Dominant 42

4.6K 160 2
                                    


Masama kong tiningnan si Aziel na kasalukuyang nag-aayos sa harap ng salamin. Mukhang naramdaman niya ata ang mga matutulis na titig ko kaya napahinto siya at binalingan ako.

" Why are you keep glaring at me? " he asked.

Mas lalong sumama ang mukha ko. " At talagang nagtatanong ka pa! " inis kong sagot.

Napatawa siya ng mahina. " I don't have any idea. Care to tell me? "

Inis na napatayo ako at nagpapadyak. " Argh! Kasalanan mo talaga 'to. Pakiramdam ko naghihinala na si daddy satin. "

Kumunot na ang noo niya at nawala ang kaninang mapaglarong ngisi niya. " And? Wala namang masama since I am your fiance. "

Tumulis ang nguso ko. " Fiance? "

Tumango siya. " Yes. Handa naman kitang pakasalan sa kahit anong simbahan kahit ngayon pa mismo ikaw lang talaga ang ayaw akong pakasalan kahit anong gawin ko. "

Bigla akong natameme at hindi na ako nag aksaya pang magsalita. Mukhang napansin niya ata 'to dahil naglakad siya papunta sa direksiyon ko at hinalikan ako sa noo.

" Off topic. " he muttered.

I just nodded.

Week passed, maybe it's just me or we all notice Aziel's weird movement lately.

Since the day he said off topic ay pakiramdam ko nagbago ang trato niya sakin. Kagaya ngayon, hinahatid niya ako pauwi pero wala parin siyang imik at tila tulala pa.

" Hon.. " mahinang tawag ko sakanya pero tulala parin siya.

Napabuntong-hininga ako. " Hon.. " tinapik ko ang pisngi niya kaya napatingin siya sakin at napakurap-kurap.

" What is it? " he asked coldly.

Biglang may kumirot sa dibdib ko dahil sa narinig. Why so cold?

Bigla akong nawalan ng gana ng marinig ko ang tono ng boses niya. " Nothing. Mauna na ako. " agad ko siyang iniwan sa pag-aakalang susundan niya ako.

Hinintay ko siya sa dorm ko. Hours passed there is no presence of Aziel Cree showed.

Bigla akong napaluha. Ano bang nangyari? May nagawa ba akong mali? Bakit nagbago na?

Tinitigan ko lang ang pagkain kong hinanda para saamin sana. Sinulyapan ko ito bago naglakad patungo sa kwarto ko at agad na humiga sa kama na umaagos ang mga luha.

The next morning, I woke up very late. May klase pa ako kaya nagpasyahan kong papasok lang ako sa ika apat na subject ko ngayong araw.

I expected na si Aziel ang bubungaran ko ngayon sa kusina. Pero ni anino niya wala. Napailing nalang ako.

Naligo ako at nagbihis ni hindi na nga ako nag-abala pang suklayin ang buhok ko dahil sa kawalan ko ng gana.

Papatungo palang ako sa room namin ng makarinig na ako ng bulong-bulungan dahilan para napakuyom ako ng kamao ko.

" Kawawa naman siya. "

" Yes. Pero kahit gaano ka kalakas at kaganda kapag tapos na ang lalaki sayo wala ka na talagang magagawa. "

" True. Pero maganda naman ang ipinalit ni Aziel sakanya. "

" Mas maganda siya pero kung sa pagandahan lang, walang makakatalo sa reyna. "

Napapikit ako ng mariin sa narinig. Akmang papasok sana ako ng classroom ng napahinto ako sa narinig.

" I'm pregnant Aziel. "

Parang nabingi ako sa narinig. What the fuck.

" I was so happy. We were expecting this to happen. Sino ba naman ang hindi mabubuntis kong araw-araw at gabi-gabihin mo ako. "

Binuntunan pa nito ng tawa sa huli. I shut my eyes. Parang gusto ko ng mamatay dahil sa sakit na nararamdaman ko.

" I'm glad. "

It was all Aziel's response.

" Oh come on babe. Kailan ka ba makikipaghiwalay kay Katherine?"

" Anytime soon. "

I gritted my teeth saka ako umalis sa kinatatayuan. Agad akong bumalik sa dorm ko at agad na nagwala.

" Argh! "

Bigla akong nanghina dahil sa labis na galit na naramdaman.

Suddenly, Aziel Cree appeared in my room. I wiped my tears and without a word I slapped him hard.

But his face remains void. I pushed him away from me. " Kulang pa ba ako ha? Kulang pa ako? Sabihin mo? "

Biglang nagsiagusan ang mga luha ko na hindi ko na talaga napigilan at napahagulgul pa. Napaupo ako sa sahig at nanatili lang siyang nakatayo sa harapan ko.

Sinulyapan ko siya. " Grabe ka. Binuntis mo pa talaga. Gago ka! Putangina ka! Minahal naman kita na higit pa sa sarili ko. Walang-wala na ako Ziel. Walang wala na ako. Pati ba naman ikaw na ikaw nalang meron ako mawawala rin? "

Bigla akong hindi makahinga at nakita kong may kumislap sa mga mata niya.

Akmang hahawak siya sakin ng naghahabol ang hiningang lumayo ako sakanya. " Don't come near me. Please. Maawa ka sakin. Kaawaan mo naman ako. "

Napapikit ako ng mariin at pilit na kinakalma ang sarili.

" Please leave. "

Umiling siya kaya I looked at him with cold eyes kahit sobrang sakit na. Mas napahagulgol ako ng iyak ng bigla siyang nawala nalang sa harapan ko na parang ganon ganon lang.

Kinabukasan ay late na naman ako. Pero ang pinagkaiba nga lang sa kahapon ay may sugat ako sa kamao ngayon. I did not even bother to cover it. What's the use? Hindi naman matatakapan ng band aid ang sakit.

Tahimik ang room ng makapasok ako, kumunot ang noo ko ng mapansing andito ang lahat ng warriors. Napatayo si Blaze at agad na sinapo ang mukha ko saka ko naramdamang hinawakan niya ang kamay ko.

Hindi ako nagsalita at tinitigan ko lang siya. He let out a sigh as he kissed my forehead. I closed my eyes because suddenly I wanted to break down.

I look at Blaze with pleading eyes. " I'm tired. "

He nodded. " I know. Just rest Kath. "

" I'm tired of everything I have. Lahat sila iniiwanan ako. "

" Hindi kami kasali. " Flynn butted in.

I smile sadly as I glanced at their girlfriends. " I'll wait for it then cause I know it will come. " mahinang saad ko at naglakad ako palabas ng room.

" Kath! "

" Katherine! "


Aziel Cree Forrester

***

Isang malakas na suntok ang sumalubong sakin pagkabukas ko ng pinto.

" Omygosh! Babe! "

" She's hurting a lot Aziel! How come na nakaya mong makita siyang ganyan? " galit na sigaw ni Brooks sakin habang pilit na pinipigilan siya ni Summer.

" Wala na akong pakialam kong hindi matuloy ang plano mo! I'm done with you. Tinulungan ka namin dahil alam naming pagkatapos ng lahat magiging masaya kayo, pero pilit mong pinaparamdam sakanya na walang wala na siya! "

I closed my eyes. " Just this one. Help me. After that, I'm not gonna bother you anymore. All of you. "

Hindi siya sumagot at agad nalang na padabog na lumabas.

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now