CHAPTER 42

17 1 0
                                    

Narrator's pov:
        Nagising si Matthew dahil sa pambubulabog ni Gino. " matthew gising na " seryosong wika ng binata kaya bumangun si Matthew. " bakit anong meron?" agad na tanong nya. " pwede ba tayong mag usap? " may bahid ng lungkot sa tono ng boses nito. Umayos ng upo si Matthew at humarap sa kanya. " ano yun " sabi nito. " its about me, Xander, and Scarlet " panimula nito, tumango lang si Matthew para sabihing icontinue nito ang sasabihin.  " tanda mo yung kwento ko kay Sharlene? Yung nagkita kami? Pagkatapos kasi nun nagkausap kami ni Scarlet tapos sinabi ko sa kanya na mahal ko pa din si Sharlene, galit sya sakin kasi pinaasa ko sya Matt. Tapos ngayon nagkakalapit sila ni Xander, para silang magboyfriend/girlfriend sa inaakto nila. " kwento nito. " selos ka? " diretsahang tanong ni Matthew. " n-no, i'm not " sagot ni Gino. " ehh para saan 'tong mga ito. Ano ang pinupunto mo? " tanong ulit nya dito. " ang pangit pakinggan kasi, may history kami ni Scarlet tapos ngayon naman nakay Xander na sya. Ano yun tuhugan? " natawa ang binata sa sarili nyang nasabi. " papuntahin mo dito sina Scarlet at Xander. Para matapos nato at para magkaayos na lahat. " utos nya na sinunod naman ni Gino. Makalipas ang ilang minuto ay dumating sina Xander at Scarlet na parehong nakangiti. " lets talk " sabi ni Matthew. " tungkol saan ?" ngiti-ngiting tanong ni Xander. " tungkol sa inyong tatlo " as if on cue biglang nawala ang ngiit sa labi ni Xander at napalitan ng seryosong mukha.  " Gino magsalita kana " utos ni Matthew. " ayaw ko sa namamagitan sa inyo " diretsahang wika ng binata. " fvck you! Tigilan muna si Scarlet, ano yun? Ayaw mo samin? Ano yung gusto mo? Sayo si Sharlene tapos Scarlet? " naiirtang tanong ni Xander. " kumalma ka Xander Limins " utos ni Scarlet. " ano bang meron sa inyo ni Xander, Scarlet? " tanong nya sa dalaga. " mahal ko si Xander " sagot ng dalaga. " mahal? Hahaha, pano mo nalaman na mahal mo na si Xander ehh nung nakaraan lang nabusted kita " pang iinsulto ni Gino kaya nasapak sya ni Xander. " wala kang karapatang iparamdam ang sakit kay Scarlet. Wala kang karapatan " seryoso at may pagbabanta sa boses ng binata. " mahal mo sya Scarler, bakit mahal ka ba nya ?" si Matthew naman ang nagtanong. " mahal ko sya, and as of now nililigawan ko na sya " may pagmamalaki sa boses ni Xander. " eh ano namang relasyon mo kay Gino, Scarlet? " tanong ulit ni Matthew. " minahal ko sya dati " buong pusong sagot ni Scarlet. " minahal? Ibig sabihin dati na? Ngayon hindi mo na sya mahal?  Ano nalang ba ang nararamdaman mo para kay Gino ?" usisa ni Matthew. " wala. " agad na sagot ni Scarlet. Napanganga naman si Gino sa sagot ni Scarlet. " imposible, nung nakaraan lang sinabi mo sakin na nasaktan kita " sabi ni Gino. " oo. Oo nasaktan mo ako. Diko din alam pano nangyari, na sa loob ng maikling panahon natutunan kitang limotin. Oo nasaktan ako pero ngayon nawawala na yung sakit, wala na akong maradaman. Noong araw at oras nayun para akong pinagsakluban ng langit at lupa, gusto kung mawala na agad ang sakit  nayun para makabalik nako sa dati, gusto ko ng mamanhid nung mga oras nayun pero may isang tao na nagsabi sakin na 'no, wag mong madaliin. Gusto ko dahan-dahanin mo, namnamin mo yung bawat sandali na pinapagaling mo yang puso mo kasi dyan ka matututo. Kapag minadali mo baka one time mabigla ka nasasaktan ka pa din pala, hindi lahat ng bagay pwedeng madaliin at hindi lahat ng bagay madaling mawala. Healing from heart break will take several days,weeks, months, or even years.' " sabi nito. Tumingin ang dalaga sa gawi ni Xander at nagulat sya ng makita itong nakangiti sa kanya, palihim nyang kinapa ang dibdib nya dahil sa lakas ng pagkabog. " nakapag move on na ako Gino, now i'm starting over again. 'wag muna akong guluhin, you already choosed at si Sharlene ang napili mo, now i'm giving you all the oppurtunity to be with her. Don't be so selfish " puno ng lungkot na wika ng dalaga.  " i'm sorry Scarlet " sabat ni Gino. " no, you don't need to say sorry. " pigil ng dalaga. " tinuturing na kitang kapatid Gino kaya ayaw kong nag aaway tayo, but if I need to end our friendship para kay Scarlet gagawin ko yun. Alam kung naiintindihan nyo ako, dahil alam kong may minamahal din kayo " sabi ni Xander.  " Naiintindihan kita Xander, and Gino tama na, kung talagang mahal mo si Xander bilang kapatid at kaibigan respetuhin mo nalng ang desisyon nya at suportahan sya " pangangaral ni Matthew. " sorry, i'm sorry dre. Patawad kung naging selfish ako, sorry kung naging immature ako. Pero pangako, susuportahan ko kayo " taos pusong wika ni Gino. Tumayo si Xander at niyakap sya. " salamat " wika ni Xander.  " I'm very sorry guys. Sana mapatawad nyo ako " sabi ni Gino.
" okay yun dre, atleast ngayon bati na tayo. " ngiti-ngiting wika ni Xander.  " masaya akong nagkabati na kayong mga siraulo kayo " natatawang sabi ni Matthew na binatukan pa silang dalawa tsaka inakbayan.   " nasisira lang ang ulo ko kapag si Scarlet ang pinag uusapan "  biro ni Xander, tinitigan nya ang dalagang si Scarlet pero inirapan lang sya nito.  " aling ulo ba ang nababaliw ?"  dagdag ni Matthew kaya nagsitawanan sina Xander at Gino.  " makalayas nanga dito puro kayo mga loko-loko " reklamo ng dalaga at dali-daling umalis. Nagkatitigan ang tatlo at nagsitawanan ng malakas kaya napasilip ang ibang mga kasamahan nila.  Beep! Beep!  Napatigil ang magkakaibigan sa pagtawa ng biglang tumunog ang cellphone ni Matthew at Gino. Nang tignan ni Xander ang mga kaibigan nya ay pareho itong nakangiti kaya alam na nya kung sino ang nagtext.  "ibigay ko na nga din kay Scarlet ang number ko para ma text din nya ako " sabi nito na parang animoy nag iisip at tinitimbang ang gusto nyang gawin.  " goodluck kung itetext ka ni Scarlet ehh parang si Tanya din yun, kapag tinamaan ng katamaran 'ket simpleng 'hi' hindi magawa " nanlulumong wika ni Matthee kaya natawa sila ni Gino.   " alis na ako, may date pala kami ni Sharlene " sabi ng binata at tinanguan lang sya ng dalawa.  " alam mo Matthew pumapag ibig na tayo, kaso nakakalimutan ata natin ang batas dito " seryosong sabi ni Xander.  " let me handle that thing " sagot ni Matthew na nakangiti.  " woahhh!! Handa ka ng buwagin ang batas? " manghang tanong ni Xander.  " dati pa dapat Xander, dati pa dapat. "  napayuko nalang si Xander.  " namimiss ko na si Rachelle, sana buhay pa sya " nanlulumong sumamo nito pero nginitian lang sya ni Matthew.  " sige na, may kakausapin pa ako ehh, una na ako sayo Xander " paalam nya sa binata at tinanguan lang sya nito.

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now