Dominant 21

5.4K 199 5
                                    

KATHERINE DENVER

It's 5 am at naglalakad ako sa gymnasium dahil hindi ko alam kung ano na naman ang pakulo ni Headmaster dahil sobrang aga niya kaming tinawag. Sorbang aga ay umuuga ang buong kwarto ko. Alam ko naman na siya ang may gawa ng lindol na iyon para magising kami. Tch.

Pagkarating ko roon ay marami ng taong naghihiyawan. Hindi ko naman naririnig ang pangalan ko sa tabi-tabi kaya I assume na hindi sila nanood ng balita kahapon dahil sa kapaguran sa training.

Agad na umupo ako sa upuan ko at ang ikinagulat ko dahil andito ang girl warriors. Walang Aziel na katabi dahil itong mga madadaldal na babae ang nandirito.

Agad na nanlaki ang mata ni Violet ng mapansin ako.  “She's here.” she announced and with that ay napunta ang tingin nila sakin.

Nang makaupo ako ay sakto lang na pinuno nila ako mga katanungan.

“Omg! I can't believe the two of you kissed again!” Violet screamed lowly.

“I can't believe it. Mabuti nalang at nanood tayo ng TV kahapon.” segunda ni Fernalyn.

“Kaya pala ang tahimik nila mula nang dumating na sila sa restaurant kahapon kasi may nangyaring tukaan na pala.” saad ni Stormie.

Tukaan? Bigla akong namula sa sinabi niya kaya yumuko ako.

“Girls, go back now.” rinig kong anas ng isang boses. Maybe our Prof. Agad na umalis sila sa gilid ko at agad na bumalik sa section nila. Hayst. Buti naman kasi ang ingay nila.

Napatingin ako sa gilid kong upuan. Aziel's not here. Mabuti naman.

“Good morning Enchanters! How's your morning?” he asked cheerfully.

Maraming sumagot ng okay kay headmaster habang ang iba naman ay sumigaw pa na pagod na pagod pa daw sila.

But headmaster only laugh. “Well, lahat naman siguro ng paghihirap niyo ay worth it kapag meron ng tatanghaling kampiyon.” he answered.

Everyone agreed. Except me rather.

“Everyone, please come to the school's Enchanted Forest. Professors please accompany your students.”

Bigla kaming pinalinya ng Prof namin habang papatungo sa Enchanted Forest. I've never been into Enchanted Forest and I wonder how it looks like.

“Enchanted Forest was the scariest forest I have ever known.”

I heard one of my classmate whispered. Napailing ako. Nang makarating kami sa Enchanted Forest ay halos mapaatras ang mga estudyante dahil sa sobrang creepy ng gubat.

So this is what they called Enchanted Forest? So creepy. Isn’t this one called Enchanted? But it looks like haunted.

Biglang dumating si Headmaster. “Listen everyone. Here are the mechanics. Listen carefully students. Rule no. 1 Killing other enchanters is allowed.”

Lahat nagsinghapan sa sinabi ni headmaster.

“This is crazy!”

Tumikhim si Hm. “Hindi naman sa puntong papatayin talaga kayo. The forest is under a spell. Kapag papatayin ka ng kapwa mo enchanter that automatically means that you're out of this tournament.” he explained na ikinahinga namin ng maluwag.

“Rule no. 2 powers and hidden skills are allowed to use.”

“And whoever reaches the end. Goodluck. May the luck be with you.” huling saad niya bago nawala.

“Get ready students. In 3..2..1.” biglang may nagsaboy ng abo samin kaya napapikit ako. Shit. Abo talaga?

Agad na napadilat ako. Andito na ako sa loob ng gubat.

Blue Academy: The Dominant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon