CHAPTER 7

33 2 0
                                    

Tanya's pov:
Pagkatapos ng usapan kanina ay napaisip ako sa sakop ng batas na 'LOVING IS FORBIDDEN', ang bawal ay ang pagmamahal o pakikipagrelasyon  sa kapwa namin ka gang mates, pero 'di sakop ng batas ang pagmamahal sa isang normal na tao, pero ang kapalit nun ay pagkakatanggal mo sa grupo.

Ang loving is forbidden ay patakaran na ang gumawa ay 'di ko pa alam, kasi kapag nagtatanong ako 'di sila sumasagot, ang palagi nilang sagot ay FORBIDDEN, na nakakainis.

Ang batas na ito ay nagsasabing ipinagbabawal ang pagmamahalan sa lapwa mo kasamahan, dahil ang pagmamahal daw ang nagpapahina sa isang mandirigma na tulad ko.

Sabi kasi nila, may dalawang mag kasamahan daw nun sa gang ang nagkagusto sa isa't isa, pinaglaban nila ang pagmamahalan nila, umabot sa punto na pinapili ng kalaban ang lalaki, ALIN ANG ILILIGTAS MO ANG GANG MO O ANG BABAENG 'TO, pinili ng lalaki ang babae pero pinatay pa din ng kalaban ang babae kaya 'di nakarecover ang lalaki at napabayaan ang gang hangang sa nagkawatak watak.

'Yan ang rason kung bakit pinagbabawal ang pagmamahalan sa loob ng gang, dahil maapektuhan nito ang isang namumuno o ang isang mandirigma, naduduwag na sila na sumugal at lumaban sa kahit na sino dahil iniisip nila ang sasabihin ng partner nila at ang mangyayari sa minamahal nila.

Ang pagmamahal ay nagbibigay lakas sa tao, pero kapag ang pagmamahal ay napalitan ng sakit kaya nitong pumatay ng tao...

" hoy, ayos ka lang? " tanong ni Matthew, kaya nawala ako sa iniisip ko kanina.

"a-ahh oo may iniisip lang ako" sabi ko at umupo naman siya sa tabi ko.

"iniisip ko kung pano ko mababalot sa gift wrapper ang buwan" biro ko na kinabadtrip niya, sabi ko sayo Tanya manahimik kana, wala kang future sa pagjojoke.

"ha?" tanong niya.

"hakdog? " tanong ko.

"ha? hala balew" sabi nito sabay tinarayan ako. Kaya...

" HAHAHAHAHAHA!!! " humahagalpak kung tawa.

" what?" pagsusungit niya.

" kung 'di lang ikaw ang leader ko, matagal ko ng sinabi sa kasamahan natin na bakla ka HAHAHAHA.. Ano daw? Ha? Hala balew? HAHAHAHA!! " sabi ko sabay natawa din siya ng makuha ang sinasabi ko.

"okay ka lang ba?" tanong niya kaya bumalik ako sa normal na ako at tumango.

"oo naman, iniisip ko lang kung sino ang loko-lokong gumawa ng batas na, LOVING IS FORBIDDEN" sabi ko na nakatingin sa mga brown na kulay ng mata nito.

" bakit gusto mong malaman?" seryoso niyang tanong.

"nahh, basta gusto ko lang malaman pero alam ko naman na ang isasagot mo ay tulad din ng iba it's FORBID--" Hindi ako natapos sa pagsasalita ng sumapaw siya.

"ako" sabi niya na kinagulat ko. "w-what? " pag uulit ko.

"bingi ka o bingi ka talaga? " pagtataray niya ulet.

"bakla. Ano nga sabi mo. " nababanas kung tanong.

" sabi ko AKO, ako ang gumawa ng batas. At 'wag mo 'kong tawaging bakla kung ayaw mong magkabukol sa tiyan ng siyam na buwan" pananakot niya na kinabigla ko at nasapak ko siya...

Slight lang kawawa naman pagmumukha nito na gwapo.

" manyak!" bulyaw ko na kinatawa niya.

"see, babala pa lang aatras kana, pano pa kaya kapag ginawa ko na? Edi umuungol ungol kana, tsk" sabi niya kaya sinipa ko siya ang baliw tumawa lang.

"piste ka ahh!" sigaw ko.

" sa gwapo kung to ihahambing mo sa piste? Ayos lang at least 'di poste " nakasmirk niyang sabi na nakatingin sakin, taena nito ano naman kung payat ako potek! Potek! Potek!!!...

"payat man ako, masarap pa din " sabi ko sa kanya sabay smirk.

" masarap ka? Saan banda? Tikman ko nga" sabi niya Sabay tawa.

"umalis ka ditoooo!!!!! Shooo!!!!" sabi ko sabay patayo sa kanya para umalis.

" kapag pinaalis mo ako, siguraduhin mong 'di muna ako pababalikin. " sabi niya kaya natigilan ako, double meaning.

"ano kita jowa? Shooo labassss" sabi ko.

"gwapo ko no? " tanong niya.

"oo, ay kalabaw, HINDIIIII, DIKA GWAPOOOO!! " sabi ko..

" susss, crush mo ko noh? " sabi niya. "huh! Ilang libro nilunok mo para makakuha ng ganyan kakapal na mukha. " sabi ko.

" wala naman, kumain lang ako ng kanina tas naalala ko, Mahal pala kita"  sabi niya sabay tawa ng tawa na animo'y wala ng bukas.

"ano? " gulat kung tanong.

" oh? Wag kang umasa tungaw biro lang yun, kaya ka nasasaktan masyado kang palaasa" sabi niya tapos tumawa ulet.

"below the belt kana! Kabagin ka sana piste kaaaa!!! " sabi ko sabay tulak sa kanya palabas, dinig na dinig ko pa din ang tawa niya.

" Tanya pala asa, Tanya umaasa, Tanya iyak kana HAHAHAHA! " sabi niya sabay tawa ng tawa at narinig ko naman ang mga kasamahan ko na nagsitawanan din.

kung alam mo lang na ikaw ang gusto ko, tignan natin kung makapag sigaw ka nang ganyan...

^_^ athenadens

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now