Chapter 13

84 3 1
                                    

A Million Steps To Take
Chapter 13

May's POV

"Pagkatapos nating pumunta sa mall saan naman tayo pupunta?" medyo pagod nang tanong ko kay Sofronio habang nandito sa sasakyan.

Sandali siyang sumilip sa akin tsaka muling ibinalik ang tingin sa daan.

"Sa bahay niyo" maikling sagot niya pero sakin ay nagbigay ng sobra-sobrang excitement at saya.

"Talaga?!" hindi pa rin talaga kasi ako makapaniwala.Makikita ko si mama after a while.Hindi ko alam kung may nagawa ba akong sobrang ganda nung past life ko, kasi sobra-sobra talaga yung biyayang dumarating sa akin ngayon.

"Yes, just tell me the exact address, then we'll go there" Sa sobrang excited ko gusto kong hilahin ang oras at wag ng mag-mall.Gusto ko na lang ata na dumiretsyo sa bahay at mayakap ng sobrang higpit si mama.

Pero siyempre hindi ko sasabihin yun kay Sofronio.Baka mamaya ma-offend siya eh ang bait-bait na nga niya sa akin.

"Wait, ako muna ang bababa bago ikaw"Sabi niya pagkatapos iparada ang kotse sa may mall.

Umuna nga siyang bumaba at nagbukas ng payong saka umikot papunta sa kinauupuan ko at inalalayan ako pababa.

"Thank you" medyo hiyang pagpapasalamat ko kay Sofronio.Seriously? ano ba talagang  nangyayari dito.

Everyday mas lalo siyang nagiging sweet at caring.Yung totoo? sinasapian ba to?

Dumiretsyo na kami at pumasok sa loob ng mall.

Kapapasok pa lang namin pero agad nang nagkagulo ang mga tao.Hindi kasi si Sof yung tipo ng artista na kapag lumalabas ay nagma-mask.Sa madaling salita hindi siya takot sa camera haha.

"Kuya pa-picture!"

"Sofronio idol na idol kita"

"Ang gwapo mo pala kuya sa personal"

Dahil sa dami ng taong nagsiksikan makita lang siya, ayun nataboy na lang ako sa isang tabi nagtutulukan kasi sila at ang masama ako yung pinakatinutulak nila.

Tinignan ko ang kinaroroon ni Sofronio, mas dumami na ang tao don at si Sofronio, game na game naman sa pagngiti sa picture.

Maya-maya dahil sobra-sobra na ang dami ng taong naroon at nagkakagulo na may mga guards nang dumating at pilit inaawat ang mga tao.

Ilang sandali pa ay nakalabas na din si Sofronio sa kumpulan ng mga tao.Sobrang pawis na pawis siya, akala mo nga naligo siya dahil pati buhok niya basang-basa na.

Luminga-linga siya sa paligid at nang matanawan ang aking kinatatayuan ay agad siyang ngumiti at lumapit sa akin.

Kinuha ko agad ang panyong nasa bulsa ko at agad-agad paglapit niya ay agad kong pinunasan ang pawis niya.

"Hay, sabi ko kasi sayo mag-mask ka na"pangaral ko sa kanya habang patuloy na pinupunasan ang ulo niya ng parang baby.

"Sorry na po" malambing niyang sagot habang nakayakap sa kin.Mukhang mapapasama yata kami sa listahan ng mga PDA na wala namang label.

Pagkatapos kong mapunasan ang mga pawis na tagaktak sa kanyang katawan ay agad na kaming umalis, papunta kami ngayon sa tindahan ng mga mask.

Pinilit ko na siyang bumili ng mask dahil baka magkagulo na naman at masisi lang kami.

"Anong gusto mong color?" pinapapili ko kasi siya ng gusto niyang kulay at design ng mask.

"Eto kaya?" kinuha ko yung mask na color black walang masyadong design at simple lang pero bagay kasi sa kanya.

A Million Steps to TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon