Dominant 20

5.5K 212 16
                                    

STORMIE VOX

“Dalian niyo naman malapit ng mag nine.” pagmamadali ko sakanila kasi kanina pa talaga ako naghihintay dito eh ambabagal nilang kumilos.

Agad na hinampas ako ni Fern. “Tumahimik ka. Si Aziel kaya hinihintay natin.” nanlalaki ang matang sagot niya saakin.

Nanlaki ang mga mata ko. “Andito na siya?” gulat kong tanong.

Tumango siya. “Oo, nakabalik na siya kagabi.” sagot niya. Napatikhim tuloy ako.

Nang makalabas na siya ay agad na naglakad kami papunta sa gate. Pagdating namin doon ay ang pagdating din nila Kath.

Tiningnan ko si Kath at halos kuminang ang mata ko sa pagkamangha. Kasi wala lang. Nagagandahan lang talaga ako sakanya.

“Tara na.” aya ko at saka kami sumakay sa iisa lang na coach para ipunta sa Aerous City. Ang pinakamalaking siyudad sa buong Encantasia.

Nang makarating kami ay halos mangining ang mga mata ko sa dami ng tinda.

Pagbaba namin ay nagsinghapan ang mga tao na makita kami kaya napailing nalang ako. Napatingin ako sa kapatid ko. Nakangiti siya.

I let out a sigh. Okay lang kaya siya?

“What's with that sigh?” Black suddenly asked me as his arms wrapped around my waist.

Tiningala ko siya. “Nag-aalala lang ako sa kapatid ko.” matapat kong sagot sakanya.

He tapped my shoulder saka ako inakbayan. “She will be fine, trust me.” pagpapagaan niya sa loob ko kaya tumango nalang ako.

Kumunot ang noo ko ng nakitang magkatabi sila ni Flynn. Tiningnan ko si Kath na wala man lang siyang reaksiyon. Magkatabi rin sina Blaze at Violet. Nagkakamabutihan na ba ang mag love teams?

“Nakakaawa naman si Kath. Mag-isa lang siya.” nakanguso kong saad.

Hinigpitan ni Black ang pagkakaakbay sakin. “She's not alone. Meron pa oh.” sagot niya at itinuro si Aziel na nasa unahan.

Napahagikhik ako. “Bagay sila babe?” tanong ko sakanya ng nakangiti.

May munting ngiti sa labi niya na tumango. “Bagay na bagay.”


KATHERINE DENVER

I let out a heavy sigh. Are you asking where on Encantasia is Flynn and Blaze now? Ayon, nasa kanya-kanya nilang babae. Honestly, alam ko namang may gusto ang dalawang iyon sa mga babae nila eh. Kaso lang masyadong torpe. Imbis na sakanila ipalabas ang mga kasweetan sa’kin nila pinaparamdam. Ayan tuloy nadagdagan ang mga may galit sakin.

Pero okay lang naman na magkalove life na ang dalawa. Kasi mananatili ko pa rin naman silang pamilya. Ayaw ko naman kasi silang ipagkait no. Hindi ko naman sila pipigilan na may magustuhang babae. Basta ang lagi lang nilang tatandaan na andito ako lagi para sakanila.

I let out a sigh again. “Stop it.” biglang saad ng isang tinig.

Nilingon ko ito. Yung taong kinaiinisan ko pala. Psh. “Stop what?” salubong kilay kong tanong. Ang layo-layo ng distansya namin pero naririnig pa niya ha.

“Stop sighing. It annoys me.” salubong ang kilay nitong sagot sa’kin.

Mas lalo akong nainis, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin basta ang alam ko naiinis ako ngayon.

“Pati ba naman pagbuntong hininga pinagkait mo pa. Kung kinaiinisan mo 'to. Well, ikinabubuhay ko 'to.” naiinis na saad ko sakaniya at agad na naglakad sa likuran ni Black at Stormie na naglalampungan.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now