CHAPTER 48

6 1 0
                                    

Matthew's pov:

    Lahat kami ay naghanda para sa gagawin naming paglusob sa hideout nina Gray.

   " sasabihan mo ba ang daddy mo Matthew tungkol sa gagawin natin? " tanong ni Gino habang inaayos ang riffle n'ya. Si Scarlet ang bahala sa bomb planting, sina Xander at Gino ang snipers,  si Justine ang back up ni Scarlet. At 'yung iba ay sasama sa'kin.

   " magdala ka ng smoke bomb Gino " napatingin kami sa may pinto ng marinig namin ang boses ni Xander.

   " ge" sagot ni Gino sa kan'ya.

    Nakita ko naman ang pagliwanag ng mukha ni Scarlet ng makita si Xander. Mabilis na nilapitan at nginitian ni Scarlet si Xander, nginitian din s'ya nito.

    " dala ko na ang pinapabili mo " bulong ni Xander sa'kin, agad kung kinuha ang  box na kulay black.

    " thank you" sabi ko sabay tapik sa balikat n'ya. Tinanguan lang niya ako saka nakipag-usap kay Scarlet.

   " anong laman n'yan Matthew? " nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Gino sa tabi ko.

   " sekretong malupet " natatawang sagot ko sa kan'ya.

  

   " ready na kami Matthew " anunsyo ni Scarlet, masaya na s'ya ngayon, nakakangiti na s'ya, nagbati na siguro sila ni Xander.

    " ready na din kami " ani Xander.

   " okay, lets move " anunsyo ko sa lahat.

    Habang nasa byahe ay hawak hawak ko ang M1911 pistol ko.

    Kamusta na kaya si Tanya? Sinasaktan ba s'ya nila Gray? Kapag may nangyaring masama kay Tanya, i'll make sure na ang huling lugar na pupuntahan nila ay ang impyerno.

    " masyadong malalim ang iniisip mo " puna ni Gino.

    " nag-aalala ako kay Tanya, baka kung anong gawin sa kan'ya ni Grayson " sabi ko sa kan'ya.

    " mahal ni Gray si Tanya, 'di n'ya 'yun sasaktan " kampanteng-kampante wika ni Gino.

    " nakakalimutan mo atang, sinasaksak ni Grayson si Tanya. He love her and he'll do anything just to get her, but if Tanya refuse his feelings, i don't know what will happen anymore " sabi ko sa kan'ya.

   " emotions are very powerful, it can make you happy it can kill you too. Nakalimutan mo atang may mga taong nababaliw dahil sa pagmamahal. " dagdag ko.

    " hayss, lets just pray na hindi mabaliw si Gray, na hindi s'ya mawala sa katinuan once Tanya refuse his feelings. Naaawa ako kay Grayson, Matt. Wala naman s'yang hinangad kung 'di ang mahalin s'ya ng babaeng mahal n'ya, but on the other side, hindi s'ya mahal ni Tanya. "  sabi ni Gino na ikinatango ko.

    " he can't accept the truth. He can't accept the fact, na hindi s'ya mahal ni Tanya. " dagdag ko sa kan'ya.

    " ikaw ba naman ang magmahal tapos hindi ka minahal pabalik, hindi 'yun madali, maniwala ka. Proven and tested " natatawang sabi ni Gino.

    " madaming babae sa mundo Gino, kung hindi si Scarlet ang para sayo, malay mo ipapanganak pa lang ang girlfriend mo " biro ko sa kan'ya na ikinapikon n'ya.

   " siraulo ka, edi kapag malapit na 'ko mamatay saka lang s'ya magdadalaga, ano 'yun? Parang tanga amp. " reklamo n'ya.

     " hoy 'di ka naniniwala na love knows no age? Hahaha, ayaw mo nun may magbabantay sayo, mukha mo nga lang apo hindi girlfriend " pang-aasar ko pa sa kan'ya.

FORBIDDEN LOVE (on Going) Onde histórias criam vida. Descubra agora