CHAPTER 32

11 2 0
                                    

Matthew's pov:
Pagkatapos ng nangyari ay umalis ako sa kwarto ni Tanya na may malawak na ngiti. Mahal namin ang isa't ang problema nalang ay ang batas na ako din ang nag isip. Agad akong nagtungo sa bahay ni papa o should i say papa Deity. Habang nilalakbay ko ang daan papunta sa direksyon ng aking ama ay may napansin akong nakabuntot sa likuran ko. Hmm, trying to assassinate me huh. Mabilis pa sa alas kwatro ang pagpapatakbo ko pero nakabuntot pa din ang naka motor cycle. Isa,dalawa,tatlo,aapt,lima. Marami- rami din ahh. Mabilis kung niliko ang motor ko at huminto tsaka tinanaw ang papalapit na mga motor. Nang tumigil na sila sa tapat ko ay agad na nagsibabaan ang mga lalaki na kasinglaki ng katawan ni Dwayne Douglas Johnson o mas kilala bilang " THE ROCK" anak ng tinapa lugi ata ako. Mabilis kung kinuha ang phone ko na nakalagay sa bulsa ko at nagtext kay Gino ng signal. Dahan dahan silang maglakad sakin at nilabas ang mga baril nila. Biglang kumawala ang isang nakakalokong ngiti sa labi ng mga lalaking kaharap ko ngayon. " may huli ka bang sasabihin bago ka namin patayin Rander?" nakangising sabi ng lalaki na kalbo. " meron " sagot ko dito. " sabihin muna habang nakakahinga ka pa " sabi ng kalbo at nagsitawanan sila ng kasama nya. " kapag may binuhay ako na isa sa inyo, pakisabi sa amo nyo na kung magbabalak syang ipapatay ako pakisiguradong wag puro hangin ang dala ng papatay sakin " nakasmirk kung sabi na kinatahimik nilang lahat. " aba't siraulo kang punyeta ka ahh!" sigaw ng katabi ni kalbo na lalaking may kulay pula na buhok at kulay pulang jacket . Di naman ata sya fan ng pula noh? Agad na tumakbo sakin ang lalaki. Oo nga at malalaki sila pero di yun hadlang sa bilis nila napakabilis kumilos ng lalaking naka pulang buhok na 'to siguro pati mga kasama nya. In just a blink of an eye, sinugod na ako ng naka pula. He tried to punch my face but I'm more faster than him, inilagan ko ang suntok nya at bumwelta ng upper cut at sapol ang loko. Napaatras sya sa suntok ko pero kulang pa din para matumba sya, shinake nya lang ang ulo nya at tining nan ako ng masama. "gungong ka, yari ka sakin!" usal nya at sinugod ako. Nagpalitan kami ng suntok pero walang tumatawa hanggang sa... "potcha!" reklamo ko ng masapol nya ako ng suntok sa may tiyan. Napahiga ako sa kalsada habang hawal hawak a g tiyan ko. Pinatungan nya ako at punyemas ang bigat ng loko! Pinagsusuntok nya ako ng pinagsusuntok hanggang sa dumura na ako ng dugo. "ahhh" reklamo ko ng sikmuraan nya ako.

Narrator's pov:
Nagtatawanan lang ang limang kalalakihan habang binubugbog ng isa si Matthew. Tumayo ang binata kahit nahihilo na ito at pinilit na tumayo. Susugurin nya na sana ang limang lalaki ng malakas syang bayukan ng lalaking naka berde ang buhok. "tumayo ka jan hangal, akala ko ba malakas ka. " pang iinsulto sa kanya ng lalaking kalbo. "wag kang tanga, dehado ako sainyo. Isa laban lima, ikaw ang hangal punyeta ka. " usal ni matthew. "sige tignan natin kung ano ang kaya mo. Red, one on one kayo nito ni Rander. " utos ng kalbo sa lalaking may pulang buhok. Nang makabawi si Matthew mula sa pagkakabagsak ay agad itong pumorma, pwinisto ang kamay nyang nakakuyom sa may bandang mata at nagseryoso. "yari kayo sakin ngayon " as if on cue, agad nyang sinugod ang lalaking nagngangalang Red. Iwas dito, sapak doon pero paisa- isa sya kung tumatama. Naalala ng binata ang tungkol sa turo ng ama nyang si Deity, ang pagpuntirya sa vital points. Agad nyang ginawa iyon, nahihilo hilong tumingin sa kanya ang lalaki. Lumundag si Matthew at siniko ang likurang parte ng leeg ni Red at saka malakas na siniko na naging dahilan ng pagkawala ng malay nito. "gag* ka! Mga tol sabay sabay nating sugurin ang ungas nato!" gigil na sabi ng kalbo. Sinuntok ng kalbo ang mukha ni Matthew na naging dahilan ng pagkahilo nya, agad naman na bumwelta ang lalaking naka kulay blue na buhok na tindyakan sya sa tiyan. "wala kang panama samin Rander " nakasmirk na sabi ng lalaking naka kulay dilaw ang buhok. Inupuan si Matthew ng lalaking naka green ang buhok at pinagsusuntok. Sinipa ni Matthew ang pagkalalaki nito kaya napaatras ito,agad na tumayo si Matthew at mabilis na tumakbo papunta sa kinaroroonan ng lalaking naka green. Lumundag sya at sinipa ang pagmumukha ng lalaki kaya nasupalpal ito sa sahig at dumudugo ang bibig, hindi pa ito nakuntento at inikot ang braso ng lalaking naka green ang buhok kaya namimilipit ito sa sakit. "fvck you Randerrr!! Arghhhh! Arayyy!!" namimilipit sa sakit na sigaw nito. Dahil sa pagkabigla ay natigilan ang 3 pang lalaki at makaraan ang ilang saglit ay sinugod na din nila si Matthew. Napapalibutan nila ang binata at ang tatlo ay nakahanda ng gumulpi ng hard. Unang sumugod ang lalaking may dilaw na buhok, sasapakin na sana nya si Matthew ng masanga ito ng binata. Mula sa likuran naman ay sumulpot ang lalaking may kulay blue na buhok at binatukan si Matthew, nawala ang pagsangga nya sa kamay ng lalaking naka dilaw kaya mabilis pa sa alas kwatro ang pagtama ng isang malakas na suntok sa mukha nya. "sh*t!" asik nya ng makaramdam ng sakit. Sumunod naman ang kalbo siniko nya si Matthew hanggang sa mapaluhod ito sa kalsada, hinawakan naman ng dalawa pa ang braso ng binata kaya di ito makagalaw. "ano ka ngayon, napatumba mo nga si Red at Green pero di mo kami kaya, hahaha " sabi ng kalbo na sinang ayunan din ng tawa ng dalawa pa nyang kasama. Pinagsusuntok ni kalbo si Matthew hanggang sa mapagod ito. Putok ang labi, pumutok din ang kilay, dumudugo ang ilong at namamaga ang mukha. " yan pangit kana Rander, hahaha!" pang aasar ng lalaking naka blue. BANG! BANG! BANG! Agad na natigilan ang tatlong lalaki ng makarinig ng putok ng baril, nilingun ito ng tatlo at nanggagaling ito sa 2 motor pa. Hindi nila makita kung sino ang may ari ng motor dahil sa liwanag na nanggagaling sa head light nito. " bitawan nyo si Matthew kayong malalaking damulag kayo kung ayaw nyong sumabog ang ulo nyo dito " maangas na sabi ng isa sa mga nakasakay sa motor. "at sino ka naman para sundin namin? Malakas kalang kasi may baril ka, halikayo at labanan kami ng mano mano " nakangising sabi ng lalaking may dilaw na buhok. Hinubad ng dalawang lalaki ang helmet nila at tumambad ang nanggwagwapuhan nilang pagmumukha. Mga matatangos na ilong, mahahabang pilik mata, makakapal na kilay, mapupulang labi, mga perpektong panga at higit sa lahat ang magaganda nilang mata. Ang lalaking nag mamay ari ng asul na mata ay si Gino, at ang lalaking nag mamay ari ng kulay brown na mata ay si Xander. " sige ba, go ang gwapo kong mukha at katawan kahit anong laban " mayabang na sabi ni Xander. "ano pang ginagawa natin, halina kayo para magulpi namin kayo. Sayang kasi ang kagwapuhan ko kung di ko kayo magugulpi" dagdag pa ang kahanginan ni Gino. Dahil sa inis ay agad na nagsitakbuhan ang tatlo papunta sa direksyon nila Gino at Xander. Nagkatinginan ang dalawang nakalunok ng aircon sabay ngiti, tinaas nila ang dala nilang calibre 45. Kita ang gulat sa mukha ng tatlo at halatang iiwas pa sana at balak na tumakbo ng pinaputukan ito nila Gino at Xander. "mga ugok, akala ko ba kahit anong laban di nyo uurangan naghamon ng suntukan binaril nyo. " pagsesermon ni Matthew na kinatawa lang ng dalawa. " sayang kasi kung mabubugobog kami gaya mo, tignan mo mukha mo matthew para kang nabugbog na saging. Sayang ang gwapo naming mukha " pang aasar ni Xander na sinuklian lang ni Matthew ng bored look. "tama si Xander " dagdag ni Gino. " sino ba may pake sa kagwapuhan nyo?tulungan nyo nalang ako. Ang tatagal nyong dumating potek, muntik nakong mamatay sa mga punggok nato!" naiiritang aniya sabay sinipa ang duguan na si kalbo. "pansensya na kumain pa kami ehh " sagot ni Gino na kinalaglag ng panga nya, kanina pa sya nabubugbog tapos ang mga ulupong kumakain lang. "mga gunggong kayo!" malakas na sigaw nya at ika ikang hinabol ang dalawa. "bumalik kayo rito ng mabugbog ko kayo!" dagdag nya pa. " kaya mo yan lolo Matthew, itakbo mo ang athritis mo! Ayos ang buto- buto!ayyy!" asar ni Xander na talagang kinanta pa. " shake body body hands up, " asar ni Gino na sumasayaw sayaw pa. Sa inis nya di nya inalintana ang sakit ng paa at pinaghahabol ang mga hudyo pero dahil walang bangas ang mga siraulo mas mabilis parin itong nakatakbo kaya di nya na hinabol. " bubugbugin ko kayo mamaya pag uwi natin!" sigaw nya sa mga ito, tinignan lang sya ng dalawa at sabay na natawa. "basta ba kapag gugulpihin muna kami ay uminom ka muna ng Alaxan, laban lang alaxan!" pang aasar ulit ni Gino dito na kumanta pa. " para sayo ang laban nato " gatong ni Xander sabay hinipan ang dulo ng baril sabay nagtawanan silang dalawa. "mga abno, uminom na kayo ng gamot malala na kayo " saway ni Matthew na halatang napipikon na. "maala- ala mo kaya ang sumpa mo saakin" pagkanta ni Xander. " na ang pag ibig mo ay sadyang di magbabago " dugtong ni Gino na kinatingin ni Xander. "mali tungaw" puna ni Xander sabay binatukan si Gino na natatawa lang. "mali? Ahh binago na pala nila. Di ako nainform" natatawang sabi ni Gino na kinatawa din ng dalawa. " sa susunod mga bugok, wag muna kayong kumain unahin nyo muna ako. Kasi kapag mamatay ako mumultuhin ko kayo!" pagbabanta ni Matthew, bumalantay naman ang pamumutla sa mukha ng dalawa. "mahal ka namin Matthew kaya wag mo kaming multuhin " natatakot na sabi ni Xander. " takot ka pala sa multo Xander Limins, HAHAHAHA!" asar ni Gino na kinatawa din ni Matthew habang masama naman ang mukha ni Xander. Karma is a bitch, hahaha!

Athenadens!●_●

IT'S MY BIRTHDAYYYY!! THANK YOU SA GREETINGS FROM MY FRIENDS, FAM, AND OTHERS. HAHAHA, SA MAY BIRTHDAY DIN NGAYON HAPPY BIRTHDAY BABI!💙 SHOUT OUT KAY TRICIA STA. IGLESIA AT SHANLEY MORALES NA KABIRTHDAY KO NGAYON,MWAH!💙 INGAT PO SA LUMALALANG KASO NG NCOV, BE SAFE BABI!

FORBIDDEN LOVE (on Going) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon