Chapter 26

86 3 2
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 26

May's POV

"Oh kumusta naman ang buhay dito Kaye?" tanong ko sa kaibigan ko habang kumakain ng sopas.

"Hayun, mahirap.Ang barat naman kasi ni Aling Baby, ang laki-laki ng kinikita hindi man lang kami mabigyan ng bonus." Reklamo nya habang nang-iirap na akala mo ako yung boss nya na nang-barat sa kanya.

"Para namang hindi mo kilala yun Kaye." biglaang singit ni mama.

Sinilip ko sa tabi ng mga mata ko si Harvey na tahimik lang na kumakain ng sopas.Medyo nagtataka lang ako kasi magkakilala naman sila ni Kaye pero hindi sila masyadong nagpapansinan.

"Magka-away ba kayo ni Harvey, Kaye?" Biglaang tanong ko na nagpalaki ng mga mata nila.

I smell something fishy....

"Mama?"

"Bakit 'nak?"

"Pwedeng palambing pa po ng isang pinggang sopas?" tanong ko para magkaroon ako ng tsyansang matanong ang dalawang ito.

"Sige 'nak, akin na yang plato mo." Inabot ko na yon kay mama at agad na syang umalis.

Palihim akong napangiti habang tinitingnan sina Harvey at Kaye na magka-ilangan.

"Aminin, may something kayo noh?!" asar ko sa kanila.

"May!" sabay nilang sambit habang namumula.Mukhang alam ko na ang sagot ah.

"Kayo ah! Naglilihim kayo sa'kin." sabi ko habang natatawa. "Kailan pa?" kunwaring seryosong tanong ko.

"Wala!" -Harvey

"Matagal na yon!" Bulalas ni Kaye na pare-parehas nagpalaki ng mata namin.

So meron nga? hehehe...

Dumating si mama kaya napilitan akong itigil ang pang-aasar sa kanila.

"Mamaya kayo sakin" bulong ko sa kanila.

Lumipas ang dalawa pang oras kaya napagdesisyonan kong dito na lang patulugin si Kaye.Syempre para na rin makapagtanong tungkol sa kanilang dalawa ni Harvey.

"So Kaye, start na." Agad-agad na sabi ko pagkapasok pa lang sa kwarto.

Umupo sya sa kama at nagtanggal ng sapatos, "Ano bang sinasabi mo May?" patay malisyang tanong nya.

"Kunwari ka pa eh umamin ka na kaya kanina."

Humiga sya sa kama kaya tumabi ako sa kanya, "Matagal na nga yon." Sabi nya  habang nakatingala sa kisame.

"Kahit na Kaye, magkwento ka na." Pangungulit ko sakanya.

"Noon pa yon, nung uso pa ang puppy-puppy love." Sabi nya.

Nagkibit balikat na lang ako sakanya.

"Gusto mo pa ba si Harvey?" Tanong ko na ikinagulat nya.

Makalipas ang ilang minuto ay tumawa sya ng peke, "May boyfriend na ko May, Wag na nating ipilit ang hindi na pwede. Tsaka, isa pa may anak na si Harvey ah." Kunwaring walang pakialam na sagot nya.

"Paano mo nalamang may anak na si Harvey? Ini-stalk mo sya noh? ibig-sabihin may feelings ka pa!" Sabi ko sabay pitik ng daliri.

Namula ang pisngi nya at dahan-dahang tumango. Sabi ko na nga ba eh, mapapaamin ko rin tong babaeng to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 14, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A Million Steps to TakeWhere stories live. Discover now