CHAPTER 8

26 2 0
                                    

Tanya's pov:

    "Tanya?" pagtawag ni Scarlet sa pangalan ko sabay katok. 

"Pasok scarlet" pagpapahintulot ko sa kanya at mabilis namang bumukas ang pinto  sabay pasok ni scarlet.

May dala- dala itong isang case ng maliliit na red horse.

  " sinong may birthday? " tanong ko na kinatawa niya. 

"baliw,  walang may birthday.  Gusto ko lang uminom, dahil andito ka samahan mo ko hehe "ngiti-ngiti niyang sabi. 

"abugh, ang lakas mo ahh,  bakit mo naisip na makikipag inuman ako sayo? " pag-susungit ko.

  "kasi masaya ka ngayon,  inaasar ka ni Matthew na once in a blue moon lang mangyari HAHAHAHA, kinilig ka naman? " pang aasar niya sabay kiliti sakin.

  "ano ba,tumigil kanga, oo na makikipag inuman na. Potek, 'di ako kinikilig"  sabi ko na natawa pa dahil sa pangingiliti ni scarlet.

"susssss, eh kasing pula nga ng  hinog na kamatis 'yang  pisnge mo.. SANA ALL MAPUTI.  " biglang banat niya. 

"baliw ka talaga tsk" natatawa kung sabi dito.

"Bakit ka nga pala magpapainom, at ang dami pa ahh" tanong ko sabay kuha ng isa at binuksan.

"a-ahhh, e-ehh" putol putol niyang sabi sabay kamot sa ulo.

  "o-ohh, u-uhh" dugtong ko kaya sinamaan niya ako ng tingin, ako naman ay nagpeace sign HAHA!

"kasi nga.....  Nagkausap kami ni Gino kanina, nag open ako sa kanya ng feelings ko" sabi niya kaya natigilan ako at nag seryoso.

  "ano nang napag usapan niyo, umamin ka ba? " tanong ko.

  " oo,  at sabi niya mahal niya din ako Tanya,  Mahal namin ang isa't isa" sabi niya. 

"yun naman pala ehh!  Bakit malungkot ka d'yan!  HAHAHA! " kinikilig tong tanong. 

"nakalimutan mo bang, ipinagbabawal ang pagmahal sa kapwa mo sa loob ng gang. 

" Mahal namin ang isa't isa pero napakalaki nang kapalit ng pagmamahalan namin,  napakabigat. Buhay, buhay ang magiging kapalit.. " sabi niya sabay iyak. 

" 'di ko man napagdaanan ang napagdadaanan mo ngayon, alam kong makakaya niyo yan. Supportado ko kayo" nakangiti kong sabi sabay yakap sa kanya. 

" 'di ko alam Tanya,  paano namin ipaglalaban ang isa't isa, kung one time isa din sa'min ang ibabayad ang sariling buhay dahil sa pagmamahal na 'to." seryoso niyang turan.

" so ano ng napagdesisyonan niyo?" tanong ko. 

" napagdesisyonan namin na kalimutan ang mga nalaman namin, na maging magkaibigan na lang kami, na hanggang dun nalang lahat " nakangiti pero puno ng sakit niyang sabi sa akin. 

" Hindi madali ang magtago ng feelings, lalo pa at alam niyong mahal niyo ang isa't isa,  mahirap ang magselos, matuwa, at masaktan,  ng walang label. " sabi ko na apektado na rin kasi nararamdaman ko ang nararamdaman niya. 

" 'yun na lang ba nag choice niyo?" tanong ko.  Humarap siya sakin na may pagkalito. 

"what do you mean?" takang tanong niya.

" pwedeng tumigil ang isa sa inyo sa pagsali sa gang na ito " suhestyon ko na kinangiti niya. 

"Tama ka!  Ay pero.. " malungkot niyang dagdag.  "pero?" tanong ko.

  " pero pwede ka lang kumalas kapag napagtagumapayan mo ang isang pagsubok, pagsubok na kung saan 'di aabot sa 50 porcento ang kasiguraduhang mabubuhay ka." saad niya na mas lalo kung kinalungkot. 

"wala na. Wala na kaming choice. " umiiyak na sabi niya kaya niyakap ko siya at pinatahan. 

"kakausapin ko si Matthew,  baka makatulong siya, siya ang bumuo ng batas siya din ang makakapag buwag" sabi ko kaya napatingin siya sakin. 

" ang pagkausap sa kan'ya tungkol d'yan ay may kaparusahan,  Hindi mo siya pwedeng utusan o sabihan na ibaba ang batas, dahil siya ang bumuo pero hindi siya ang naglagda." sabi ni scarlet na mas lalo kung kinalito. 

"naglagda?  What do you mean? " tanong ko.

  " si Matthew ang nagsabi about sa batas na'yan,  pero tatlong tao ang kailangang lumagda para balewalain ang batas; si Matt, si Empress,  at Si sir Deity Rander"  kwento sakin ni scarlet.

  " Deity Rander?  Sino siya? " curious kung tanong. 

" si-siya ang ama ni Matthew"   sagot ni Scarlet sa tanong ko. 

"I see.  Mahihirapan nga tayo sa kahit anong plano, hayss " nawawalang pag asa na sabi ko.

  "love is painful. If you choose to love that person the consequence would be pain. We are inside the battlefield where the battleground is our heart and our enemy is love. That's why Pain is inevitable. " sabi ko dito kaya nakita ko na naman ang pagbagsak ng luha nito, pare-pareho na kaming lasing.

" Anong gagawin ko?  Should I fight for the person who loves me also? or should I give up and forget everything. " umiiyak niyang tanong.

"ikaw ba Tanya, ano ang gagawin mo?" baling niya sakin kaya nagulat ako.

" There are millions of reasons for me to fight my love for him,  but he is also the main reason why I want to forget my feelings" sabi ko sabay lagok dire-diretso ng alak.

^o^athenadens

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now