CHAPTER 9

33 2 0
                                    

~K. I. N. A. B. U. K. A. S. A. N.~

Matthew's pov:

  Dahan-dahan kung binuksan ang kwarto ni Tanya at naabutan ko siyang namamaga ang mata, namumula ang mukha at nakapalibot sa kanya ang mga bote ng alak.

  Inayos ko siya ng higa at nilagyan ko na rin siya ng kumot, sabay alis sa kwarto niya at pumunta sa labas. Nakita ko si Gino na nakaupo sa bench.

"bakit di ka  pa pumapasok sa loob ?" tanong ko.

"kasi andito pa ako sa labas" pamimilosopo niya.

"okay ka lang ba? "seryoso kung tanong. 

Tumango siya sabay nagsalita. 

" bumalik na si Sharlene " balita niya na kinabigla ko.

Si Sharlene Estella ang kaisa-isang babae na sineryoso ni Gino, playboy kasi 'tong kupal.

   Naghiwalay sila kasi inakala ng parents ni Sharlene na 'di pa din natitigil sa pambababae si Gino, ang 'di nila alam nung naging sila na ni Sharlene wala ng nakalandian si Gino, pero ang mga kaibigan ni Sharlene na 'di ko alam kung kaibigan ba niya talaga, ay siniraan si Gino sa kan'ya at sinabing, nambabae ito at hindi pa din tumitigil sa pagiging casanova.

Kaya napagdesisyonan ng parents niya na ipadala siya sa America, at after 2 years bumalik na siya... 

"oh?  Anong kinakalungkot mo d'yan eh dati rati parati mong pinapanalangin na sana bumalik na siya, hindi ba dapat masaya kana?" naguguluhan kung tanong dito.

"maniwala ka bro masaya ako na bumalik na siya, sa totoo nga hinalikan niya ako kanina nung nagkita kami." kwento niya na ikinatuwa ko. 

" 'yun naman pala ehh, bakit ka naglulungkot? "tanong ko dito.

"nakita ni Scarlet na hinalikan ako ni Sharlene,  nagkaaminan kami kagabi, Mahal niya ako at Mahal ko din siya, pero nung nakita ko si Sharlene kanina 'di pa din nawawala ang pagmamahal ko sa kanya.  " kwento nito. 

"fvck" tanging nasagot ko. 

"pano si Scarlet kingina?" nababadtrip ko na ring tanong.

  " 'di ko alam bro,  nalilito nako " seryosong turan niya.

  "daig mo pa ang babaeng may dalawang manliligaw "pagbibiro ko na sinuklian niya ng sama ng tingin. 

"just shut up" inis niyang sita. 

" isipin mong mabuti ang magiging desisyon mo, kasi bukod sa sure ng may masasaktan, alam kong masasaktan ka din. " sabi ko dito. 

"kaya nga ehh, masaya ako kay Scarlet, siya ang nag alis ng lungkot ko ng mga panahong umalis si Sharlene.  Kaso, ito namang si Sharlene akala ko wala na akong nararamdaman para sa kanya, pero mali ako, Mahal ko pa rin siya. " naiiyak niyang sabi, kabaklaan HAHAHA. 

"ikaw ba, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko ano ang masasabi mo? " tanong niya.

" ang masasabi ko lang... Ayokong umabot sa sitwasyon mo" nakangiti kong sabi kaya kinutusan ako. 

"Wala akong makukuhang matinong sagot sayo ngayon,  lutang ka na naman ba? " pang iinis niya. 

"masaya lang hehe" sabi ko na may ngiti.

  "kinikilabutan ako sayo, last time kasi na sobrahan ka sa kilig pumayag kang magsuot ng palda at tube HAHAHA! " pag alala ni  Gino sa nakaraan, tama nangyari na yun isang babae na nagpakilig sakin  ng sobra na nagawa kung magsuot ng palda at tube, nakakahiya pero dahil Mahal ko siya ay ginawa ko. 

"just shut up idiot" bwelta ko kaya humagalpak ito nang tawa. 

"HAHAHA!!  aabangan ko ang susunod na kikiligin ka Matt, at sisiguraduhin kung may camera ako HAHAHA!! " sabi nito at dali daling tumakbo papasok sa bahay.

  " ulupong kaa!!! Yari ka sakinnnnn!!! " sigaw ko habang hinahabol siya, at sabay kaming natawa.  This is how crazy I am with my friend.  A real friend

ʕ•ﻌ•ʔ athenadens

FORBIDDEN LOVE (on Going) Where stories live. Discover now