Chapter 22

81 3 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 22

May's POV

Nandito pa ako sa loob ng bahay.Iniintay ko pang dumating si Harvey.Hindi niya kasi nasabi kung anong oras siya dadating pero minabuti kong agahan ang paggagayak para hindi naman nakakahiya kay Harvey.

"Anong oras ka ba uuwi para ako na ang magsundo sayo?" humarap ako kay Sofronio.

"Hindi ko alam eh, depende siguro.Text na lang ako sayo, incase na kailangan kita." tumango siya at ngumiti.

Gusto ko sanang itanong kay Sofronio yung tungkol sa sinabi niya kahapon na hindi ko narinig.Sobrang hina kasi talaga ng pagkakasabi niya kaya talagang hindi ko maririnig.

Nag-aalangan ako at medyo nahihiya kaya hindi ko na lang tinuloy ang aking binabalak.

Ilang sandali pa ay mayroon kaming narinig na busina kaya agad na akong tumayo mula sa pagkaka-upo.

"Sigurado ka na ba talaga na okay lang na ikaw muna ang magbantay kay Nathan?" paninigurado ko ulit.

"Oo naman, ako nga ang kapatid kaya ako talaga dapat ang magbantay sa kanya." tinapik ko na lamang ang balikat niya at nagpaalam na nalalabas.

Naabutan ko si Harvey na nag-aabang sa labas ng gate habang nakasandal sa kotse niya.

Mukha siyang isang leading man na nag-aantay ng kanyang leading lady katulad sa mga kwento at nobela na nababasa ko.

Pero siyempre hindi ako ang leading lady.Alam ko na hindi ako ang tamang tao para kay Harvey.He deserves someone better, yung mamahalin siya ng lubos at buong-buo at alam kong hindi ako ang taong iyon.

Masyado akong nalunod sa pagmamahal ko kay Sofronio at hindi ko alam kung makakaya ko pang umahon.

"Oh andyan ka na pala May." ngumiti siya sa akin na parang walang nangyari.

Hindi ko alam kung totoo ba tong pinapakita ni Harvey o nagpapakatatag lang siya pero kahit alin don.I feel guilty dahil alam kong sobrang dami na ng problema niya at malungkot siya tas dadagdagan ko pa.

Kayalang ayoko namang paasahin pa si Harvey na pwedeng maging kami kasi kahit anong gawin ko parang naka-program na yung puso ko na dapat titibok lang para kay Sofronio.

Whenever I am with Sofronio nakakalimutan ko lahat kahit yung sakit ko.Tila ba may kakayahan siyang patigilin ang oras dahil tuwing kasama ko siya wala akong ibang nakikita kundi siya lang at hindi ko na namamalayan na tumatakbo ang oras.

"May?" nabalik lang ako sa ulirat ng tawagin ni Harvey ang pangalan ko.

"Sorry." Tumango siya at lumapit sa aking harapan.Hanggat maaari gusto ko sanang medyo dumistansya kay Harvey para mabilis niya lang akong makalimutan.

"Halika na?" inalalayan niya ako sa pagsakay sa kotse niya.Ito din yung kotseng dala niya nung sinundo niya ako sa bahay nung pupunta kami sa hospital para dalawin si Nathan.

"Kumusta si Nathan?"

"Ayos naman siya, medyo nagre-recovered na." tumango siya at sincere na ngumiti.

Pinatakbo na niya ang sasakyan at hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam kung saan ang aming pupuntahan.

Nahihiya akong magtanong kay Harvey kasi nao-awkwardan pa rin ako sa aming dalawa.

Kung hindi lang talaga dahil sa birthday ni Angeline.Promise! hindi ko talaga to gagawin-- na well, ako nga pala ang nag prisinta pero kasi yun yung time na hindi pa umaamin sa akin si Harvey.

Naaalala ko tuloy dati, ewan ko kung high school ba yon o elementary haha.Inggit na inggit ako doon sa mga kaklase ko kapag may nagpapadala sa kanila ng love letter o bulaklak.

Pinagsasabihan ko pa nga sila na dapat i-appreciate nila yung mga nagkakagusto sa kanila kasi swerte sila.

Tanda ko talaga dati, puro aral ang inaatupag ko pero hindi naman ako dumating sa point na talagang parang naging nerd type na ko.

Marunong naman akong mag-ayos sa sarili pero not totally ayos na naka-make up yung marunong namang magsuklay.

Tamad kasi talaga akong mag-pulbo o mag cologne.Well, kahit nga mag-aral tamad ako.Mas gugustuhin ko pang magbasa ng pocket books kaysa mag-review kaya nga nagugulat na lang ako na ako pala yung valedictorian sa batch namin.

Si Harvey naman, kababata ko to.Bale kapitbahay namin sila dati nung mga 14 or 15 years old ako.

Hindi ko kasi talaga maalala yung ibang childhood memories ko.Tinanong ko nga yun kay mama dati pero ang laging sagot niya lang ay wag ko na daw alalahanin.Mahalaga daw ay maayos ako at masaya.

Dati rati tinutulungan ko pang manligaw yan si Harvey at kapatid talaga ang turing ko diyan.Gwapo kaya siya at mabait kaya hindi ko din naiwasan dati ang magkagusto sa kanya.

Syempre marupok ako, joke! Hindi, bilang bata pa kasi at wala pang masyadong alam.Mabilis talaga ako ma-attract sa mga ganung tipong lalaki not to mention na kakaunti lang talaga ang mga kakilala kong lalaki.

"We're here May." Hindi ko na namalayan ang pagdating namin dito sa may coffee shop.

Ang akala ko pa naman ay sa bahay nila namin ipa-plano yung tungkol sa birthday ni Angeline kaya medyo na-disappoint ako.

Inalalayan niya ako pababa at papasok sa coffee shop.Isa din to sa mga nagustuhan ko dati kay Harvey sobra siyang pa-fall haha.Gentleman kasi siya sa mga babae lalo na sa akin kaya dagdag pogi points.

Umupo kami at um-order.Ilang minuto na ang nakalipas pero wala ata talagang balak magsalita sa amin.

"Harvey." agad umangat ang tingin niya sa akin.

"Yung tungkol don sa nangyari sa hospital---" pinutol niya ang sasabihin ko at ngumiti sa akin.

"Wala na yun May.Naiintindihan ko na talagang mahal mo na si Sofronio." mapait siyang ngumiti. "Siguro, what I have to do is to support you.Dapat maging masaya na lang ako para sayo pero siguraduhin lang ni Sofronio na hindi ka niya sasaktan kasi ako ang unang unang sasapak sa kanya."Tumawa kami ng sabay na para bang walang nangyaring misunderstanding sa pagitan namin.

Tumigil ako sa pagtawa at hinawakan ang kamay niya ng walang malisya. "Kahit na Harvey, gusto ko paring magpasalamat at mag-sorry sa iyo." sinsero kong sabi sa kanya. "Aaminin ko dati nagkagusto talaga ako sayo.I mean, masyado kang mabait, gentleman at maaalalahanin kaya sino ba naman ako para hindi mahulog ang loob sa iyo."

Natawa ako. "First crush kaya kita."nakanguso kong saad at parang gulat na gulat siya.

"Talaga?!" napangiti siya don.

"Haha oo, hindi lang halata.Naiinis nga ako dati kapag nagpapatulong kang manligaw.Humihiling nga ako non na sana hindi ka sagutin ng nililigawan mo.Baliw ko noh?" Nabigla ako sa biglaang pagyakap niya.

"Hindi mo alam May kung paano mo ko napasaya.At least ngayon, alam kong nagkaroon naman ako ng puwang sa puso mo."

"Baliw, eh sadya ka namang may lugar sa puso ko.Mahal kita Harvey bilang kapatid.Ako pa rin to yung bestfriend mo.Hinding-hindi ako aalis sa tabi mo unless gusto mo."

Sa ganitong paraan parang biglang gumaan kahit papaano yung pakiramdam ko.Yung feeling na nagkaayos na kami ni Harvey ang  best feeling na naramdaman ko,dahil ayaw kong mawalan ng kaibigan, ng isang tunay na kaibigan na para ko na ring kapatid.

"So ano? magda-drama na lang ba tayo dito o magpa-plano para sa birthday ni Angeline?" tumawa ulit siya.

Natutuwa ako na tumatawa at ngumingiti na ulit si Harvey gaya ng dati.

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now