Chapter 14

89 3 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 14

May's POV

Sobrang naga-alala na ko, hindi ko pa rin alam kung anong nangyari kay Nathan.Tutok na tutok lang si Sofronio sa daan.Ayaw ko naman siyang guluhin dahil alam kong kahit siya ay sobrang naguguluhan din.

Nagdadasal lang ako sa daan na sana walang nangyaring masama kay Nathan.Ito yung dahilan kung bakit takot akong maging sobrang saya dahil hindi ko alam kung nagkakataon lang ba, pero feeling ko kasi kapag naging sobrang saya ko ang kapalit naman nun ay sobrang kalungkutan.

Inabot kami ng ilang oras bago makarating sa Maynila pero dumoble ang tibok ng puso ko ng tumigil kami sa harap ng hospital.Sobra-sobra ang phobia ko sa lugar na ito kaya nga hanggat maaari ay hindi ako pumupunta dito.

Hindi ko alam kung kaya ko bang pumasok, pakiramdam ko kasi naninikip yung dibdib ko at hindi ako makahinga.

"Hey!" medyo lutang pang pagtawag niya sa akin.Marahil ay kinakabahan din siya sa kung anong nangyari kay Nathan.

Ngayong nasa harap kami ng pinaka-kinaayawan kong lugar ay nagkakaroon na ng mga mumunting ideya sa aking isipan.Hindi man sabihin ni Sofronio kung ano ang nangyari kay Nathan ay may hinala na ko.

Wala kami sa lugar na ito kung walang masamang nangyari kay Nathan. "Halika na?" nagtatapang-tapangang aya niya sa akin.

Alam kong si Sofronio ang pinaka-nahihirapan sa sitwasyong ito.Sila na lang ni Nathan ang magkasama sa buhay, ang papa niya wala na at ang mama naman niya ay iniwan na sila.He looses two of the most important person in his life and I know he can't afford to loose Nathan too.

Sa pagkakataong ito ko dapat harapin ang mga kinatatakutan ko para kay Sofronio, alam kong sobrang kailangan niya ng masasandalan sa mga panahong ito kaya dapat kong lakasan ang loob ko.

"Let's go" Sabi ko saka ko hinawakan ang kamay niya for him to know na nandito lang ako at kasama niya sa kahit anong hirap.

Dumiretsyo kami sa ICU o Intensive Care Unit dahil doon kami itinuro noong isang nurse na napagtanungan namin kung nasaan si Nathan.Hindi ko pinahalata kay Sof pero sobra akong kinabahan nang makita kong nagkakagulo yung mga nurse at doctor doon.

Hinarang ko yung isang doctor na tumatakbo, alam kong nagmamadali siya pero hindi na rin akong mapalagay na walang alam sa nangyayari dahil mas lalo lang akong maga-alala pag ganon.

"Doc what happened?" medyo nag-isip naman yung doctor kung sasagutin niya ako pero kalaunay sumagot din naman siya.

"The patient is in critical condition.I'm sorry but I need to go."Aalis na sana siya pero hinala ko yung braso niya.

Tinignan si Sofronio na naka-upo sa silya sa tabi ng ICU habang nakatungo ang ulo na parang nagdadasal.I know kung gaano siya kalungkot at frustrated sa oras na ito.

Humarap ulit ako sa doctor at tumingin na parang nagmamakaawa. "Please doc, do your best to save Nathan.Don't let anything bad happens to him.I am begging you doc."

"For now, I can't promise you anything ma'am but don't worry I will do my best to save him, but for now I really need to go" tumango ako sa kanya at binitawan siya.

Bumalik ako kay Sofronio, at dinamayan siya.Ngayon ko lang napansin na umiiyak pala siya kaya naman pinispis ko ang likod niya at pilit siyang pinapakalma.

"Everything will be okay, alam mo namang malakas si Nathan diba?" Hindi siya sumagot at patuloy pa rin sa paghikbi.

Maya-maya ay may lumapit na doctor sa amin, kaya agad na umayos at nagpunas ng luha si Sofronio.

"You are?" tanong ng doctor kay Sofronio.Agad namang tumayo si Sofronio at inabot ang kanyang kamay sa doctor.

"Sofronio doc, Nathan's brother" pakilala niya.Tumango lang yung doctor sa kanya.

"May I talk to you privately?" tumingin muna sa akin si Sofronio kaya sinenyasan ko siyang sumama.

Ilang minuto na pero hindi pa rin bumabalik si Sofronio kaya nag-aalala lalo ako sa sinabi ng doctor.Pabalik-balik lang ako sa paglalakad hanggang sa napatingin ako sa loob ng ICU, glass wall naman kasi yun kaya kita yung nasa loob.

I saw Nathan, walang malay na nakahiga at sobrang daming apparatus na nakakabit.Napaluha ako ng makita ang kalagayan niya.Bumalik sa akin yung mga alaala namin simula nung una kaming magkakilala.

Alam kong kaka-kilala palang namin pero it feels like sobrang tagal na nung connection namin sa isa't-isa and it hurts me seeing him in that condition.

"May" mahinang tawag sa akin ni Sofronio agad ko naman siyang nilapitan at niyakap.

"What happened? ok na daw ba si Nathan? magigising na daw ba siya?" sunod- sunod na tanong ko sa kanya but he just sighed.

Umupo ulit siya doon sa bench and then tumingin lang siya sa kawalan.

"He's stable for now but he's in a comma"Biglaang sabi niya habang wala pa rin sa sarili. "Hindi pa daw alam kung kailan siya magigising or worst-"

Lalo akong ni-ninerbyos sa sinabi niya at inintay ang huli niyang sasabihin. "or worst baka hindi na daw"

Oh God! please wag po!

"Ano ba kasing nangyari?"

"Car Accident, kagagaling niya lang daw sa isa sa mga taping niya at pauwi na daw sana when suddenly bigla na lang daw may sumalubong na truck sa kanya" pagpapaliwanag ni Sofronio.

"Sobrang bilis daw ng takbo kasi nawalan daw ng preno malas nga lang daw kasi nasa zigzag road sila kaya hindi agad napansin ni Nathan na may parating" that explains everything, it's very similar sa nangyari kay papa worst nga lang yung kay papa dahil hindi pa siya naiisugod sa ospital eh wala na siyang buhay.

"Nahuli na ba yung may gawa nito?" medyo galit kong tanong.

"Nasa hospital pa rin yung driver nung truck, napasama din kasi yung pagtilapon niya"

"May balak ka bang kasuhan siya?" agad siyang umiling kaya nangunot ang noo ko.Hindi niya ipapakulong eh yun nga yung dahilan kung bakit nasa hospital si Nathan at hanggang ngayon ay hindi pa rin gumigising.

"So anong plano mo sa kanya kung wala kang balak magsampa ng reklamo?"

"I'm planning to help him" napanganga ako sa sinabi niya.Seriously? tutulungan niya pa? "Hindi niya din naman ginusto yung nangyari.May pamilya siyang binubuhay, para ko na rin siyang pinatay kung hahayaan kong mahirapan at lumaki yung mga anak niya ng walang tatay.Wala na din namang mangyayari kahit ipakulong ko siya,comatose pa rin si Nathan.At hindi ko kayang makitang may pamilyang nasira ng dahil sa selfishness ko."

Wow just wow! hindi ko akalain yung naging sagot ni Sofronio.Hindi ko kaya yun.Sa kabila ng nangyari wala pa rin siyang sinisisi.Sobrang ganda ng pagpapalaki sa kanila.

Masaya ako na may nabubuhay pa palang ganitong klase ng tao sa mundo.

+++


A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now