Dominant 18

5.2K 193 9
                                    

KATHERINE DENVER

Since Aziel and I have a bet. Nagawa ko na talagang magtraining ng buong puso dahil determinado talaga akong mawala siya sa buhay ko.

Kaya heto ngayon halos hindi na umaalis sa training room, dalawang araw nalang at magsisimula na ang tournament.

“Look what I’ve found.” agad na napatingin ako sa nagsalita.

Napasimangot ako ng makita sina Flynn at Blaze. “Andito sa loob ng training room mag-isa ang taong hindi gustong manalo sa tournament.” Flynn teased.

Sinamaan ko siya ng tingin. “Shut up. Kunan mo nalang kaya ako ng pagkain sa cafeteria. Alas otso na wala pa akong kain.” utos ko sakanya.

Napanguso siya saka hinila si Blaze pa sama sakanya. Napahiga ako sa sahig habang habol parin ang hininga. Since we made the deal ay hindi na nakipagkita si Aziel sa’kin which is a big advantage to me.

Napangisi ako habang napatingin sa kamay ko. I just discovered something new.

Agad kong kinumpas ang kamay ko at napangiti ng makitang agad na nagpakita ang phoenix ko.

Agad ko itong pinawala at agad na ipinikit ang mga mata.


SUMMER VOX


“Let's train together tomorrow sis.” aya sakin ni Stormie. Lihim akong napairap sa sinabi niya.

I snorted. “No thanks. I can do it myself.” mataray kong sagot sakanya.

I'm planning to beat Katherine and make her look helpless infront of everybody.

I just don't like that girl. From the start. I don't really like her. And here comes my traitor friends and sister who happened at my side and now siding that bitch.

“Bakit ba hanggang langit ang galit mo kay Katherine?” dinig kong tanong niya. Parang nagpantig ang taenga ko sa narinig.

“Kasi sa una palang she's getting much attention and that attention are supposedly mine!” I hissed in anger dahilan para mapatalon siya sa gulat

“T-this is not you Summ.” she muttered as I felt her tremble.

I smirked I felt sorry for her. “You don't know anything about me.”

“Sis, pwede ka namang—”

“Lahat ng lalaking gusto ko ay napupunta sa kanya. Happy?” naiinis na saad ko sakanya.

Her eyes widened. “Noon gusto ko si Aziel na hanggang langit ata ang sungit at ni isa hindi ako pinapansin, pero simula ng dumating ang babaeng yan bukam bibig na niya ang babaeng iyan! Katherine! Katherine! Katherine nalang lahat! Siya nalang palagi. And now nagusto ko naman si Flynn ay aagawin niya pa rin sakin!” I angrily blurted out.

“Sis—”

“Shut up! Huwag kang mag maang-maangan na nag-aalala ka sa’kin because I know the truth na hindi naman. Maswerte ka kasi lahat nag mamahal sayo. Nakukuha mo lahat ng gusto mo at nasayo na ang lalaking para sayo. Paano naman ako? Mananatiling ganito nalang? Mananatili nalang na talunan?”

Napaluha ito sa pinagsasabi ko. Biglang kumirot ang dibdib ko sa nakita pero tinatagan ko ang dibdib ko at agad na linisan ang lugar.

Wala sa sariling napapunta ako sa gardenia. Napahinto ako ng makita ko si Flynn. Bigla ulit kumalabog ang dibdib ko sa nakita. Sobrang gwapo talaga niya.

I offered him my smile ng naglakad ito papalapit sakin. Mas lalong lumaki ang ngisi ko. Nahuhulog na ba siya sakin? Is he going to kiss me?

Napaatras ako ng bigla akong hawakan sa balikat nito ng mariin. Napapikit ako at napaigik kasi sa sobrang higpit nito.

“You're hurting me!” agad na saad ko sakanya habang pilit na kumawala.

Sumama ang tingin nito sakin na tila handa na papatayin ako. “Talagang sasaktan kita kapag hindi mo titigilan si Katherine.” galit niyang aniya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ko ang pangalan ng babaeng kinaiinisan ko.

Buong pwersang tinulak ko siya dahilan para mapabitaw siya sakin. “Katherine na naman! Bakit ba puro nalang siya?” galit na sigaw ko.

Natigilan ito. “Malala ka na.” malamig na sambit niya.

Galit na tiningnan ko siya. “Malala na kung malala. Ikaw! Bakit ba puro Katherine nalang. Hindi mo ba ako napapansin? Maganda naman ako diba? Makapangyarihan naman ako, mayaman ako. Maganda naman katawan ko. Bakit ano pa bang meron siya na wala ako? Bakit? Pinapaligaya ba niya kayo sa kama ng sabay-sabay ni Blaze—”

Natigilan ako ng biglang bumaling sa kabilang direksiyon ang mukha ko. Hindi makapaniwala sa ginawa niya. He slapped me.

Naluluhang tiningnan ko siya. Ni walang pagsisisi sa mukha niya.

“If you're thinking I felt sorry for slapping you then you are wrong. I really mean it. Para yan magising ka na sa katotohanan. Atsaka ano bang pinagsasabi mo. Anong meron si Kath na wala ka? Respeto. Meron siyang respeto sa sarili na alam kong walang-wala ka. Atsaka babae ka ba talaga? Dahil mas bastos pa ang bibig mo kaysa sa bibig ko.” malamig niyang aniya at agad na iniwan ako.

Napaluha ako. Agad na hinabol ko siya.

“Flynn!” napahinto siya kaya napaiyak ako lalo at napalunok.

“Please love me, love me please.” halos lumuhod na ako sa harapan niya noong humarap siya.

Tiningala ko siya para makita ko ang reaksiyon niya. “Please. Love me.” pakikiusap ko.

He looked at me coldly. “Change.”

Natigilan ako. “A-ano?”

“Change. Ibalik mo ang dati mong sarili bago kapa nakaranas ng lahat ng sakit mula sa pag-ibig. Yung hindi pa napupuno ng poot yang puso mo.” sagot niya na ikinatigil ko.

Agad na tumayo ako mula sa pagkakaluhod. “Saan mo nalaman ang lahat ng iyan?” nagtatakang tanong ko.

Napaiwas siya ng tingin. Kaya nagtaka ako lalo. “Nino?”

“Katherine.” Katherine na naman. Bakit ba lagi na nalang siya ang magaling.

“She knows everything kaya hindi niya pinapatulan ang kagaya mo.”

“Kapag nagawa ko lahat ng iyan ano ang magagawa mo?” tanong ko pa, hindi na iniinda ang kaninang pinag-uusapan namin.

“Just do it first Vox.” sagot niya at tinitigan ako.

“No! I want to hear kung ano ang kaya mong isukli kapalit ng pagbabago ko.” asik ko sakanya.

“Ang pagbabagong hiniling ko ay hindi para sakin Vox. Kungdi para sa’yo. Huwag mong hahayaang lamunin ka ng mga insecurities mo. Marunong kang makuntinto kung anong meron ka. Yan din ang meron si Katherine na hindi nakikita sayo.”

“Kailangan ko ba talagang gayahin si Katherine para magustuhan mo rin ako?” puno ng inis na tanong ko.

“No, pilitin mo lang ang sarili mong bumalik sa dati Vox. Dahil alam kong tama si Stormie sa sinabi niya. Hindi ikaw ito.” walang gana niyang saad at agad na tumalikod.

“Ano nga ang kapalit ng lahat ng ito” sigaw ko muli sakanya.

“Matutunan kitang mahalin.”

Blue Academy: The Dominant PrinceWhere stories live. Discover now