Chapter 15

74 2 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 15

May's POV

It's been one week simula ng mangyari yung incident .Nailipat na sa private room si Nathan. Mukhang may pakpak nga ang balita dahil kalat na kalat na sa buong Pilipinas ang nangyari sa kanya.Well, hindi na rin naman ako magtataka dahil artista siya.

Maraming mga tao ang nagpahatid ng simpatya at meron pa ring nang-bash kahit hindi nila alam ang tunay na istorya. 'Kesyo nag-drugs daw si Nathan'  o 'Nag-inom saka nag-drive' at kung ano-ano pa.Ewan ko ba sa mga tao wala naman silang mapapala sa mga yon pero patuloy ang pagpapalaganap ng fake news.

Hindi pa rin gumigising si Nathan pero atleast stable naman ang lagay niya sa ngayon .Si Sofronio nasa meeting para doon sa pag-collab nila ni Erica.

Hindi pa rin alam ng mga tao na magkapatid sila, pinalalabas nila na matalik silang magkaibigan kaya palaging nandito sa hospital si Sofronio.

Each and everyday sobrang daming reporter dito sa labas ng room ni Nathan.Minsan naiinis na rin ako kasi hindi kami basta-basta makakilos o makalabas dahil mahirap ma-issue.Ang hirap pa naman ng chismis minsan puro mali.

Umupo muna ako sa tabi ni Nathan at pinagmasdan siya.Gusto ko na naman maiyak sa lagay niya pero wala na din naman magagawa ang pag-iyak ko at alam kong hindi din yun gugustuhin ni Nathan.

"Nathan" pagtawag ko sa kanya kahit alam kong hindi siya sasagot.Ewan ko pero masarap lang sa pakiramdam na may mapagsabihan ka ng nararamdam kahit na alam mong hindi siya magsasalita.

"Uy! andaya mo naman eh, bakit nauna ka pang mahiga diyan? ako tong may sakit eh. Hindi ka talaga gentleman." pagbibiro ko sa kanya kahit alam kong hindi niya ako maririnig.

"Akala ko ba, sasamahan mo pa ko pagpapacheck-up?" Pagtatampo ko pa. Kami lang naman ang tao dito kaya alam kong walang makakarinig ng mga pinagsasasabi ko.

"Nathan, alam mo ba? habang lumilipas yung mga araw lalo kong nararamdaman na malapit na talaga yung oras ko. Mas lalo nang nahuhulog ang loob ko kay Sofronio at mas lalo na kaming napapalapit sa isa't-isa. Kung dati handa na kong mawala ngayon hindi na ulit, hindi ko kayang iwan si Sofronio, Nathan. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko kaya please naman, gumising ka na diyan!" humahagulgol lang ako habang sinasabi ko sa kanya ang mga salitang iyon.

Nagitla at dali-dali kong pinunasan ang luha ko ng bumukas ang pintuan at pumasok si Sofronio.

"Hi! Wala ng media sa labas?" pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi niya mahalatang kagagaling ko lang sa pag-iyak. Umiling siya at pagod na ngumiti. Lumapit siya sa tabi ni Nathan at pinagmasdan ang kalagayan nito.Maya-maya ay kita ko ang sunod-sunod niyang pagbuntong hininga na kalaunay nauwi sa paghikbi.

Agad ko siyang dinaluhan at niyakap.Ibinaon niya ang ulo sa balikat ko at doon nagpatuloy ng pag-iyak, pinispis ko ang likod niya para kahit papaano ay mapakalma siya.

"I-i don't know what to do." panimula niya habang patuloy lang sa pag-iyak.Hindi ako nagsalita sa halip ay pinagpatuloy ko ang pagpispis sa likod niya.

I know he needs someone to lean on sa mga oras na to, kahit yung mapaglabasan niya lang ng sama ng loob and I know to myself that I can be THAT someone.

"H-hindi ko kayang isipin na kahit anong oras pwedeng mawala si Nathan, and I can't let that happen pero hindi ko alam kung paano." Lalong lumakas ang pag-iyak niya na pati ako ay napapaluha na din.Pakiramdam ko ako yung nahihirapan para kay Sofronio.

"Mas lalo akong nagagalit kay mama.Siya dapat yung nandito eh! siya dapat yung naga-alaga kay Nathan! pero asan siya?! Wala, iniwan na niya kami! Pinabayaan niya kami!"

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now