Dominant 43

4.9K 177 14
                                    


Aziel Cree Forrester

***

“ Is everything ready? ” I asked Flynn.

He nod his head in response. I shook my head.

“ Where's Katherine?” I asked him.

“ In her room. ”

I look at Summer. “ Go and get her. ”

My hands went cold as I feel myself almost sweating. I let out a loud sighed as I tighten my grip.



Katherine Denver 

***


Tulala lang ako habang nakatingin sa palabas na wala naman akong maintindihan. Nanonood ako ng isang drama na kung saan hindi ko maintindihan ang pinagsasabi nila. Problemado sila at problemado rin ako. Ayaw ko ng malaman pa ang problema nila.

Biglang may malakas na kumatok kaya walang ganang binuksan ko ito. Mas nawalan lalo ako ng buhay ng malamang si Summer ang kumatok.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa “ Omg! You're so disgusting Kath. Go and take a bath. ” maarte niyang saad.

“ Ano bang kailangan mo? May ginagawa ako eh.” bagot kung saad.

Namaywang siya. “ Kapag ako nainis, kakaladkarin kita ng ganyan kaya maligo ka na. ”

Wala na kong nagawa at naligo nalang. Lumabas akong nakatapis ng isang maliit na tuwalya at hindi na ako nagulat ng madatnan ko si Summer sa loob ng kwarto ko.

May inilagay siyang damit sa ibabaw ng kama. “ Iyan ang suotin mo. Tapos paresan mo nitong heels. ” aniya.

Tinitigan ko siya ng seryoso “ Nagbibiro ka? Isang fitted dress ipapasuot mo sakin? ”

Tumango siya. “ Yes. Magbihis kana. Gagawin ko pa Hair and Make up mo. ”

Sinuot ko ang damit at nakatitig sa harap ng salamin. Mukha na talaga akong zombie. Ganito pala kapag hiniwalayan no? Wait, hindi pa ako nakikipaghiwalay sakanya.

“ Are you done? ”

“ Yes. ” sagot ko at agad na umupo sa vanity ko.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nakapikit dahil nagising nalang ako ng marinig ko ang malakas na tili ng kababaihan.

I looked coldly at them. Mukhang padami sila nang padami.

“ Diyosa! ”

“ Of course she is. ”

Tumayo na ako at doon ko lang napagtanto na kinulot pala nila sa dulo ang straight kung buhok.

Tiningnan ko sila. They're also dressing like mine, pero normal naman ata sakanila ‘yan pero para sakin itong suot ko parang nagbebenta ako ng laman loob.

Fern hold my hands saka niya na ako iginayak palabas.

“ Where are we going? ” I coldly asked. I glanced at Summer na busy sa pakikipag-usap. Napahinto siya ng malaman na binibigyan ko na siya ng
malalamig na titig.

“ May concert sa gym. ”

My forehead creased. “ Really? ” naiirita kong tanong. Wala akong pake miski may pamigay pa ng kayamanan diyan sa gym.

Nang makapasok kami sa gym, sobrang tahimik ni wala man lang ni isang tao. I looked at them kumunot ang noo ko ng mapansing wala na ang nga kasama ko.

“ What the hell! If ever I'll find all of you I'm gonna rip your heads off! ” galit kong saad at nagmartsa sana palabas pero biglang sumara ang pintuan ng napakalakas kaya napatalon ako sa gulat.

Sinubukan kung buksan pero nakalock na. Mas lalo akong nainis at nilibot nalang ang tingin sa gym. Nanlaki ang mga mata ko ng makitang may mga petals sa sahig. Mukhang may magdedate rito.

Inis kung tinapak-tapak ang petals. Hindi na matutuloy date niyo. Bwesit kayo.

“ I did not know na pati sa mga petals galit ka. ” nanigas ako ng marinig ko ang boses na iyon. Hindi ko siya hinarap kahit ramdam ko ang presensiya niya sa likod ko

“ Bakit? May angal ka? ” naiinis kong tanong at hinarap na siya at muntik na akong napatulala ng makita ko ang pormahan niya. Ang gwapo niya.

He chuckled na mas lalong ikinasama ng pakiramdam ko “ Huwag kang tumawa na para bang wala kang naging kasalanan sakin. Para sabihin ko sayo, kahit ako ang mate mo. Makikipaghiwalay na ako sayo. May bagong pamilya kang bubuohin sana naman pakawalan mo na rin ako. ”

Nawala ang ngisi niya dahil sa narinig. Umigting ang panga niya as he shook his head. “ Not gonna fucking happen. ”

“ It will happen! ” instead of saying any word he just cupped my face and kissed me torridly.

Dahil marupok ako pagdating sakanya, ikinawit ko ang mga braso sa batok niya at sinuklian siya sa nga halik na binibigay niya.

Mas lalo akong naganahan ng marinig ko siyang umungol. We ended the kiss ng kapwa ng kami naghahabol ng hininga. But still, nakahawak parin ang mga kamay niya sa mukha ko.

“ Kath, you knew you're the only woman I love and I'll be loving forever.. ” I snorted.

“ Kaya pala nakabuntis ka! ”

“ Listen to me first, Ikaw lang ang babaeng kinaiinisan ko pero hindi ko na nalalaman na mamahalin ko habang buhay. ” my eyes became teary upon hearing his sugarcoating words.

“ Ikaw lang ang may karapating sigaw-sigawan ako. Hampasan ako. Hiwalayan ako na alam kong hindi magagawa ng ibang kababaihan sakin. You are my light. But also my darkness. Ikamamatay ko na ata kapag hindi mo pa ako sagutin sa tanong ko sa huling pagkakataon. ”

Kumunot ang noo ko. Pero agad na nawala iyon at napalitan ng singhap ng lumuhod siya sa harapan ko. “ What the.. ”

“ Maria Katherine Denver. Wala akong pake kung hindi nag-eexist ang pangalan mo sa mundong ito. Kahit saktan mo ako ng paulit-ulit pagkatapos nito dahil sa sakit na ipinaranas ko sayo noong nakaraang araw. Wala akong pake dahil alam kong pwede namang kitang angkinin ng paulit-ulit pagkatapos. So, Maria Katherine Dever, will you be my queen and love me ‘til my last breath? ”

Napatingin ako sa singsing, kumikinang ito at nahahaluan ng pula. Tumango ako at napakagat ng pang-ibabang labi. “ Yes. ”

Without a word, bigla siyang tumayo at nilukmos ako ng halik. I was about to kissed him back when I heard my father's loud voice.

“ Walang mag-aadvance honeymoon hanggat hindi pa kasal maliwanag? ”

Both of us chuckled dahil sa kaseryosohan ng ama ko. “ Huwag kayong maniwala diyan sa papa mo Kath. Tumatanda na siya kaya gawa na kayo ng apo niya. ” sigaw ni Tito Zeus.

Napailing ako. I looked at Aziel. “ Sino ‘yung babaeng binuntis mo ha? ”

He shook his head. “ It was actually Athena. ”

“ Athena who? ”

“ Athena, goddess of wisdom. ” I gasped as I pinched him.

“ Godness Aziel Cree. ” natatawang umilag siya sa mga kurot ko.

“ What? Inaya kitang magpakasal na tayo doon sa palasyo hindi ka sumagot so I came up with that idea. ”

Sumama ang tingin ko sakanya. “ Tch. ”

Yinakap niya ako at siniksik ang mukha sa leeg ko. “ I'm sorry. ”

I just nod my head at nilibot ang tingin ko sa paligid. “ Wala kang kaeffort-effort magpropose Ziel.”

He chuckled at kumalas ng yakap. “ That's what you think. ”

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now