Dominant 48

4.2K 170 1
                                    


Katherine Denver

***

“ Brooks gago ka! Halika rito! ” napatawa ako ng mahina ng makitang inis na inis si Tyler ng itulak siya ni Flynn sa ilog. Nag-iinarte kasi siya at ayaw maligo.

At dahil may sayad naman si Flynn talagang tinulak niya. Kung killjoy si Tyler. Syempre may hari parin ng killjoy at siya ang taong kasalukuyang nakayakap ngayon saakin mula sa likuran.

“ Fuck! I'm wet. ” bulalas ni Tyler.

Malakas na nagtawanan ang mga kalalakihan mula sa narinig and not include Aziel na busy sa pag-aamoy ng leeg ko. Nakikiliti tuloy.

“ Look, He's wet. ” bakas na pang-aasar na saad ni Black habang nakaturo kay Tyler. Habang ang mga babae naman ay tawang-tawa sakanila.

“ Pussycat. ” Aziel murmured.

Nang dumako ang tingin ni Blaze at Flynn sakin. Tinaasan ko sila ng kilay at agad na sinenyasan na isali ang taong nasa likuran ko.

Nakuha naman nila kaagad kaya agad ko muna silang pinigilan at mag bibigay ako ng go signal.

Napangisi ako sa binabalak. Lumingon ako para magtama ang labi namin ni Aziel. Pero bago paman niya ako mahalikan ay agad akong tumayo.

Kagaya ng inaasahan ko. Tumayo rin siya para pantayan ako. Mabilis ko siyang yinakap at kagaya ulit ng inaasahan ko yinakap niya ako ng mahigpit at isiniksik ang mukha sa may leegan ko.

Pagkakataon ko naman para senyasan sina Flynn at Blaze na get ready.

Humiwalay ako ng yakap at binigyan ng distansya ang pagitan namin. Knowing my husband, he hates distance.

I cupped his face at pinilit kung huwag ipakita ang ngisi ko ng makitang naglalakad na sina Blaze sa likuran niya.

Hinaplos-haplos ko ang mukha niya para madistract siya at hindi niya maramdaman ang nakapaligid sakanya.

I tiptoed saka ko siya hinalikan pero bago pa siya makasagot sa halik ay agad ko ng inilayo ang mukha ko. “ I'm sorry. ” bulong ko.

Kita ko ang pagkunot ng noo niya at kasabay noon ay ang pagdampot sakanya ng dalawa at agad siyang inihagis sa ilog na alam kung ikinabigla ng lahat maliban saming tatlo.

“ Fucking fuck! You'll pay for this! ”

“ Hahahaha! ”

“ Shit. Hahaha! ”

Tawa kami ng tawang tatlo ng makita ang reaksiyon ni Aziel. Ang iba naman ay parang hindi makapaniwala at tila takot na tumawa.

“ Sorry Ziel. It's your Queen’s order. ” natatawa paring sambit ni Flynn habang ako ay naiiyak na sa pagtawa.

Hanggang sa namalayan ko nalang na ako nalang pala mag-isa na tumatawa na parang baliw. Napahinto ako at napadako ng tingin sa gawi ni Aziel pero laking gulat ko ng maramdaman ang paglubog ko sa tubig.

Mabilis na nakaahon ako at sinamaan sila ng tingin na tawang tawa.

“ Hahaha! ”

Hanggang sa maramdaman ko ulit ang braso ni Ziel sa baywang ko at kami na namang dalawa ang lumubog sa tubig.

Akmang aahon ako ng bigla akong hinila ni Ziel at lumapat sakin ang labi niya. Mabilis na napakapit ako sakanya at agad na tumugon sa halik niya hanggang sa makaahon ulit kami. He caressed my cheek.

“ Kaya pala nagsorry ka. Like I thought, you're planning something wicked. ” nakangising aniya.

Napanguso ako. “ Di ka naman galit diba? ” at nagpapacute pa ako sa harapan niya. Natawa siyang umiling at agad na hinalikan ang tungki ng ilong ko.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now