CHAPTER 16

21 2 0
                                    

Matthew's pov:
   Magrereport na naman ako hayss, "walaaaaaa dawwwww siiiiii maammmmmmmm FE SALVIIIII!!! "sigaw ni Greg, si ma'am Salvi ang teacher namin sa English at sya din ang may pakana ng mga reporting ko. 

"bakit daw wala? " tanong ko.  "tanong mo sa may ma'am, hindi ako s'ya ehh hahaha" sagot n'ya, nakakaasar -,-.

Nakita ko si Tanya na tahimik lang na nakaupo sa upuan habang nagsasalubong ang kilay na nakatutok sa screen ng phone. Agad ko syang nilapitan.

  "may problema ba? " tanong ko sa kanya.

  " tingin ko kasi rereglahin ako ngayon ehh" sabi niya na kinasamid ko. 

"hahaha!  Hindi nga? " Natatawa kung tanong pero 'di s'ya sumagot at tinitigan ako ng seryoso.

" then, anong gagawin ko? "takang tanong ko, nagulat ako ng bigla s'yang tumayo at tumalikod sa'kin. 

"tignan mo nga kung may tagos ako. "seryoso n'yang utos na para bang kay dali ng pinapagawa n'ya, nakakalimutan n'ya bang lalaki ako?!!!. 

Agad akong nahiya ng makita ko ang palda n'ya na may mancha nga ng dugo. !

Sasabihin ko ba sa kan'ya?  tanong ko sa sarili ko.

"a-ahhh, *ehem*" pag lilinaw ko sa boses ko. 

  "me-meron nga" pinilit kung 'wag ipakita na apektado ako pero 'di ko magawa. 

    "teka, bakit ka namumula? " tanong n'ya na kinakaba ko, halata bako masyadooo?! 

    "ah wala, mainit kasi " palusot ko na ginantihan n'ya lang ng tango.

" pwede ba akong humingi ng favor? " tanong n'ya, kinakabahan ako sa favor na 'to. 

"ano yun?" balik kung tanong. 

" pwede mo ba akong bilhan ng whisper with wings " sabi n'ya. 

"WHAT?! NO WAY?! "malakas ang pagkalasabi ko kaya nagsilungunan sila sa gawi namin.

   Tinawagan ko ang mga kasama ko pero busy lahat, sila Scarlet at Gino ay nasa kalagitnaan ng summative tests at bawal umalis,  si Xander naman ay nagrereport,  ang iba ay may kan'ya kanyang ginagawa.

  'seryoso to Matt? Bibili ka nang napkin?' tanong ko sa sarili ko pero agad din akong umiling - iling. 

   "ikaw na bumili" utos ko sa kanya . 

"sira, paano ako bibili kung may tagos ako " sabi nya na binulong ang word na 'tagos' kaya natawa ako.

 
  "pano ba bumili nito, at saan ako bibili ehh walang napkins dito.  " sabi ko nakita ko naman ang pagyuko n'ya. 

   " sa mall. "simpleng sagot n'ya habang nakayuko. 

"hell no,  nasisiraan ka ba ng bait?  Huh babae?  Kasi kung oo ipapamental na kita. "bara ko sa kanya. 

"legit 'yan, Sa mall talaga.  Punta ka sa lalagyan ng mga napkins tas kumuha ka dun ng napkin na may brand name whisper o di kaya sisters, heheheh " nagpacute pa ang siraulo. 

I didn't imagine this,  pero ako si tanga at ito paalis papuntang mall.  Ayaw ko gawin 'to, pero ayaw kung mapahiya si Tanya so I need to do this sh*t.

      Nang makarating ako sa mall ay agad akong lumapit sa isang sales lady. 

"excuse me miss,  saan dito banda ang sa mga napkins?" tanong ko, 'di ko alam pero natatawa na nakataas ang kilay n'ya sa'kin. 

FORBIDDEN LOVE (on Going) जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें