CHAPTER 29

11 2 0
                                    

Tanya's pov:
  " dear,  wake up it's already 8 am. Let's eat " malambing na panggigising ni mommy. Gad I miss thisss!  "momm, morning. I'm still sleepy " sabi ko dito.  " pinagluto kita ng paborito mo dear " pagkasabi ni mommy nun ay agad akong bumangun,  kapag sya ang nagluto ng isa sa favorite ko na ulam ay talagang natatakam ako. " give me 10 minutes mom" nakangiting sabi ko dito kaya napailing iling syang tamawa. "I'll see you downstairs " paalam nya at umalis.  Kaagad akong pumunta sa banyo at nahilamos at nag toothbrush. Nakakailang hakbang palang ako sa hagdanan ng maamoy ko ang masarap na amoy ng niluluto ni mommy, yummy!!  Napaka swerte ko sa ina ko, bukod sa napakabaet, napaka understanding, napaka caring, loving, at supportive sa ginagawa ko. Niyakap ko si mommy sa likuran ng makita ko sya. " maupo kana para makakain kana,  umalis muna ang daddy mo may pupuntahan daw sya " paliwanag ni mommy.  "ganun po ba,  mom maupo ka na po ako ng bahala maghanda" sabi ko dito na kinangiti nya at naupo sa lames.  Hinanda ko ang niluto nya, syet ang sarap!!!  Caldereta, adobo,  ginisang ampalaya. " ang sarap nito mommy!! " kumento ko kahit dipa nakakatikim kaya napatawa sya.  " kumain kana  ikaw bata ka bolera ka talaga" sabi nito.  " mom, mamaya pong around 10 papasok na po ako" paalam ko dito ng bigla kung maalala na wala dito ang uniform ko, syet!  Nasa headquarters.  "ganun ba, sige bilisan mo na dyan,  teka at ipagbabaon muna kita ng pang lunch mo " sabi ng ina ko at inayos ang baunan, swerte ako sayo mommy sobrang swerte!  " btw, dahil nandito na kami ng daddy mo susunduin ka namin tuwing uwian mo para safe ka, unica hija ka namin kaya palagi kaming kinakabahan ng daddy mo nung nasa states pa kami kung kamusta kana dito "sabi nito na kinagalak ng puso ko. Awww!! " Tanya dear,  wag mo akong titigan I know maganda mommy mo pero baka malate ka" sabi nito kaya natawa nalang ako at natawa din ang aking ina, talaga naman hahaha. Binilisan ko ang pagkain at naligo. "mom,  I need to get something " sabi ko dito. " ano yun?  At bakit di kapa nakauniform?  Baka malate ka " may pag aalala sa boses nito.  "mabilis lang ako mommy,  don't worry.  " sabi ko sabay halik sa pisnge nito. Kita kung di ito sang ayon pero walang magawa. Agad akong pumara ng taxi at bumaba sa may eskinita.  Lakad takbo ang ginawa ko para mabilis na makapasok sa hq para Hindi malate.  " yow Tanya " bati ng mga kasamahan ko.  "yow" balik kung bati. Mabilis akong pumasok sa look at pumunta sa kwarto ko,  kukunin ko na sana ang susi ng pag ikot ko sa door knob ay di ito nakalock kaya nagtaka ako.  Pumasok ako at nakita si Matthew sitting at my bed and holding a picture frame. Anong meron? "ehem " I cleared my throat for him to feel my existence. "ta -tanya? " gulat na tanong nya at dali dali akong niyakap. " te- teka " angal ko at binitawan nya naman ako.  " so-sorry, ano palang ginagawa mo dito? " nakangiting tanong nito sakin. " kukunin ko lang damit ko" sagot ko dito.  "a-hh ganun ba " bat ba nauutal to?  Tinanguan ko lang sya at pumunta sa may drawer.  Narinig ko ang paglock ng pinto kaya napatingin ako sa kanya na puno ng pagtatanong sa mukha.  " ano bang ginagawa mo" sabi ko at lumapit sa kanya, naamoy ko ang alak sa bunganga nya ng magkalapit ang mga labi namin, syet lasing.  " u-uminom ka ba ng alak? " tanong ko dito na sinagot nya lang ng kamot ng ulo.  " I miss you " sabi nito na kinatuwa ng puso ko.  "I mi--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan nya ako,  nalalasahan ko ang alak sa bibig nya. Tinulak ko sya at sinamaan ng tingin.  "ano bang ginagawa mo? " nakataas kilay kung tanong, pero deep inside gusto ko ang ginawa nya.  " I miss you damn much Tanya. Isang gabi ka lang di umuwi dito pero bakit feeling ko ang tagal " sabi nito, ganun din naman ang nararamdaman ko, namimiss ko sya,sobra! "nagmamadali ako Matthew, I need to go " sabi ko havang mabilis na kinukuha ang mga damit ko.  "Mahal kita, Hindi mo ba ako Mahal? " bulong nya na diko malaman kung tototo ba o imagination ko lang kaya napahinto ako sa pag aayos.  Nakatalikod ako sa kanya kaya for sure di nya makikita ang gulat kung itsura, could it be?  Pwede ba na minahal nya din ako?  Baka mali lang ang pagkakarinig ko.  "anong sabi mo? " naguguluhan kung tanong.  "wala.  Sige kunin muna ang uniform mo para makapasok kana " sabi nya, sabi na mali ang pagkakarinig ko. Ayaw kung umasa, pabulong lang ang mga narinig ko, pwedeng nagkamali lang ang dinig ko at pwede din namang nasabi nya lang yon kasi lasing sya, tama lasing lang sya. "Salamat, mauna na ako" sabi ko sa kanya na sinagot nya lang ng tango. "tanyaaaa" tawag sakin ni scarlet kaya hinarap ko sya ng may ngiti.  " dika sasabay samin? " tanong nya.  "Hindi,  andyan kasi sila mommy at daddy ehh.. Sige na, babye kita nalang sa school " sabi ko at tinap ang balikat nya saka nagmamadaling bumalik sa bahay.

Matthew's pov:
  Naiwan akong tulala dito sa kwarto nya. Gusto kung sabihin Kay Tanya ang nalaman ko, gusto kung ikwento sa kanya ang about sa totoo nyang pagkatao, damn sa nalaman ko mas umigting yung kagustuhan ko na ipawalang bisa ang sinimulan kung batas. Ayaw kung maulit ang nangyari dati, ayaw kung mawalan ng minamahal, at ayaw kung masaktan sya ULIT.  "Matthew, anong ginagawa mo jan? " takang tanong ni Gino sakin.  "w-wala,  may hinahanap lang " pagsisinungaling ko pero alam ko naman din na di tatalab, alam na ng mokong nato na may gusto ako Kay Tanya, no need for me to hide it. " pagsinungalingan mo na ang lola mo wag ako Dre, jusko.  Tara na,  baka malate tayo." natatawang sabi nito kaya nginitian ko sya.  Sa lahat ng tao, ito ang maituturing kong kaibigan ko,  napakaswerte ko dahil nakilala ko ang ungas nato.
//fast forward//
Pagkarating ko sa room ay andun na din si Tanya, I suddenly felt the urge to talk to her kaya di na ako nagsayang ng oras at nilapitan ko sya.  "guys attention! " pang aagaw attention ng isang boses babae nung tignan ko kung sino,  it was Reina our president.  " wala ang first subject naten kasi may emergency daw na nangyari,  so we should stay here in our classroom.  No one is allowed to go out " seryoso at mataray na sabi nito.  Lumapit ako kay Tanya at binulungan sya.  " follow me, magkita tayo sa boy's cr, a private talk " sabi ko tsaka binagtas ang papunta sa pintuan at hinarang naman ako ni Reina.  " I need to go to cr " sabi ko.  " no,  kakasabi ko lang.  NO ONE is allowed to go out " saway nito na kinapikon ko, damn I want to talk to her, I need to.  " kapag ba ako naihi dito lilinisan mo?  Kapag ba ako nagkasakit sa bato dahil sa pagpipigil ng ihi babayaran mo pagpapagamot ko? " pangsusumbat ko sa kanya, nakita ko naman na napangiwi sya kaya natawa ako pero diko pinahalata.  "para kang babae kung manumbat" sabi nya.  "so inaamin mo na kayong mga babae ay mapanumbat? "mama smirk kung tanong.  "no, Di ganun ang ibig kung sabihin.  Just go out and make it faster Mr. Rander " utos nito sakin na diko pinansin, naglakad lang ako hang gang makarating sa cr.  Nag antay ako dun, a couple of seconds and turns into 2 minutes,  nababadtrip ako.  Di ba ako sisiputin ni Tanya?  Tanong ko sa isipan ko na nagpalungkot sakin. Babalik na sana ako sa room ng makita ko ang hinihintay ko na nakabusangot at kunot na kunot ang noo habang papunta sakin kaya natawa ako.  Naimagine ko na kinakasal ako at papalapit sakin ang bride ko what a nice scene.  " sorry, hinayupak ang tibay kasi ni Reina ehh " reklamo nya kaya natawa ako, sinamaan nyako ng tingin kaya nanahimik ako at nagseryoso. "anong pag uusapan? " tanong ko.  " you need to know something " panimula ko. Nakita ko ang pag balanatay ng pagkalito sa mukha nitong maganda.  "ano yun? " seryosong sabi nito.  " about your parents" sabi ko.  "what about them?  Are they okay?  May nangyari ba? " nag aalalang tanong nito, nag aalangan ako kung sasabihin ko ba o Hindi. "they--i mean your mother---ahm, pano ko ba to sasabihin " pagkasabi ko palang nun nagulat ako ng bigla nya akong hawakan sa balikat at tumingin ng diretso sakin na puno ng pag aalala at naguguluhan ang mukha.  "anong.nangyari.sa.mommy.ko.matthew" sabi nito na may diin sa bawat salitang binibitawan nya,  HINDI KO TO KAYA!  AYAW KONG SAKTAN ANG BABAENG MAHAL KO!  sabi ko sa isip ko,  nakikita ko na kung anong mangyayari Kay Tanya ayaw kong masaktan sya. "please, tell me anong nangyari sa mommy ko. Please " umiiyak na pagsusumamo nito, syet!  Sabi ko na masasaktan lang sya.  "nothing,  gusto nya lang sabihan ka ng ingat ka daw at wag ka magpapalipas ng gutom " pagsisinubgaling ko.  Magsasalita pa sana ako ng may malakas na kamay ang sumampal sa pisngi ko at damn napakasakit!  " fvck you!  Akala ko kung ano na!  Akala ko may nangyari ng masama sa mommy ko!  Piste!  Pinapunta mo pa ako dito, pinasakit mo pa ang ulo ko!  At nakaramdam pako ng takot dahil sa sinabi mong putragis ka!  " sabi nya sabay sampal ulit sakin at naglakad palayo.  Naiwan ako dito habang sapo sapo ang pisnge ko na masakit at namamanhid. "This is what I get for telling you the truth, damn" sabi ko sa sarili ko at wala sab sariling naglakad pabalik sa classroom. For sure hindi ako papansinin nun.

ʕ•ﻌ•ʔathenadens💙

A/n:
THANK YOU SO MUCH PO SA MGA NAGBABASA AT PATULOY PADIN NA NAGBABASA! WUV U ALL!  Hindi po perfect ang gawa ko so hope you like it,  sasabihin ko po to ng paulit- ulit kaya wag kayo makukulitan😂 KUNG MAY GRAMMATICAL ERRORS MAN KAYONG NAKITA SORRY FOR THAT,  nagbabackread din ako para ayusin ang mga yun pero may nakakaligtas padin 😂 TYPOGRAPHICAL ERRORS DIN MERON DAHIL EPAL AND KEYBOARD NI AUTHOR USTO HAHAHA,  yun lang po.. Thank you!

FORBIDDEN LOVE (on Going) حيث تعيش القصص. اكتشف الآن