Chapter 10

117 4 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 10

May's POV

"You're inlove with my brother"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi sakin ni Nathan,Para itong sirang plakang paulit-ulit umi-echo sa aking tenga.Shemms.

"P-paano nangyari yon?"

"Let me introduce myself again May" panimula niya at nag-sign ng shake hands. "I am Nathan Peñaflorida Lopez"

Bigla akong kinabahan, patay! kung ano-anong pinagsasabi ko kay Nathan na sikreto.

"Nathan please kung ano mang mga nasabi ko, let's keep it a secret.Hayaan mo akong magdesisyon" pagmamakaawa ko kay Nathan.

Tumango siya sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. "Teka, Nathan bakit parang walang nakakaalam na magkapatid kayo ni Sofronio?" nagugulumihanan kong tanong.

Ngumiti lang sa akin si Nathan "It's another story to tell May gumagabi na baka hinahanap ka na ni Fron, ihahatid na kita" Tumango ako sa kaniya, mahirap na din humanap ng tricycle kasi madilim na,nakakatakot.Baka maholdap na naman ako.

Ang dami pa ring mga tanong na umiikot sa utak ko sa sandaling ito pero isinantabi ko muna yon.Baka nga hinahanap na ko ni Sof wala man lang kasi akong iniwan na note dahil akala ko makakabalik ako ng maaga.

Naglalakad na kami ni Nathan patungo sa sasakyan niya dun pa kasi yon naka-park sa may palengke kaya malayo-layo pa.

Nang makarating kami sa sasakyan ay agad akong pinagbuksan ni Nathan ng pinto. Inihilig ko muna ang ulo ko para makapag-pahinga.

Pinaandar na rin ni Nathan ang sasakyan.Ipinikit ko muna ang mga mata ko at hinilot-hilot gamit ang kamay ko dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako sa araw na ito.

"We're here May" Iminulat ko na ang mga mata ko at napatunayan na nandito na nga kami sa tapat ng bahay ni Sof.

"Gusto mo bang pumasok muna?"

"Next time na lang May, gabi na eh." Tumango ako sa kanya pero bago pa ako tuluyang makaalis ay humarap muna ako sa kanya.

"Samahan mo ko the day after tomorrow magpapacheck-up ako, ayos lang ba sayo?" tumango siya ng sunod-sunod at ngumiti.

Nagpasalamat muna ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa bahay.

Nagulat ako ng pagpasok ko ay agad may sumalubong sa aking yakap. Sobrang pamilyar sa akin ng yakap na ito na para bang naramdaman ko na ito dati, pero hindi ko alam kung kailan o saan.

"I am so worried about you Trése, san ka ba galing?" worried na tanong sa akin ni Sofronio saka niya ako hinalikan sa noo at niyakap ulit ng mahigpit.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, tila ba hindi pa nagpo-proseso sa utak ko ang mga sinabi niya, sa madaling salita kinikilig ako, shemms.

Pero parang may mali, Ayos na sana eh pero sino si Trése? Napagkamalan niya lang ba ako? Baka naman girlfriend niya yung Trése. Nalungkot agad ako sa iniisip ko.

"Sof, hindi ako si Trése" May halong tampo  na bigkas ko, ang sakit kayang mapagkamalan pero sa kabila ng mga sinabi ko ay tinawanan niya lang ako.May nakakatawa ba? "Si May to Sofronio" niyakap niya lang ulit ako. Nakakarami na ito ah.

"Shhh.I know, just let me call you Trése" Tumango na lang ulit ako sa sinabi niya kahit medyo naguguluhan.Kumalas na ako sa yakap niya dahil baka gutom na ito." Kumain ka na ba?" Tanong ko na inilingan niya lang.

A Million Steps to TakeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ