ng may sumabit sa bintana nya at nagsimula ng umakyat si Matthew gamit ang lubid.  " anong ginagawa mo dito? Kapag nalaman ng parents ko na andito ka baka saktan ka pa nila " nag aalalang wika nito pero sinuklian lang sya ni Matthew ng ngiti at hinalikan sya sa noo.  " aalis din ako mamaya, gusto lang kitang makita. I love you " anang binata na kinakilig nya.  "  14334 " sagot ng dalaga na kinakunit ng noo ng binata kaya natawa sya.  "14334?  Ano yun? " takang tanong ng binata.  " i love you too love " sagot ng dalaga na kinangiti ni Matthew at saka mahigpit syang niyakap.  " halika ka sumama ka sakin " wika ng dalaga at hinili si Matthew papunta sa sulok.  " may secretong daan dito papunta sa may bubungan, dun muna tayo baka biglang pumasok si mommy at daddy ehh " anang dalaga tsaka sila pumasok sa isang butas na daanan papunta sa bubong ng bahay nila.  Pagkadating nila sa taas ay sinalubong sila ng malamig na simoy ng hangin. Agad umupo si Tanya sa bubong at sumunid naman si Matthew.  " alam mo ba, palagi akobg napapakalma ng nature, lalong lalo na ang mga bituin at buwan pati ang kalangitan. Napapakalma nila ako kapag sobrang bigat na ng nararamdaman ko " kwento ng dalaga sa binata.  Mula sa likuran ay niyakap nya ang dalaga at sinandal ang ulo nya sa balikat nito.  " natutuwa ako at napapakalma ka ng kalikasan, basta 'wag mong kakalimutan na palagi akong nandito para sayo ahh, i love you " wika ng binata.  " bat ba i love ka ng i loge you " natatawang tanong ng dalaga sa kanya.  " palagi kitang sasabihan nyan kasi mahal kita. If my actions are not enough, then let my words fulfill it. I love you Tanya Monswa. " sabi nito saki hinalikan sya sa noo. Nakaramdam ng sobrang saya at kilig si Tanya sa pinagsasabi ng minamahal nyang lalaki.  " nangangako ako sa harap ng bilog na buwan na 'to na mamahalin kita and 'till death do us part. Sisikapin kung sa kahit na anong paraan ay di kita sasaktan, at sisiguruhin kung ikaw lang palagi ang choice ko at di mambababae" anang binata na kinatawa nya.  " sana all ganyan Matt hahaha! Pero ingat ka, sa isang libong nangangako, isa lang ang tumutupad. " pambabara ng dalaga sa winika ng binata na kinalungkot nito.  " maswerte ka Tanya Monswa, nasa harap muna ang nag iisang lalaki nayun. Ang gwapo ko pa " taas noong wika nito.  " feeling ko mag  babagyo bukas, ang hangin mo ehh " biro nito sa binata at sabay silang natawa.  Biglang sumakit ang ulo ni Tanya at di nya mapigilang humiyaw kaya natataranta si Matthew, muli na namang may lumalabas na mga memorya sa kanyang ulo pero di nya maaninag ang mukha. Gaya ng pangangako ni Matthew sa kanya, nakita nya din ang pangangako ng boses ng lalaki sa isang babae pero di nya makita ang mukha nila kasi nakatalikod ito sa kanya.  " Tanya. Tanya ayos ka lang ba?" nag aalalang tanong ng binata pero di sya masagot ni Tanya dahil masakit pa din ang ulo nito at nahihilo.  " Tanya? Darling andyan ka ba sa taas? " tawag ng mommy nya.  " o-opo mom, bababa na po ako " sabi nito.  " sige, halika na sa baba " sabi ng ginang.  " kumain kana doon, dito lang ako. Aantayin kita dito. " sabi ng binata.  " sige " sagot nya naman at bumaba. Hindi pa din mapigilan ni Tanya ang mapakunot ng noo dahil sa biglang pumasok sa isip nya pero di naman nya makita ang mga tao sa memorya nya at kapag sinusubukan nya ay sumasakit ang kanyang ulo at nahihilo. " mom, dad " pagtawag nya sa magulang nya at nginitian naman sya ng mga ito. Nakita ni Tanya ang lalaki na nakatuxedo at pormal na pormal ang suot.  " hija maupo ka " utos ng kanyang ina na sinunod naman nya.  " magandang gabi sir " bati ni Tanya.  " mas maganda ka sa gabi hija " hindi maiwasan ni Tanya ang mapakurap-kurap sa binanggit ng lalaki.  " ako nga pala si Gio Leon, at ang aking buong pangalan ay Gio Leon Lim " pakilala ng lalaki na kinapintig ng puso ni Tanya.  " a-ako po si Tanya Monswa,  mr. Lim " pormal na pakilala din ng dalaga sa kanyang sarili.  " lumaki kang maganda at mabait Rachelle Lim, natutuwa ako. " wika ng lalaki.  " si-sino ho si Rachelle? Ako po si Tanya, Tanya Monswa po Mr. Lim hindi ho Rachelle " pagtatama nya sa lalaki pero tumawa lang ito ng malakas, tinignan nya ang kanyang ina pero walang expresyon ang mukha nito.  " Tanya may kailangan kaming sabihin sayo " pagsabat ng kanyang ina sa usapan.  " ano po yun? " tanong nya habang hinihiwa ang steak na nasa pinggan.  " dear, hi-hindi ka namin to-to-totoong a-anak " utal-utal at malungkot na wika ng ginang habang nakatitig sa dalaga. Nabitiwan ni Tanya ang kutsilyo at tinidor na ginagamit at direktang tinitigan ang ina nito na nakayuko at ang ama naman ay tahimik lang. Hindi makapaniwala ang dalaga sa nalaman nya, gusto nyang sumabog sa nalaman nya. Bigla namang nag pop up sa utak nya ang isang imahe ng babae kasama si Leon na magkayakap at masaya at tingin ni Tanya sya iyon. " n-no, all this time mom,dad? You liad to m-me " hindi mapigilan ni Tanya ang sakit, at pagkalitong nararamdaman at di nya na namalayan na tumutulo na pala ang luha nya.  " yo-you lied t-to m-me mom and dad! " hindi napigilan ng dalaga na magtaas ng boses.  " huwag kang sumigaw sa harap ng hapag kainan Tanya " saway ng kanyang ama pero puno na ng sarcasmo syang tumawa at tumalikod.  " you both lied to me! Yan dad, pwede na ba ? " puno ng sarcasmong tanong nya na sinagot lang ng iling-iling ng kanyang ama.  " bakit kayo nagsinungaling? Sino ang tunay kung nga magulang?  Asan ang tunay kung mga magulang? M-mom " nanghihinang tanong ng dalaga sa kanyang tinuturing na ina, hindi sumagot ang babae bagkus ay umiyak lang ito,kaya inalalayan sya ng kanyang asawa at niyakap sya.  " nagsinungaling sila para sa kapakanan mo Rachelle, I'm your biological father and sad to say pero patay na ang mama mo, she as killed by someone. " nakuyom ni Leon ang kamao sa galit.  " i-ikaw? Ikaw ang tatay ko? Bakit ngayon nyo lang 'to sinabi? " nanlulumong tanong ng dalaga sa mga tao na nasa mesa.  " lahat nakaayon sa plano, at ngayon nagbunga na ang lahat ng plinano namin " seryosong sagot ni Leon pero maya-maya'y ngumiti rin.  " plano? Kapakanan ko? Wala akong maintindihan, please enlighten me " malungkot na pakiusap ng dalaga.  " malalaman mo din 'yan sa tamang panahon hija. " wika ng lalaki. Wala ng nagawa si Tanya kungdi ang yumuko at manahimik nalang.  " sino po ang pumatay sa nanay ko? " wala sa sariling tanong ni Tanya. Tumingin sya sa direksyon ni Leon pero walang mababakas na emosyon sa mukha nito kaya namangha sya. " she was killed by someone, dahil ninakaw ng taong yun ang pera na sana ay panggamot sa nanay mo kaya namatay sya matapos kang isilang. " kwento nito sa kanya, napakuyom ng kamao si Tanya sa kanyang narinig.  " can you tell me the whole story,  fa-father " nahihiyang tawag nito sa lalaki pero sinuklian lang sya nito ng matamis na ngiti.  " ang iyong ina ay si  Rebecca Lim. " panimula nito sa kwento.  " masaya kaming namumuhay ng iyong ina dati, hindi ganun karangya pero masaya dahil magkasama at nagmamahalan kami. I was one of those skilled assassins under our gang, ako kasama ang iba pa naming kasamahan at tauhan, kami ang kinatatakutan sa lahat ng grupo becuase we have our loyalty and skills.  Then may isang mission kami na ginanap sa Painal street, which is alam kung alam mo kung saan 'yon. Becuase I know you're also one of them, am I right hija? " nagulat si Tanya sa direktang tanong ng kanyang ama kaya wala na syang nasabi maliban nalang sa pagtango.  " talunin ang lahat ng kalaban at manalo sa labanan, nakipaglaban kami ng buong puso at buong tapang. Ako kasama ang 4 ko pang mga kasama ay nanalo sa labanan ng tapang at lakas laban sa lahat ng gang. Nanalo kami ng 10 milyon at may karagdagan pang 1 milyon dahil sa kahilingan namin. Ang plano ay paghahatian ang pera at ang matitira ay sa buong gang. Nuong araw na manalo kami sinugod sa ospital ang iyong ina dahil manganganak na ito at ikaw iyon anak, ikaw 'yon Rachelle. Agad akong pumunta sa ospital at nang makita kita parang nawala lahat ang pagod at bugbog ng katawan ko nung araw nayun, it seems like it was the best day of my life.  But then, may isang masamang balita ang doctor na nag asikaso sa ina mo.  May sakit sya nun sa bato, at kailangan ng agarang operasyon. Bumalik ako sa headquarters namin o hq at sinabi ko sa mga kasama ko ang nangyari sa nanay mo, sinabi nilang ipapahiram nila sakin ang parte nila para maoperahan sya, sobrang saya ko nun kasi maooperahan na ang nanay mo. Pero kinabukasan nung kukunin na namin ang pera sa association, sinabi nilang may kumuha na ng pera, at yun ay isa sa mga kasamahan namin. Bumalik kami sa hq sa pag aakalang andun na si Tiger at handa ng ipamigay ang pera pero wala maski anino nya, hinanap namin sya pero hindi namin sya mahagilap, tinakas nya ang pera, ang walang hiyang hayop nayun ay tinakas ang pera ko at ng grupo namin. Dumaan ang ilang araw, lingo, at buwan pero walang Tiger na nagparamdam, hindi kinaya ng iyong ina ang sakit nya at 'yon din ang kinamatay nya. " nabalot ng sobrang galit si Tanya sa Tiger na tinutukoy ng kanyang ama.  " buhay pa ba ang tiger na 'yon tay? " pinilit nyang pakalmahin ang sarili bago nagtanong.  " oo buhay na buhay, at sa ngayon ay nagsasaya sa yaman na meron sya ng dahil sa ninakaw nyang pera. Nalugi ang negosyo natin, nabuwag ang gang namin dahil nagkaroon ng lamat ang tiwala na meron kami,  naranasan kung mamalimos para lang may makain ka--tayo.  Inaapi tayo ng mga tao dahil sa estado ng pamumuhay natin, mayaman sana tayo ngayon, buhay ang iyong ina, at isa kang tagapagmana kung di lang dahil sa sakim na Tiger nayun, kinamumuhian ko sya. " galit na wika ng kanyang ama, nilapitan nya ito at mahigpit na niyakap.  " gusto kung gantihan ang Tiger nayun " wala sa sariling wika ng dalaga.  " alam mo ba anak kung sino si Tiger? " tanong nito na sinagot nya lang ng iling-iling.  " sya ay si Deity, si Deity Rander na ama ng minamahal mong lalaki " wala sa sariling napabitiw sya sa pagkakayakap sa ama at animo'y tinakasan ng lakas kaya napaupo sya sa sahig.  " n-no " hindi makapaniwalang wika ng dalaga.   " sya nga mismo. Ang walang hiyang Deity Rander na yun ang dahilan kaya tayo nasa gantong sitwasyon ngayon. Alam mo ba na habang namimilipit sa sakit ang iyong ina ay nagpapakasaya sya sa pera? Ikaw si Rachelle Lim, ang kasapi dati ng gang na binuo ni Matthew na anak ni Deity. Sa liit ng mundo, nagkatagpo ang may utang at ang inutangan. Alam mo ba ang nangyari kubg bakit wala ka halos maalala at bago na ang iyong pangalan?  Nagkaroon kayo ng relasyon ni Matthew dati na mariing tinutulan ni  Deity.  Hindi kayo mapaghiwalay kaya umabot sa punto na pinagtangkaan nya ang buhay mo anak. Mabuti nalang at may nakapag sabi sakin kaya natulungan kita, naiipit sa labanan ng grupo mo at ang mahigpit nyong katunggali dati.  May aksidenteng nangyari sayo kaya nagkaroon ka ng  malalang amnesia kaya nalimutan ang halos lahat ng bagay.  Napakaraming ginawang mali ng Deity nayun sakin, sayo, at sa pamilya natin.  Ang nag iisang anak na lalaki nina Lucas ay pinatay nya ng malamang magkakunekta sila sakin. Tutulungan mo ba akong makapaghiganti Rachelle ?" tanong ng kanyang ama na kinalungkot nya. Sa mahabang panahon iningatan sya ng kanyang ama laban sa walang hiyang Deity Rander, kaya nasa isip nya na tutulungan nya ito.  " opo tay, pagbabayarin natin si Deity sa kasalanan nya satin " desididong wika ng dalaga.   " salamat naman anak at naiintindihan mo ako " anito at saka sya mahigpit na niyakap.  " magpapaalam na ako, kailangan ko ng umalis at lumalalim na ang gabi. Veronica, Lucas, maraming salamat sa lahat, hayaan nyo at makakabawi din ako. " masayang wika ni Leon.  " wala yun Leon, sa laki ng tulong mo samin. Mag iingat ka " paalala ni Lucas sa kaibigan.  " mom, dad magpapahinga po muna ako. Napakadaming impormasyon ang nalaman ko ngayon lang " anito at pabagsak na umupo sa upuan.  " itutuing mo pa din kaming magulang mo? " gulat na tanong ni Veronica. "oo naman po, mga magulang ko pa din kayo kahit hinfi mismong kayo ang gumawa at nagluwal sakin. Salamat po " anito sa mag asawa na kinahabag ng ginang na si Veronica at kinatuwa ng asawa nito na si Lucas.  " rest well " nakangiting sabi ng kanyang amang si Lucas na sinagot nya lang ng tango. Nang makaakyat sya at makapasok sa kwarto ay naalala nya ang binatang si Matthew na nag aantay sa kanya sa taas. Hindi nya alam ang gagawin, pupuntahan nya ba ito o hayaan nalang ng umalis, pero nanaig ang pagmamahal nya para sa binata, umakyat sya sa may bubungan at naabutan si Matthew na nakahiga sa mga braso nito.  Tumikhim ang dalaga upang makuha ang atensyon ng binata at nagawa nya nga ito, nilingun sya ni Matthew at ginawaran ng halik sa noo pero wala pa ding reaksyon ang mukha nya.  " ayos ka lang ba? " takang tanong ng binata na sinagot nya lang ng tango. " late na umuwi kana " walang emosyong utos nito. Tinignan muna sya ni Matthew bago nito tignan ang relong pambisig.  " mag a-alas dyes nanga " sabi nya sabay tango-tango. Bababa na sana sila ni Matthew sa may bubong ng may maaninag ang binata  na ilaw mula sa sasakyan kaya pinatigil nya si Tanya at pinaupo.  Kunot noong tinitigan ni Tanya si Matthew dahil sa ginawa nito pero sinenyasan lang sya ng binata na 'wag nag iingay at sabay nilang sinilip ang tatlong itim na van na huminto sa gate ng bahay.  Nakita nila ang pagbaba ng mga tao mula sa kotse pero di nila makita ang mukha dahil lahat sila ay nakasuot ng facemask at lahat ay nakaitim.  " bumaba na tayo, sina mommy nasa baba pa " nag aalalang sabi ni Tanya pero si Matthew ay titig na titig pa din sa mga kalalakihan na ngayon ay nakapasok na sa gate at naghahandang lumusob dala-dala ang mataas na calibre ng baril. Agad na hinatak ni Tanya si Matthew pababa sa kwarto nya at ng bubuksan na nya sana ang pinto ay sunod-sunod na putok ng baril ang kanilang narinig.  " kapag lumabas tayo jan, wala tayong laban. Mamatay tayo jan Tanya " agad na angal ni Matthew ng mapansin nyang desidido na ang dalaga na lumabas.  " ang mga parents ko Matthew! " puno ng pag aalalang reklamo ni Tanya.  Hindi mapakali ang binata at di makapag isip ng maayos, nasa gitna sila ng labanan at wala man lang silang baril o kung ano man. At kapag lumabas sila dun diretso sila sa libingan. Binuksan ni Matthew ng kaunti ang pintuan para makita nila ang nangyayari sa labas at si Tanya ang naunang tumingin. Nagulat sya ng umiyak ito habang pinipigilan na mag ingay, at nang tignan nya ni Matthew kung ano ang iniiyakan ni Tanya at nanlumo sya.  Nakita nya ang duguan na katawan ng mga maids at parehong nakaluhod ang mag asawang Mr. & Mrs. Monswa habang may nakatutok na baril sa ulo nila.  " hindi tayo pwedeng lumabas Tanya, papatayin ka nila, papatayin nila tayo. " mariing sabi ni Matthew.  " Nasaan si Leon!!! " biglang sumigaw ang boses ng isang lalaki na kinagulat ng dalawa.  Agad na binalik ni Matthew ang tingin sa mag asawa.  " wala kaming alam sa sinasabi mo!! " pasigaw na sagot ng ginang kaya sinampal sya ng nasa kanan nya na kinatumba nya.  " n-no, my mom " umiiyak na tawag ni Tanya sa ina na nasa sala.  " kapag hindi kayo nagsalita, papatsyin ko kayo. Alam kung nanggaling si Leon dito, kaya sabihin nyo na kung saan sya nagtatago ! " galit na tanong ng lalaki at kinasa ang hawak na calibre 45.  Umiiyak ang ginang habang niyayakap sya ng kanyang asawa at pinapatahan.  " wala kaming alam kung nasaan si Leon " sagot ng asawa ng ginang.  Walang ano-ano'y pinaputukan ng nagtatanong ang binti ng ama ni Tanya kaya napahiyaw ang dalaga na kinatigil ng lahat. 
" May ibang tao dito, kayo halughugin nyo ang mga kwarto " utos nya sa limang nasa gilid nya na agad naman nilang sinunod.  " dear, umalis kana dito! Run and save your life!  We love you so much! " sigaw ng kanyang ina na mas nagdagdag pa sa sakit na nararamdaman nya.  " mahal ka namin anak " dagdag ng kanyang ama.  Napuno ng galit at lungkot ang isipan at puso ni Tanya. Dahil sa sinabi ng mag asawa ay hinatak sya ni Matthew papunta sa may bintana at bumaba gamit ang lubid na ginamit ni Matthew kanina.  " i love you too mom and dad. " wala sa sariling na wika ni Tanya at sumabay sa pagtakbo ni Matthew.  Nang makalabas sila ng bahay ay sumakay sila sa kotse ni Matthew at agad nag drive ang binata papunta sa hq.  " Gino? Xander? Scarlet? " pagtawag  ni Matthew sa mga kaibigan pero walang sumagot maski isa.  Puno ng pagtataka ang dalawa ng makitang walang katao-tao sa buong hq.  " asan ang mga tao? " tanong ni Tanya kay Matthew pero hindi makasagot ang binata dahil hindi din nya alam. Kinuha nya ang cellphone sa bulsa para sana tawagan si Gino ng marecieve nya ang sunod-sunod na messages galing sa kanila. At pare-pareho lang ang laman ng messages, nasa Cavite daw sila dahil may nakapag track daw na nandoon si Leon at inutusan ng ama nya na nagpunta sila doon.  Binalot ng kaba st takot si Matthew, natatandaan nya ang tanong nung lalaki sa mag asawa kanina, tinatanong nito kung nasaan na si Leon.  " impossible, hindi sila 'yon " bulong nya sa sarili.  " huh? Anong sinabi mo? " tanong ni Tanya.  " ahh wala, sabi ko lahat ata sila nag date " pagsisinungaling nya.   " Matthew ang parents ko " usal ni Tanya at niyakap si Matthew.  " shhh, 'wag kanang umiyak Tanya. Andito lang ako para sayo palagi " tanging nasabi ng binata, hindi kasi sya sigurado kung makakaligtas o hindi ang magulang ng dalaga.  " i love you " dagdag ng binata at hinalikan ang noo ng dalaga at niyakap.   " andito lang ako umiyak ka lang " wika ng binata habang hinahagod ang likod ng dalaga upang kumalma ito.

A/n:
Hi kay Stela Fe Montinola, mwah!

- may kwento pa ako, narinig ko yung babae na bumili sa tindahan, tapos lalaki ang nagbabantay, tapos tinanong nya ang lalaki.  " kuya may itlog po kayo? "  porkchop natawa ako ehh, 'bat ba HAHAHAHAHAHAH. Okay ako na masama:<

Losing someone special is really heart breaking ang mind blowing. 

Kaya ang lahat ng dapat ingatan at pahalagahan ay ingatan nyo na at pahalagahan para walang pagsisisihan.

Mwah~

Warning:
    Typographical errors and grammatical errors ahead..

FORBIDDEN LOVE (on Going) Kde žijí příběhy. Začni objevovat