Dominant 16

5.5K 194 2
                                    

KATHERINE DENVER

Hindi ko matanto kung ilang oras akong natulog. Basta ang alam ko na bumangon lang ako para ipagluto ang tiyan kong nagugutom.

Nakapagbihis na ako ng pambahay, hindi inalintana kong ano na ang hitsura ko. Noong mga nakaraang araw pa ako nakaligo at talagang tinatamad ako.

Ganito ako ka tamad, miski pagligo ay hindi ko magawa. Hanggang hindi pa ako nangangamoy patay sa itsura kong ‘to, wala pa naman siguro akong rason para maligo.

May kumatok sa pintuan ng dorm ko pero hindi ko iyon pinansin hanggang sa sumuko nalang kung sino man iyon.

“You don’t have a plan to open the door for me don't you?” napabaling ako sa nagsalita. It's Blaze.

“Yeah.” bagot kong sagot sakanya kasi kung tutuusin kong siya lang naman ang pupunta rito bakit pa ba magpapabukas pa siya ng pintuan. I set those useless thoughts aside at ibinalik ang tingin sa TV.

“Saan ka ba nagsususuot baby? At hindi ka pa talaga naligo ha.”

Sinamaan ko siya ng tingin. “Hindi pa naman ako ngangamoy so why bother? And baby? Really Blaze, really?” naiinis na tanong untag ko sakanya.

“Yes. Baby. B-a-b-y.” then a smirk appeared on his annoying lips.

Lumaki ang butas ng ilong ko at itinaas ko ang kamao ko sakanya. Napailing nalang siya. “Then should I call you little demon again?” He asked.

Binaba ko ang nakataas kong kamao. “Better.”

He tsked at agad na nagpaalam, kinumusta lang talaga niya ako at nagtanong-tanong sa maliit na bagay.

.
.
.


Dalawang araw na ang lumipas at balik na kami sa klase kaya heto ako ngayon nag-iisang naglalakad patungo sa room namin. Agad na dumeritso ako ng upo sa upuan ko. Kagaya sa dating gawi.

Ilang minuto palang ang lumipas ay nagsidatingan na rin ang mga kaklase namin. Then parang modelo na naglakad si Malandi Pa Moore patungo sa upuan niya.

Napatakip ako sa ilong ng malanghap ko ang sobrang tapang na pabango nito. Damn! Okay namang magpabango ng matapang eh. Huwag lang sobrahan kasi nakakasakit sa ulo.

Inirapan ako nito ng nakita akong nakaupo na siya likod niyang upuan at agad na nagpacute ng bumaling kay Aziel ang tingin niya.

Inirapan ko siya. Pumasok na ang first teacher namin at nagdiscuss na ng biglang may paannouce si Headmaster.

“Attention! All students in Blue Academy, kindly proceed to the gymnasium right now.”

Again, All students in Blue
Academy, kindly proceed to the gymnasium right now.”

Maraming naghiyawan sa announcement na iyon. Kaya agad na pinalabas kami ng Prof namin at agad na inescortan patungong gymnasium.

“Walang lilipat ng upuan! Kung anong arrangement ang makikita ko sa room ninyo ganoong arrangement parin ang makikita ko ngayon!” mataray na saad nito sa mga kaklase kong magtatangkang magtatabihan.

Lukot ang mukhang bumalik sila sa kanilang seating arrangement.

Tahimik lang naman si Aziel sa tabi ko. Nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko kaklase ang ibang warriors? Kapag tumuntong ka na kasi ng last school year ay wala ng ranking ranking. Kaya kahit ano pang estado ng pamumuhay at kasing lakas ng kapangyarihan mo ay hindi ka mapupunta sa matataas na seksiyon.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now