Chapter 17

88 2 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 17

May's POV

"Yes, you heard it right.I love you May!"

Sobrang hindi ako makapaniwala sa sinagot niya sa akin.Shems! Seriously?Hindi naman sa nagpapakipot ako, pero you know all this time,gusto niya ko?!

Nakakasisi ngang nagtanong pa ako.Ewan ko kung totoo ba yung sinasabi niya pero isa lang ang alam ko.Sobrang naguguluhan ako ngayon.

"Napaka-joker mo talaga!" I tried to joke but he just frowned.

"I'm not joking May, I Love you!" mahina pero may conviction niyang tugon.

Shems! bakit naman ganito? minsan talaga mas mabuti ngang wag na lang magtanong.Hate this curiosity!

Next time, promise! hindi na talaga ako magtatanong dahil mas nacu-curious pa ako sa pwedeng isagot.

Tinignan ko siya sa mata. "Harvey, may anak ka na."

Tumawa siya. "So ano May? kapag may anak hindi ka na pwedeng mahalin?!" galit niyang pahayag.Na-misunderstand niya ata ako.Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin.

"No, Harvey.Hindi yon ang gusto kong iparating, I don't care kung may anak ka na lalo na at malapit sa akin si Angeline! Ang akin lang,Ayaw kong saktan ka Harvey,you know how much I Love Sofronio, right? isa pa mamamatay na rin ako.Baka imbes na sumaya si Angeline dahil magkakaroon siya ng instant mommy ay malungkot lang siya dahil baka mawalan lang ulit siya ng nanay, are you getting my point?" kalmado kong tugon habang hinihilot ang sintido,parang bigla na lang ulit sumakit yung ulo ko.

"That's my point May, I can't let myself seeing you dying!Marami akong kilalang magagaling na doctor at pwede kitang ipagamot sa kanila."I sighed.

"Harvey, ilang beses ko bang sasabihin sayo na ayaw ko.Kinausap na din ako ni Nathan tungkol dito pero tinanggihan ko lang din siya." paliwanag ko. Sana naman maintindihan niya yung point ko.Ayaw ko namang siya yung gagastos para sa akin.

"Why are you so stubborn May?"inis na pahayag niya.

"Kasi ang kulit niyo!" saka iniwas ang tingin sa kanya.Ayaw ko muna sanang kausapin si Harvey.Parehas pang magulo ang utak namin at wala lang akong masasabing maganda.

Nagpalipas lang kami ni Harvey ng ilang minuto sa coffee shop, inubos namin ang oras namin sa pag-inom ng kape.Pampakalma na rin at pampagising.

Maya-maya ay inaya ko na siyang bumalik sa hospital.I'm doing my best to act normal.Nagpapanggap lang akong walang nangyari at parang wala siyang sinabi pero shems! ang awkward bessy!

Pagdating namin sa hospital ay wala na si Arci, si Sofronio naman ay nakaubob sa table na malapit kay Nathan.Sa tingin ko ay nakatulog siya, dahil na rin siguro sa pagod at paga-alala.

Dahan-dahan at tahimik kaming pumasok ni Harvey dahil baka magising si Sofronio.

We just sat on the sofa.Walang umiimik at walang gustong umimik.

"Kung si Sofronio ba ang maga-aya sayong magpagamot, susunod ka ba?" walang emosyon niyang tanong habang nakatingin ng tuwid sa mga mata ko.

Yung tingin ni Harvey ay yung tingin na nangungusap pero hindi ko maintindihan ang nais niyang iparating.

I don't know what to say.Speechless ako sa tanong niya.Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin at isagot dahil alam kong isang maling salita ko lang may isang taong masasaktan and I don't want that to happen lalo na kung si Harvey yung masasaktan.

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now