Dominant 26

5.6K 214 24
                                    

Nang magising ako ay ala una na kaya agad na lumabas ako ng kwarto at hinanap ang kusina ni anino ni Aziel ay hindi ko makita.

Nang sa wakas ay makarating ako sa opisina ay nakita ko siyang nakatalikod habang nakaharap sa stove.

“What are you doing?” napatalon ito sa gulat at agad na nilingon ako. Mukhang sobrang seryoso siya dahil hindi man lang niya napansin ang presensiya ko

He kissed my cheek at kinamot ang pisngi niya. “I grilled some meat and I tried to cook rice. You're a rice person so I did some research on how to cook rice without burning it. So here I am waiting for it to cook so it doesn't burn.”

Hindi ko mapigilang hindi mapatawa ng malakas sa sinabi niya na maiyak na ako sa kakatawa. “Omg. You're funny Aziel.” natatawang saad ko.

His face darkened. “You find me funny as I did my best to serve you a good food for luch.” aniya at tinalikuran ako para humarap ulit sa stove.

Napailing ako atsaka ko siya yinakap sa likuran na ikinabigla niya. Miski rin ako. I suddenly kissed his nape as I whispered. “I'm sorry. I appreciate all your efforts. Thank you. I am laughing because I can't believe that you're doing all of this for me.” pagpapaliwanag ko sakaniya atsaka na ako kumalas.

I heard him cursed atsaka ako hinarap. “Sanayin mo na ang sarili mo dahil pinapangako ko, lulutuan kita araw-araw.” He said.

Napangiti ako at hinalikan siya sa pisngi na ikinangiti niya. “So what's our beverage for today Chef? I'll make some.” I asked him.

He smirked. “I already made a lemon juice to fasten your metabolism.” he answered.

My heart fluttered ng narinig ko ang mga pinagsasabi niya.

Hindi na ako kumibo parang may nagwawala na kung ano sa loob ko at hinayaan nalang siyang malayang gumalaw sa kusina dahil nag-eenjoy naman akong tingnan siya.

He serve our food as we ate happily. Hindi ko akalaing magiging magaan ang pakiramdam ko ngayon habang kasama ko siyang kumakain.

Pagkatapos naming kumain ay inilibot niya ako sa isla pagkatapos ay nagmovie marathon kami hanggang maghapon at nagluluto na naman siya para sa hapunan namin.

At ngayon ay nakahiga na ako sa kama at siya naman ay nagpasya siyang maligo na. Kanina pa kasi ako naligo ng nagluto siya.

Tinutuyo ang buhok na pumasok siya sa kwarto. May pang-ibaba at pang-itaas na siyang suot.

Sinuklay niya ang buhok kapagkuwan at agad na dumeritso ng higa dito sa tabi ko

Agad na napalayo ako sakanya ng bigla ako nitong hinarap at hinablot para masiksik sakanya. Napasinghot tuloy ako sa katatapos ligo niyang bango.

“Hon?” he called. Sinita ko naman siya sa paraan ng pagtawag sakin niyan. Kasi nagrason na naman siya na tatawagin niya lang daw ako ng ganyan kapag kami lang dalawa kaya wala narin akong nagawa. Aside from nakakataba siya ng puso ay he's so persistent too.

“Hmm..”

“Kailan mo nakilala sila Blaze at Flynn?” he suddenly asked. Natigilan ako

“I was four back then at ‘yung dalawang yun na ang nakalaro ko. Hanggang sa hindi na ako naghanap pa ng ibang kalaro kasi andiyan naman sila na makipaglaro sa’kin.” Hindi ko alam kung bakit ko kinuwento sakanyanang childhood memories ko.

“Linalaro niyo barbie?” he asked. Nahampas ko siya sa dibdib dahil d'on pero hindi naman niya pinansin.

“Hindi no, mga sasakyan ang linalaro namin dati nina Blaze. Kapag naglalaro kami laging nagtatampo si Flynn dahil pinagkakaisahan namin siya ni Blaze. We always crashed his car together.” napatawa ako sa huli ng maalala ko ang mga kalokohan ko noong mga bata pa kami.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now