Chapter 23

72 2 0
                                    

A Million Steps to Take
Chapter 23

May's POV

"Ahh Harvey, may alam ka bang paboritong cartoon character ni Angeline? para magkaroon din kasi tayo ng idea kung anong pwedeng maging concept ng birthday party niya." Ilang beses siyang tumingala na animoy nag-iisip.

'Tsk. Wag mong sabihin na hindi nya alam ang paborito ng anak niya.'

Napapahiya siyang ngumiti at tumingin sa akin.Kumamot pa siya ng ilang beses sa kanyang noo.Tumingala at nag-iisip ulit.Paulit-ulit lang na ganon, para syang baliw hehehehe....

Tumikhim ako na naging dahilan para makuha ko ang kanyang atensyon.Pinaningkitan ko sya ng mata na parang nagtatanong 'kung ano nang sagot niya.'

"Ahm May, hindi ko alam eh"  Tuluyan na akong napanganga.Seriously?

"Ha?"

"Sorry hehehe."

"Kahit anong paborito niya? halimbawa, yung palagi niyang pinapanood o pinapabili sayo.Wala ba talaga?"

Tumahimik siya ng ilang sandali.Baka inaalala kung anong paborito ng anak niya.

"Ahh teka...yun atang Kit?" hindi siguradong sagot niya.

May laruan bang Kit? Wala kasi akong masyadong matandaang laruan eh.Alam mo yung feeling na parang hindi ka dumaan sa childhood at wala kang ni isang matandaang alaala na naglaro ka dati.Weird, isn't it? pero it's true.

Muli pa akong nag-isip, pero wala talaga akong alam na laruang 'Kit' ang pangalan.I only known few toys like, Barbie, teddy bears and Hello Kitty? W-wait?!

Nanlalaki ang mata kong humarap kay Harvey. "Hello Kitty ba?!"

Unti-unti siyang ngumiti at tumango. "Yeah, that's it!"

'Bakit ba hindi ko nga yon naalala? tsk. tsk. tsk.'

"Hayan na lang ang gawin nating concept ng birthday niya." He agreed to my decision without having any second thought, I guess.

Masyado nga ata akong pinagkakatiwalaan ng lalaking to para hayaan akong mag-desisyon sa napakahalagang araw ng anak niya.Naaawa rin ako kay Angeline, kasi ni hindi man lang niya makakasama ang tunay niyang nanay sa isa sa pinakamahalagang araw ng buhay niya.

"Harvey, pwede ba akong magtanong." he chuckled.I glared at him, parang nagbabantang seryoso ako kaya wag siyang magbiro."Seryoso ako wag kang tumawa."

"Who says you're joking? Wala akong sinasabi." patay malisya nyang tanong.

Nag-isip pa muna ulit ako kung dapat nga ba akong magtanong tungkol sa bagay na yon.Naisip ko kasi na baka pribado at ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nanay ni Angeline, pero kasi naaawa lang ako dun sa bata.Siguradong magtatanong at magtatanong yon balang-araw.

Bumuntong hininga ako. "Eto Harvey, seryoso na talaga." mukhang nahalata niyang seryoso nga ako kaya hindi siya nagsalita at nakinig na lang. "Hindi mo ba naisip kung paano kung magtanong si Angeline balang araw tungkol sa nanay niya?" hindi sya sumagot kaya nagpatuloy ako. "Harvey, hindi ka ba naaawa sa bata na lalaki siyang walang ina? na kapag napag-usapan ang pamilya wala syang mai-kwento kasi wala syang ina, tapos yung tatay naman nya palaging busy." I tried to explain.Si Angeline kasi talaga ang concern ko.

Yun kasi yung pinaka-ayaw kong mangyari kapag nagkaroon ako ng sarili kong pamilya.Ayaw kong lalaki ang mga anak ko sa isang broken family kasi alam kong napakahirap non kahit na hindi ko pa nararanasan at ayokong maranasan ng mga anak ko.

A Million Steps to TakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon