Chapter 20

76 0 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 20

May's POV

Apat na araw na ang nakararaan simula ng makalabas si Nathan sa hospital.Hindi pa siya bumabalik sa trabaho dahil hindi muna siya pinayagan ng doctor.

Dito na muna siya pinatuloy ni Sofronio sa bahay niya para kahit papaano ay may magbabantay kay Nathan pag wala ang isa sa amin.

"Oh? Nathan saan ka pupunta?!" nakita ko kasi siyang nagpipilit tumayo kahit hindi pa naman niya kaya.

Kahit na medyo okay na si Nathan ay mayroong ilang nabaling buto sa kanyang paa at kamay kaya nahihirapan pa rin siyang tumayo.

"Iinom lang sana ako, kanina pa ako nauuhaw eh."  tumayo ako at naglakad patungong kusina. "Ako na ang kukuha para sa iyo."

Nagsalin ako ng tubig mula sa pitchel saka naglakad pabalik kay Nathan.

"Heto oh." sambit ko saka inabot sa kanya ang tubig.

"Problema mo?" tanong ko, kanina pa kasi siya nakasimangot.

"Nakakainis na kasi eh! hanggang kailan ba ako mananatili dito sa bahay?! tapos hindi pa ako makatayo, pag hindi nakaupo, nakahiga lang ako, sobra na ang boredom na nararamdaman ko May." pagrereklamo ni Nathan, kitang-kita ko na bad mood talaga siya kaya hindi ko na sinabayan.

"Tara?" kumunot ang noo niya, nakalimutan ko kasi na may malapit nga palang parke dito sa bahay.Dadalhin ko na lang doon si Nathan para mawala naman yung pagka-bored niya.

"Basta, sumama ka na lang." Hindi ko na siya hinayaang magsalita dahil alam kong ang dami na naman nitong irereklamo.

Hinila ko na ang kanyang wheel chair palabas ng bahay. Pero bago yon tumawag muna ako kay Sofronio para ipaalam na aalis lang kami ni Nathan sandali.

These past few days laging wala si Sofronio, sobrang busy at hectic ng schedule niya kaya ako na ang nag-aalaga kay Nathan.Hindi naman daw siya nag-aalala kasi alam niya raw na hindi ko kayang pabayaan si Nathan.

Hindi na ako nag-abalang magpalit ng damit dahil okay lang naman yung suot ko.

"May saan ba tayo pupunta?" tanong ni Nathan habang tinutulak ko yung wheel chair niya.

"Basta, malapit na tayo." hindi na siya nagsalita at nagpatuloy na lang kami sa paglalakad.

Maya-maya ay may narinig kaming ingay ng mga bata kaya nasiguro ko na doon na iyon.

Naabutan namin ang mga batang masayang naglalaro sa palaruan.

"Surprise!" sabi ko kay Nathan at tawang-tawa ako sa reaksyon niya.Nanlalaki kasi ang mga mata niya at parang hindi makapaniwala na doon ko siya dinala.

"What?" pigil tawa kong tanong.

"Seriously?" tanong niya ng nakakunot ang noo.

"Why? anong problema dito?" pa-inosente kong tanong.Ang alam ko kasi talaga hindi mahilig si Nathan sa mga bata kaya dito ko talaga siya dinala para makabawi naman ako sa mga pang-aasar niya sa akin.

"Gagawin mo ba akong bata?" inis na tanong niya. "Sana pala hindi na tayo umalis nang bahay dito lang din naman pala tayo pupunta." pagsusungit niya.

Humarap ako sa kanya. "Nathan, hindi kita gagawing bata, magpapasaya lng tayo ng bata." lalong nagkaroon ng kalituhan sa kanyang mga mata.

"What do you mean?"

Nagkibit-balikat ako. "Hmm, makikipaglaro? o kaya naman manlilibre? pumili ka." nanlaki ang mata niya. "Oh kaya naman both?" hindi ko na napigilan ang pagtawa sa pagkakataong iyon bigla kasi siyang nag-panic.

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now