CHAPTER 45

19 1 0
                                    

Narrator's pov:
   
    Nang malipat na sa isang private room si Tanya ay nakahinga na ng maluwag si Scarlet pero agad din yung binalot ng kaba para sa kasamahan nyang naiwan, natanggap din kasi nya ang sinend ni Xander na humihingi ng tulong.

  " takte, ikaw pala si Rachelle men, tapos ngayon alam na din ni Gray tapos ngayon yinayari ka na naman nun. Pag-ibig talaga nakakabaliw " reklamo ng dalaga. 

" pagaling ka na Tanya, mukhang may problema pa tayong kakaharapin. Yung boyfriend mo tsaka sina Xander the great at Gino ayon naabutan ng mga kasama natin na bugbog sarado, mukhang tinamaan ng lintik ang mukha ni Xander HAHAHAHA may black eye na ang ulupong " natatawang kwento nya sa kaibigan pero agad ding naalis ang ngiti nya dahil tulog pa din ito.

  " sigurado ka bang dito sya nakaroom ?" rinig ni Scarlet ang usapan sa labas ng kwarto, at sa boses nung nagtatanong mukhang hindi nya kilala.

Agad syang naghanap ng maipapamalo o kung ano mang pwedeng gamitin para maipagtanggol nya ang kanyang sarili at ang kanyang kaibigan. 

  " opo sir " sagot ng isa pa. 

Nang wala syang mahanap na lahit na ano ay hinubad nya nalang ang suot nyang sneakers at trinay na ipalo sa ere, ng makita nyang pwede ay napangiti sya. 

  " kung sino ka mang siraulo ka, yari ka sa sapatos ko hehe " sabi nya sa sarili.

  Nakaramdam sya ng kaba ng gumalaw ang door knob, lumapit sya malapit sa pinto at itinaas ang sapatos nya.

Nang bumukas ang pinto ay bumungad sa kanya ang isang lalaki na may kantandaan na ang itsura pero 'di mukhang  lolo kaya agad nya itong pinalo.

Kunot na kunot ang noo ng lalaki habang nakatingin sa sapatos na nasa taas ng kanyang ulo. 

" sino ka? " tanong ni Scarlet habang palipat-lipat ang tingin sa sapatos at sa mukha ng lalaki. 

  " ako ang ama ni Rache--este Tanya " pakilala ng lalaki.  Tinago ni Scarlet ang kabang nararamdaman.

  " ikaw si Leon? " tanong nya dito.  " ako nga binibini, sino ka ba? " tanong nito pabalik sa kanya. 

  " A-ako si Scarlet Ri-Rim "  pakilala ng dalaga sa kanyang sarili.  " anong nangyari sa kanya Ms. Rim? " pormal na tanong nito na kinangiwi ng dalaga.

   " nasaksak ho " sagot nito.   " sino ang sumaksak sa anak ko si Matthew Rander ba? " tanong nito na animo'y sigurado na sya.

   " ganun siguro 'to kagalit sa pamilya nila Matthew at sila agad ang sinisisi " bulong ni Scarlet aa sarili.   " huh? Anong sabi mo ? " takang tanong nito. 

  " wala ho, ang sabi ko hindi ho. Si Gray po ang sumaksak sa kanya. " sagot nya dito. 

" sino naman si Gray? " tanong nya.   " si Grayson 'gray' Storm po ang leader ng gang na numero uno naming kalaban. " pakilala nya dito, agad na naningkit ang mga mata ng lalaki sa kanya kaya lihim syang napalunok.

  Isang dating assassin ang ama ni Tanya, kaya kahit ilang taon pa itong walang training panigurado nanalaytay na sa dugo nito ang pagpatay.

  " judgemental ka self " puna nya sa kanyang sarili.

  " kasamahan ka ni Tanya sa gang? " tanong nya, napaisip muna ang dalaga at saka marahang tumango.  

Kinagulat ng dalaga ang mabilis na paggalaw ng lalaki, hindi nya napansin na nasa likuran na nya ito at nakatutok sa leeg nya ang scalpel na 'di nya alam kung saan nangaling.  

" magsabi ka ng isang rason, just one valid reason for me to forgive you. Lahat kayo sa gang nyo, kayo ang sumugod kila Lucas at Veronica, at pinatay nyo sila na parang mga hayop sa gubat. " seryosong sabi nito pero ramdam na ramdam mo ang galit at inis.  

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now