Chapter 3

150 10 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 3

May's POV

"Manong dito na lang po, bayad oh"

Pagkababa ko ng tricycle dumiretsyo na agad ako sa bus pa-Maynila para sumakay. Pero nang paakyat pa lang ako sa hagdanan ng bus may kumulbit sakin.

Yumuko ako ng bahagya at may nakita akong isang bata na umiiyak hindi siya mukhang gusgusin sa totoo nga mukhang mayaman siya eh.

"Miss! Wag ka sa daan!" Napalingon ako sa likuran ko marami na palang pasahero sa likod ko na paakyat,tumabi ako sa daan at humingi ng dispensa sa kanila.Bumaba muna uli ako ng bus para lapitan yung batang nakita ko.

Hindi ko naman kasi kayang iwan ang batang ito. Lumuhod ako sa harapan nya at pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa mga mata niya.

"Bakit ka umiiyak baby?" Malambing na tanong ko sakanya medyo huminahon naman sya at tumigil sa pag-iyak.

"D-daddy!" Yun lang ang salitang lumabas mula sa mga bibig nya mukhang nawawala ang batang ito.

"Baby what's your name?" sa tantya ko ay nasa limang taong gulang na ang edad ng batang kaharap ko kaya sigurado akong nakakapagsalita na sya at kilala nya ang tatay niya.

"A-Angeline Perez" humihikbing sagot nya.

"What's your dad's name baby?"

"H-Harvey Perez" teka? Harvey?! Bakit ngayon ko lang nahalatang nakakahawig nya si Harvey yong lalaking yon may anak na pala di man lang ako nakuhang ninang.Tsk.

"Hush now baby we'll find your daddy ok?" tumango lang sya sakin.Kinarga ko si Angeline saka naglakad-lakad nagbabakasakaling makita yung lokong Harvey na iyon!

"Angeline! Where are you baby?!" Nakarinig ako ng sumisigaw.Teka? boses iyon ni Harvey ahh! sinundan ko lang yung boses ng sumisigaw.Then there, I saw Harvey, yung kababata ko frustrated na sumisigaw para mahanap yung anak nya.

I smiled ang cute nilang mag-ama.Napatingin si Harvey sa direksiyon ko mukhang nabunutan siya ng isang libong tinik ng makitang karga ko ang anak niya.Tumakbo siya sa direksiyon namin at kinuha ang anak niya.

Harvey mouthed thank you at tumango lang ako. Niyakap nya ng mahigpit ang anak nya at ganoon din naman si Angeline sa kanya.

"Hindi ka nagku-kwento Harvey ahh may anak ka na pala" pagbibiro ko.

"Wala kasing time May i'am sorry but thanks anyway."

"Welcome."

Pinatulog lang muna ni Harvey yung anak niya saka humarap sakin.

"Gusto mo ihatid na kita sa pupuntahan mo?" tanong niya sa akin na agad ko namang tinanggihan.

"Naku! Harvey wag na! magko-commute na lang ako sa kabilang kanto lang naman yung terminal eh" pangungumbinsi ko.

"Are you sure?"May pag-aalinlangan pa ring tanong niya.

"Very Much Sure Harvey" Tumango lang siya,ngumiti lang ako saka lumapit sa anak nya na tulog na tulog na dahil siguro sa pagod sa pag-iyak.Humalik lang ako sa pisngi ng anak niyang napaka-cute.

"Bye Harvey next time ka na magkuwento sakin" Tumawa lang siya at ako naman ay umalis na.

5:30 na pala ng hapon nagdali-dali akong sumakay sa bus dahil baka mahuli na ako.Uminom na rin ako ng gamot ko.

-

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko.Tumatawag pala si mama kaya agad kong sinagot alas-siyete na pala ng gabi.

[Hello nak?"] napangiti ako,miss ko na agad si mama.

"Ma! miss you, love you!" Rinig ko ang mahihinang tawa ni mama sa kabilang linya kaya napatawa rin ako. Parang bigla na lang nawala lahat ng pagod na nararamdaman ko ng marinig ang boses ni mama.

[Oh? Kumakain ka baga nman ng tama?]

"Oo naman ma, masunurin to eh" tumawa ulit si mama.

[Oh, sige na anak tatawag na lang ulit ako ha? ubos na ang load ko eh, expire nito ngayon] Ako naman ngayon ang napatawa.

"Sige mama, I love you"

[I love you too anak]  huling sabi nya bago namatay ang tawag.

Sumilip ako sa bintana gabi na pero ang ganda sa paligid yung mga nagtataasang building na bukas ang ilaw ngayon lang ako nakakita nyan.Wala kasi sa probinsya.

Nasa Maynila na nga talaga ako. Maya-maya ay nagsimula ng magbabaan ang mga pasahero kaya bumaba na din ako.

Gutom na ako.Sinilip ko ang wallet ko dalawang libo na lang ang natitira. Humanap ako ng pagkain.Nakakita ako ng street food alam kong bawal pero minsan lang naman eh hehe.

Tumakbo ako papunta doon saka tumusok ng 20 pesos na kwek-kwek at sampung pisong kikiam at fishball bumili na rin ako ng palamig para may pantulak.

Nang matapos akong kumain,napadighal ako sa kabusugan saka napatingala.May billboard don at si Sofronio ang model.Ang lalaking dahilan kung bakit ako nasa Maynila.Pero paano yun kulang na ang pera ko?

Paano kaya kung magtrabaho muna ako? ang rinig ko sa mga kapitbahay namin marami daw pumupunta sa Maynila para maghanap ng trabaho.Marami daw opportunities dito eh.

Masubukan nga!

+++++

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now