Dominant 15

5.4K 180 4
                                    

“Shit!”

Agad na lumipad ng kamao ni Aziel sa mukha ni Marco ng makalabas kami. Napatumba si Marco kaya mabilis na nakarating si Aziel sa harapan nito at kinwelyuhan.

“You motherfucker! You caused lot of trouble!” malamig na sambit nito at mas diniinan pa ang pagkakasakal kay Marco.

Mabilis na nakarating ako sa gilid ni Aziel at hinawakan ang balikat niya. Mabilis na liningon niya ako at nakita ko kung paano pumula ang mata niya.

“What?!”

I looked into his eyes. “Stop it!” malamig kong utos.

“Not until I kill this son of a bitch. I could have had forgive him dahil sa pagsangla niya sa bow but seeing his mother broke down makes me want to kill him into pieces. Nagagalit ako kapag nakikita kong hindi pinapahalagahan ng mga tao ang ina nila. They shouldn't have born in the first place if that's the case.” he uttered coldly.

I wanted to smile at his words, Aziel Cree is indeed a mama's boy.

“You've done enough. Stop it.” pinalamig ko nalang ang tinig ko at sinamaan ng tingin si Marco.

Ilang segundo ang nakalipas bago niya ito pinakawalan. Mabilis na napahawak si Marco sa leeg at napaubo.

“Let's go.” malamig na aya nito at agad na hinawakan ako sa pulsuhan papaalis.

“Where are we going?” I asked him sa kabila mga matutulin niyang mga hakbang.

“Maghahanap ng masasakyan pabalik sa Blue.” kaswal na sagot niya na tila hindi nagtransform kanina. HAHA Naglakad lang kami hanggang sa napahinto kami sa mga nakaparadang sasakyan at may mga tsuper sa gilid nito.

Akmang magsasalita pa sana si Aziel ng naunahan ko na siya.

“Manong.”

Napalingon ang isa sa direksiyon ko. “Ano iyon iha? Naghahanap kayo ng masasakyan?” tanong niya at ngumiti ng maliit.

Tumango ako. “Opo. Pwede niyo ba kaming ihatid sa Blue Academy.”

Nanlaki ang mga mata nito. “Taga doon kayo?”

Agad na umiling ako. “Hindi po. Nakatira po kami malapit sa Blue.” saad ko.

Napatango ito. “Sige iha. Pero malayo-layo ang Blue. Mahigit tatlong oras. Kung lalakarin niya nasa mga walong oras.” sambit nito.

“At medyo may kamahalan din ang pamasahe iha.” dagdag niya at sinulyapan ang magiging reaksiyon namin sa sinabi niyang mahal ang magiging pamasahe doon. Mahal naman talaga ang mga pamasahe.

“Okay lang po.” sagot ko.

“Oh siya, sige na. Sakay na at tayo’y aalis na.”

Agad na sumakay kami kaya hanggang sa biyahe ay tahimik lang kami ng biglang nagsalita si Manong.

“Mag-asawa ba kayo?”

Halos mabilaukan ako sa sariling laway sa tanong niya.

“Magkaaway po.” nakangiwing sagot ko. Heck, never in my life inimagine kong maging asawa si Aziel no.

“Talaga? Aba naman.” naaliw na sambit at humalakhak pa talaga sa huli.

Napailing nalang ako hanggang sa nakaramdam ako ng mabigat sa balikat ko. Napatingin ako rito. Aziel's head.

Agad akong umayos ng upo at agad na sinandal ang ulo niya ng maayos sa balikat ko.

“Mukha talaga kayong mag-asawa iha.” untag na naman ni Manong. Sige manong, push mo lang ‘yan. Lalabas din yan, lilipas din yan.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now