CHAPTER 49

21 2 0
                                    

Narrator's pov:

Palingun-lingun sina Matthew at ang mga kasama n'ya sabay paputok din sa kalaban.

" Scarlet kung tapos na kayo sa bomba sunod kayo sa location nila Matthew. Napapalaban sila " ani Luke sa earpiece.

" okay sige, last na 'to, magdidikit na lang ako C4 sa mga wall nitong hideout nila " sagot ni Scarlet.

" malilintikan ka talaga sakin Luke " banta ni Gino.

" asan ka Gino? " tanong ni Scarlet.

" kasama ko sina Matthew " sagot ni Gino.

" 'di ba sniper ka? Bakit ka napunta d'yan? " takang tanong ni Scarlet.

" gumala lang " biro ni Gino.

" tama ng kuda, hinahabol kayo ng labin limang lalaki hoy " pag-papaalala ni Luke.

Tumigil si Matthew saka pinaulanan ng putok ang mga humahabol sa kanila, dalawang lalaki sa harapan ang tinamaan at duguang bumagsak sa sahig.

Nagpalitan sila ng putok hangang sa matamaan ng bala sa balikat si Gino.

" ampotcha! Tinamaan ako potek! " ani Gino.

" ayos ka lang ba? " tanong ng isa n'yang kasama.

" ikaw kaya ang magpatama sa bala, ta's tatanungin kita kung okay ka lang. Ano kaya ang isasagot mo? " sarkastikong tanong din ni Gino sa kan'ya, napailing-iling na lang si Matthew.

Hindi pa din natatapos ang putukan ng makarating sina Scarlet at Justine.

BOGSH! BOGSH!

Sabay-sabay na napatakip sa tenga sina Matthew ng may sunod-sunod na sumabog.

" ano 'yun? " tanong ng isa sa kanila.

Lumingun sila sa likuran at nakita nila sina Justine at Scarlet na may hawak na granada.

" your welcome " sarkastikong sabi ni Scarlet ng tignan s'ya ng mga kasama n'ya.

" sometimes, I love grenades rather than guns. Mas malakas at mas epektibo " dagdag ni Scarlet, and then she winked at them.

" clear na ang pathway na 'yan guys. " pag-imporma ni Luke.

" okay babalikan ko na si Xander " paalam ni Gino.

" sasama na ako sainyo. " presenta ni Scarlet.

" okay sige tara " tugon ni Gino.

" saan na kami ngayon pupunta? " tanong ni Matthew kay Luke,
walang sumagot sa binata kaya nag-init ang ulo n'ya.

" Luke?! " naiiritang tawag ni Matthew sa kan'ya.

" boss code red ako dito may tatlong lalaking pumaso-- aww! Ang sakit nun ahh kingina ka! Ang gwapo kung mukha! " napailing na lang si Matthew.

Nasa laban na't lahat-lahat, mukha pa din ang iniisip, tsk.

" manage that Luke, pupunta kami sa may lobby nila. " sabi ko dito, ewan ko lang kung naririnig pa n'ya.

Matthew's pov:

Agad kaming tumakbo papunta sa may lobby ng gusali dito , to my surprise, nakita ko si Gray na nag-aantay sa'min.

" ang lakas naman ng loob mong sumugod dito " natatawang anito.

Palingun-lingun ako sa paligid para hanapin si Tanya, asan kaya tinago ng mukhang tae na 'to si Tanya ko, kainis!

" asan si Tanya? " tinignan n'ya lang ako saka tumawa ng malakas na para s'yang nanonood ng nakakatuwang movie.

Baliw ata 'to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now