CHAPTER 33

23 2 0
                                    

Scarlet's pov:
   Nung mabalitaan namin ang nangyari kay Matthew ay nag alala kaming lahat pero bongga ang lola mo si Tanya may pa sugod sugod pang nalalaman,mamshh!! Kalokaaa. Ganun ba talaga kapag inlove? Tas crinushback? Sana all. "hey" -- "ay kabayong bakla!" napasigaw ako ng slight sa gulat ng kausapin ako ni Gino. "HAHAHA, pano mo nalaman na bakla yung kabayo?" pang aasar nya na kinapikon ko, pikonin ako remember? " balita ko kasama kayo ni Xander sa nakipaglaban ahh, ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? May sugat ka ba? May tama ka? May bugbog ka?" dire-diretsong tanong ko na kinatawa nya kaya sinamaan ko sya ng tingin. " kalma ako lang to si Gino na nag iisang gwapo. Sasagutin ko yan isa-isa, kalma. " natatawang saway nya sabay bumuntong hininga at nagseryoso. " oo kasama kami, ayos lang kami, wala akong sugat, wala akong tama " sagot nya sakin. " di mo pa nasasagot kung may bugbog ka ba o wala " pagtataray ko. " hahaha! Wala din" sagot nya. Nakahinga ako ng maluwag sa sagot nya. "masyado kang nag aalala sakin eh okay lang naman ako " natatawang sabi, nasasaktan ako? Bakit? Dahil ba tingin ko di nya ako kailangan? Hayss ang hirap ma inlove. "oy okay ka lang ba? Bakit parang nag iba ang expression ng mukha mo? " natatawang puna nya na sinagot ko lang ng tawa para di ako  magmukhang ewan. " sino nga ulit yung babae na humalik sayo?" pag iiba ko ng usapan na kinagulat namin pareho.. Ano bang pumasok sa utak mo scarlet at tinanong mo pa! Bulyaw ko sa sarili ko. "a-ahh heehehe. Bakit? Si Sharlene " sagot nito sa akin na tila ba nahihiya pa. Awkward. " ahhh ang ganda naman ng pangalan niya, bagay sa kanya maganda din sya ehh. Bagay kayo " fuck self! Ano bang problema mo at bitter na bitter ang dating mo huh! Haynaku self. "ahh salamat " nakangiting sagot nito. Fuck i'm jealous. " pero wala na kami kaya haha wag na natin pag usapan " seryosong sabi nya. "still painful?" pang uusisa ko. Ilang beses kabang inii self huh bat ang tigas ng ulo mo,jusko. " I don't know, but last time I check my self's emotion. Wala na " sagot nya na tinitigan ako ng seryoso. " so may chance na tayo?" imbes na sa utak ko lang itatanong yun ay nasabi ko ng malakas,depungal ka selffff! "huh? Hahahaha" tinawanan lang ako, awts. "joke lang yun " pagsisinungaling ko. Akala ko madali lang sabihin sa isang tao na may gusto ka sa kanya, potcha sobrang hirap pala! It's very hard to confess something lalo na kung baka mag iba ang trato nya sayo. " okay sabi mo ehh "nakangiti nyang sabi. "btw, alis na ako. Magpapahinga pa ako, babye" paalam nya. "geh geh" balik ko dito. "mukha kang tanga hahahaha" biglang banat ni Xander Limins the great. " ano bang pinagsasabi mo?" pagtataray ko. "haynaku, mahal mo yung tao pero torpe ka. Pano tayo aasinso nyan?" pagbibiro nya. Nakalimutan kung maalam pala tong taong to, alam nito nararamdaman ko. " diba dapat lalaki ang nauunang magconfess ng feelings? Hindi ba dapat kayo ang unang nagpaparamdam. Bakit ako ang unang kikilos?" naguguluhan kong tanong tama ako diba. Hindi bat dapat lalaki ang unang gagawa ng paraan. " alam mo ignoranteng Scarlet, sa panahon ngayon mapa babae pwede ng manligaw sa lalaki " balita nya sakin. "gungong!" sita ko sabay batok. "aray naman!" daing nya. " alam mo wala akong makukuha na maayos na sagot sayo. Ikaw bakit di kapa nagpapahinga?" tanong ko dito. " di ako makaramdam bg pagod ehh " sabi nya na nagkibit balikat pa. " samahan moko, kakain ako ng icecream ililibre kita " aya nya na kinangiti ko. "taraaa!!" diba napaka patay gutom ko sa ice cream.

Narrator's pov:
   Masayang nagkwekwentuhan habang naglalakad ang dalawa. Psnay tawa si Scarlet sa mga biro ni Xander, habang si Xander naman ay natatawa sa tawa ni Scarlet para kasi itong siraulo dahil sa lakas nitong tumawa. " andito na tayo, anong ice cream ang gusto mo?" tanong ng binata sa dalaga na panay ang silip sa chiller ng seven eleven. "ito,tas--ito, tas ito, tas ito pa. Tsaka itooo!!!" turo nya sa ice cream na nagustuhan nya. " tara umuwi na tayo " biglang bawi ng binata. " bakit?" malungkot na tanong ni Scarlet dito. "uubusin mo pera ko ehh " reklamo ng binata na tinawanan lang ang ekspresyon ni Scarlet. " konti lang naman yun ehh " reklamo din ng dalaga. " oo na, sige sige kunin muna lahat ng gusto mo. " natatawang anas ng binata at pumunta sa beverages section. Kumuha sya ng soju at mga matatapang na alak. " okay na a--- ohh, mukhang may inuman ahh. " ngiti-ngiting sabi ng dalaga. " bawal ka uminom, masama sa babae ang umiinom. Don kuha ka ng yakult o kahit ano bawal ka sa alak ayaw ko na umiinom ka nun " seryosong sabi ng binata na kinapula ng mukha ng dalaga. "bakit naman binabawalan moko uminom nyan ?" pahina ng pahina na tanong nito. "kasi sinabi ko. Bawal ka dito, kapag nakita kitang umiinom ng alak hahalika kita " banta nya. Mahina nyang pinalo ang balikat nito at tumawa. "ikaw nasisiraan ka nanaman ng baet, haynaku " pagbibiro ni Scarlet. " lagay muna yan dito " turo nito sa  lalagyan ng pinamili nila.  Nang makapagbayad ay pumasok sila sa isang park na kaunti lang  ang tao. " bakit tayo andito ?" takang tanong ni Scarlet. " gusto kung magpahinga, ang ingay ng mundo ehh " natatawang sabi nito. Kinuha ni Xander ang alak at ininom ito ng walang humpay. "umawat ka kakainom, ayaw kung magdala ng lasing. " reklamo ni Scarlet. "di naman ako malalasing, tatamaan lang. " biro nito. "bahala ka nga " sabi ni Scarlet sabay kain ng cornetto nya at magnum. " anong gagawin mo Scarlet kapag dika mahal ng isang tao " seryosong tanong nito habang nakatingin sa bote ng soju. "syempre i-lelet go" deritsong sagot nito na busy sa pag kain ng ice cream. " napaka daling sabihin, sobrang hirap gawin. " malungkot na anas ng binata. " alam ko, pero wala kang choice. Alangang pilitin mo yung taong mahalin ka ehh di ka naman nya mahal, sinasaktan mo lang sarili mo pati na din yung taong mahal mo " dagdag ng dalaga.  Tumango-tango lang si Xander habang parang tanga na nakatitig sa bote ng alak na iniinom nya. "bakit mo natanong? Diks gusto ng taong gusto mo?" prangkang tanong nito sa binata na kinatawa lang ni Xander. "oo ehh, ang malas ko noh. Hahaha" biro nito pero halatang bitter. " wala kang magagawa Xander, bwesit kasi tong kupido nato duling, kung sino sino pinapana hindi naman pala para sa isa't- isa. Nakakabadtrip " naiiritang sabi nito. "hahaha, naniniwala ka sa kupido nayan? " natatawang tsnong nito dito. "oo naman" proud na sagot ng dalaga. " para sakin ang kupido nayan ay isang Jocose lie, pinapaniwala nilang sasaya ang tao kapag umiibig na sa totoo lang hindi naman talaga nakakasakit magmahal, hindi nakakatuwa, nakakasakit " puno ng kabitteran na sabi ng binata. " alam mo mas mapait kapa sa ampalaya, tama nayan kakainom mo di mabubura ng alak ang sakit na pinagdadaanan mo " seryosong saway ng dalaga dito. "mahal ki--mahal ko yun, kaso iba mahal nya. Saklap " dagdag pa ng binata. Naramdaman ni Scarlet ang sakit na pinagdadaanan ni Xander kaya walang sabi sabing niyakap nya ito. Nagulat ang binata sa inasta ng dalaga pero niyakap nya din ito pabalik at ninamnam ang kapayapaan na dala ng dalag sa kanyang puso. " kaya mo yan, sa bakbakan nga di ka nagpapatalo sa love oa kaya. Tandaan mo to gaya ng labanan, ang puso mo ang battle ground" tinuro ni Scarlet ang dibdib nito. " ang pagmamahal ang iyong kalaban " dinuro nito ang dibdib nya ulit. " at ang babaeng yun ang source ng sakit na nararamdaman mo. Bakit mo hahayaang saktan ka ng babaeng yun kung pwede ka namang mahalin ng ibang babae na hindi kayang gawin ng babaeng minamahal mo ? Nakakalitong tanong nito. " handa akong masaktan at sumugal, mahal ko sya ehh " sagot nito. " nakakabobo ang pag ibig, kahit gano kapa ka talino kapag tinamaan ka daig mo pa ang pinaka bobong tao sa mundo. " banat ni Scarlet. " If loving her is a torture, the let me suffer. Kung kabobohan ang tawag kapag nagmahal ka, then handa akong maging bobo. Ganun kahalaga sakin ang babaeng yun, ganun ka kahalaga sakin " sabi ni Xander na kinagulat ni Scarlet, literal na lumaki ang singkit nyang mga mata. " You're the scar that I don't want to Let go, Scarlet " pag amin ng binata, hindi nakagalaw o maski nakapagsalita si Scarlet sa gulat. Hinalikan sya ni Xander sa noo at naglakad, sinundan nya ito ng tingin at napataas kilay siya bg makitang pagiwang- giwang ito kung maglakad.

Athenadens๏_๏

SORRY PO NGAYON LANG, BABI KEEP SAFE DAHIL SA NCOV OKAY? :> DON'T FORGET TO VOTE, MWAH.

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now