CHAPTER 44

17 1 0
                                    

Narrator's pov:

Nagising sa Tanya na nasa tabi nya si Matthew at nakayakap sa kanya. Napangiti sya dahil sa bumungad sa kanya, tinitigan nya ang lalaki at tinignan ang bawat sulok ng mukha nito.

" ang gwapo mo talaga hmp " komento ng dalaga ng pabulong upang hindi magising ang lalaki.

Agad syang napabalikwas ng bangon ng biglang kusutin ni Matthew ang mata nito.

" akala ko ang batas lang natin dito sa gang ang kalaban natin, meron pa pala. " sabi nito sa binata na tulog pa rin.

" i love you, Matthew. At handa akong gawin lahat para makasama ka " dagdag ng dalaga.

" I love you too. And i'm willing to die for you. " biglang sagot ng binata na kinagulat ni Tanya.

" psh, kanina ka pa gising? " pagtataray nito na kinatawa lang ni Matthew.

" hindi, nagising lang ako ng mag sabi ka ng 'I love you, Matthew. At handa akong gawin lahat para makasama ka' " anito na ginaya pa ang boses ni Tanya kaya napikon ang dalaga at nabatukan si Matthew.

Sa kabila ng malakas na pagtawa ni Tanya ay bigla nyang naalala ang kanyang mga magulang kaya mabilis na napalitan ang ekspresyon sa kanyang mukha, mula sa pagtawa ay napalitan ito ng lungkot at pag- aalala.

" ang mga magulang ko Matthew! " agad na sabi nito sa binata at mabilis na tumayo mula sa pagkakahiga.

Nang silipin nya ang kanyang cellphone kung anong oras na ay mag a-alas singko na ito.

" ma-matt, yung pa-parents ko " umiiyak na sabi ng dalaga kaya mabilis namang lumapit si Matthew at niyakap sya.

" sige-sige, pupuntahan natin sila. Ju-just don't cry Tanya, ayaw kung nakikita kang nasasaktan. Please stop crying " wika ng binata.

Tumigil naman si Tanya sa pag-iyak at naghanda para sa pag alis nila. Inabutan nila Tanya at Matthew ang mga kasamahan nila na pagod at ang iba ay may sugat pa.

" a-anong nangyari sainyo? A-ayos lang ba kayo? " nag aalalang tanong ni Tanya.

" may nilakad lang kami Tanya, saan ka pala galing at di ka nakasama? " tanong ni Gino.

" nasa bahay ako nun ehh pasensya na diko napansin ang pagtext nyo " paumamhin ni Tanya.

" ayos lang 'yon at nagawa naman namin ng maayos " si Scarlet naman ang sumagot.

Mahihimigan ang lahat na seryoso at propesyunal kung umakto, di mo mahahalata na may namamagitan kina Scarlet at Xander dahil maski ang kunting tingin ay di nila magawa.

" saan ka pupunta Tanya, aalis ka ba? " tanong ni Scarlet, hindi naman nag abala ang iba nilang kasama na makinig dahil may kanya-kanya silang ginagawa.

" oo, aalis na muna ako " paalam ng dalaga at agad na umalis.

Nagkatitigan sina Scarlet, Xander, Gino, at Matthew.

" sasamahan ko si Tanya " pabulong na paalam ni Matthew at nagsimulang maglakad at sumunod naman ang tatlo.

" anong ginagawa nyo? " takang tanong ni Matrhew ng mapansing sumusunod ang tatlo.

" sasama " kaswal na sagot ni Scarlet.

" sasama din " sagot din ni Xander.

Tinignan nilang tatlo si Gino at nag abang ng sagot nito. " mag gagala kasama kayo " sagot nito na may nakakalokong ngiti na kinailing ng tatlo.

Nang maabutan nila si Tanya ay muntik pang mapauwi ang tatlo dahil gusto ni Tanya na lumakad mag isa pero dahil sa kakulitan nilang lahat ay napapayag din sya.... ng medyo labag sa loob, hahaha.

FORBIDDEN LOVE (on Going) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora